Chapter 17

136 29 0
                                    

HINDI INAASAHAN ni Anna na dadagsain ang book launch ng kanyang bagong nobela. Saan man siya tumingin ay maraming tao ang nakaabang para bumili ng kanyang libro at magpa-autograph. Halos hindi mahulugan ng karayom ang event hall dahil sa dami ng taong naroon at masaksihan ang ganoong suporta sa kanya ng mga tao ay walang mapaglagyan ang tuwa na kanyang nararamdaman.

"Hi," nakangiting bati ni Anna at inabot niya ang kanyang kamay para kamayan ang dalaga sa kanyang harapan.

"Ms. Anna, fan na fan po ako ng gawa niyo. Sobrang nakaka-relate po ako sa mga sinusulat niyo—mapanakit pero hindi ko magawa siyang kainisan dahil sa ganda," masayang saad ng dalagang hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi at kasabay noo ay ang hindi maipaliwanag na nararamdaman nito kung nagagalak ba o naiinis.

Natuwa naman si Anna sa mainit na pagtanggap ng kanyang mga supporters sa kanyang mga akda. Doon niya na-realize na naipaparating niya sa kanyang mga mambabasa ang nais niya iparamdam.

"Natutuwa ako na isa ka sa masayang sumusuporta sa akin at tumatanggap sa aking mga akda," wika ni Anna at kinuha ang libro sa kamay ng dalaga at saka pinirmahan iyon matapos noon ay ibinalik niya ang libro at nagpa-picture kasama ang dalaga.

"I'm rooting you for your next book, Ms. Anna!" masaya nitong saad bago tuluyang umalis sa pila na may malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Ms. Anna!" hindi magkamayaw na tili ng sunod na babae sa pila na pinipilit na kontrolin ang kanyang pagtili.

Natawa naman si Anna sa reaksyon nito kung kaya inabot niya ang kanyang kamay dito. "Hello," ngiting bati niya na mabilis inabot naman ng dalaga ang kanyang kamay.

"Fan na fan niyo po ako!" wika nito na halos walang mapaglagyan ang tuwa nang makita siya. "Sobrang napapasaya at nasasaktan po ako ng mga nobelang ginagawa mo, Ms. Anna."

"Thank you, hindi mo alam kung gaano mo rin ako napasaya," tugon ni Anna na may tuwa sa kanyang mga labi.

Muling napatili ang dalaga nang impit. "P'wede po ba magpa-picture kasama niyo?" tanong ng dalaga.

"Sure," nakangiti niyang tugon.

Mabilis na kinuha ng dalaga ang kanyang cellphone at sunod-sunod na pinundot ang shutter nang matapos ang pagkuha niya ng litrato ay humarap siya kay Anna.

"It's an honor na ma-meet ko po kayo ng personal," tuwang-tuwang sabi nito at hinawakan ang kamay ni Anna na sobrang nagagalak.

Tanging ngiti na lang din ang naging tugon ni Anna dahil kahit siya ay speechless sa mga naririnig niya mula sa kanyang mga readers. Nagpatuloy ang book launch at book signing hanggang sa maubos ang unang labas ng kanyang libro. May mga taong pang naroon na nakapila para makakuha ng kanyang libro ngunit naubos na ito.

"I'm sorry po sa mga taong matiyagang naghintay at pumila pero naubos na po ang libro na nakahanda para sa araw na ito. Humihingi po ako ng iyong pag-unawa at despensa dahil sa dami ng taong pumunta para sa book launch ng "My Island" ay mabilis po ito naubos nang hindi namin inaasahan. Kung maaari ay bumalik na lang po kayo sa susunod na linggo para sa pangalawang batch ng pag-release ng libro," mahinahong pakiusap ni Anna.

May lungkot man sa mukha ng mga taong naroon na hindi nakakuha ng libro ng dalaga ay naunawaan naman nila ang sitwasyon kung kaya pumayag na sila sa pakiusap ni Anna. Bilang pampalubag ng loob sa mga taong naroon ay namigay sila ng free tokens sa mga dumalo na masaya namang tinanggap ng mga sumusuporta sa dalaga at nagpa-picture bilang souvenir. Matapos na mabigyan ang lahat na natitira ay isa-isa na itong umalis.

Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan ni Anna nang sandaling maisandal niya ang kanyang likod sa upuan.

"Nakakapagod," wika niya na napatakip ng kanyang mga mata gamit ang kanyang braso.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now