Chapter 23

139 28 0
                                    

"I'M BACK!"


Matapos ang matagal na biyahe ay nakarating na si Anna sa Kauai—ang lugar kung saan naging simula lahat ng mga pangit na nangyari sa kanyang buhay.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at huminga nang malalim saka muling idinilat ang kanyang mga mata. Napahawak siya sa kanyang tiyan at hinimas iyon nang bahagya.

"We will find your daddy, baby. No matter what."

Pumara si Anna ng taxi. "Aloha ahiahi, e ka wahine maikai! (Good afternoon, beautiful lady)" masayang bati ng taxi driver kay Anna ngunit nanlaki ang mga mata nito nang makita ang dalaga. "It's you!"

Bahagyang napakunot-noo si Anna ngunit matapos ang ilang saglit ay nakilala niya kung sino ang driver.

"It's you!" bulalas ni Anna sabay turo sa driver.

"It's been a while, beautiful lady," nakangiting tugon ng driver.

Tumawa si Anna. "I didn't think we'd run into each other again"

"Me, either. Are you going to Kauai Beach Resorts & Spa, again?"

"Yes."

"What are you waiting for? Hope in!" masayang aya ng driver.

Sumakay naman agad si Anna nagkaroon naman ng masayang usapan ang dalawa habang nasa biyahe hanggang sa makarating sa resort.

"Here we are," masayang wika ni Dave nang hihinto niya ang sasakyan sa tapat ng entrance ng resort.

"Thank you, Sir Dave. I'm really enjoying your company down here," pasasalamat ni Anna.

"Anna, I've already told you that you don't have to address me with honorifics. Dave will be fine by himself," wika ng driver.

Nag-aalalangan man ay walang nagawa si Anna kung 'di tawagin ito sa pangalan nito. "Thanks, Dave for a fun ride." Muling pasasalamat ng dalaga.

"Anna, it's my pleasure. I hope you have a great time here for the second time." At binigyan nang matamis na ngiti ang dalaga.

"I will."

Kumaway si Dave kay Anna bago nito tuluyang pinaandar ang taxi at umalis. Pinagmasdan ni Anna ang papalayong taxi nang may ngiti sa kanyang labi matapos ang ilang saglit ay unti-unting nawala ang kanyang ngiti. Huminga siya nang malalim bago humarap sa entrance ng resort at saka bumuga nang mabigat.

"We're now here, baby, where it all began."

Matapos ang ilang paghinga bugang ginawa ni Anna ay naglakad na siya papasok. Tulad ng dati lahat ng taong narito ay very accommodating at mabilis inasikaso ang kanyang pag-book ng k'wartong kanyang matutuluyan.

"Here's your key room, Ma'am," wika ng staff sabay abot ng susi sa kanya at tulad ng pagkikita nilang muli ni Dave ay ang parehong numero ng k'wartong kanyang tutuluyan.

"Do you believe in fate, or do you believe everything is just a coincidence?" tanong niya sa babaeng nag-abot sa kanya ng susi na siya niyang tinignan nang husto

Napakunot ng noo ang babaeng nasa kanyang harapan ngunit sinagot pa rin nito ang tanong ni Anna. "I don't believe in fate, nor do I believe in things happening exactly as they did in the past, or in so-called coincidences. I only believe that events took place at an unexpected time and location."

Napangiti nang mapait si Anna. "Is that so?" Sabay tingin sa babaeng nasa kanyang harapan.

Hindi man maintinidihan ng babae kung bakit siya tinatanong ni Anna ay napaisip ito na baka kailangan lang ito ng dalaga para sa nobelang sinusulat nito kaya binigyan niya ito ng ngiti.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now