Chapter 46

85 7 2
                                    

UMUWI si Anna nang namamaga ang mga mata laking pasalamat niya na lang ay wala roon si Krystal para makita ang itsura niya nang sandaling iyon dahil panigurado siyang magwawala na naman ito.

Napahugot na lamang nang isang malalim na paghinga si Anna saka napatingin sa buong kabahayan nina Krystal. Laking pasalamat na lamang niya at pinatuloy siya ng kaibigan sa pamamahay nito ngunit hindi niya magawang mapalagay lalo na at naroon si Hayacinth at Mr. Lee, para siyang sinasakal sa lugar na iyon lalo na alam niyang naroon ang isa sa mga taong trumaydor sa kanya.

"Ano ng gagawin ko?" mahina niyang tanong sa kanyang sarili.

Habang malalim ang kanyang iniisip ay bigla siyang nakarinig ng mga yabag dahilan para mapaangat siya ng tingin at magkasalubong ang kanilang mga mata ni Hayacinth na siyang ikinagulat nito. Hindi siya nito nagawang makita kahapon gawa ng gabi na ito umuwi na malamang ay kasama ang ex-boyfriend niya na nanloko sa rin sa kanya.

"Anna...what are you doing here?" tanong nito na hindi makapaniwala nang makita ang dalaga.

Hindi sumagot si Anna at nakipatitigan lang kay Hayacinth habang pilit na pinipigilan ang sarili na sumabog sa emosyon. Nakita niya na inalis ni Hayacinth ang mga tingin nito sa kanya at naibaling sa kanyang tiyan na siyang mas ikinabigla nito at mapaawang ang bibig.

"Is that—"

"Don't you ever dare say it his, because it will never will," saad ni Anna sabay inalis ang tingin kay Hayacinth. "Hindi isang manloloko ang ama ng anak ko." Dagdag nito na may pagdidiin sa mga salitang binitawan nito.

Matapos sabihin iyon ni Anna ay kinuha niya ang kanyang maleta at nagsimula ayusin ang kanyang mga gamit. Hindi umimik si Hayacinth na patuloy lang na pinagmamasdan si Anna hanggang sa matapos ito sa pag-aayos ng gamit nito.

Tumingin si Anna kay Hayacinth. "I shouldn't have come here in the first place. Being in the same space as you is too much for me to bear."

Matapos sabihin iyon ni Anna ay nagsimula na siyang maglakad palabas.

"Anna, it's not that—"

"Shut up, Haya!" mariing sigaw ni Anna. "I don't wanna hear anything from you! Not a single word!" Dagdag nito nang hindi tumitingin kay Hayacinth at mahigpit na kinukuyom ang kanyang mga kamay.

"But—"

"Enough! I don't want to talk to you!"

Matapos sabihin iyon ni Anna ay mabilis siyang lumabas ng pamamahay na iyon na may labis na bigat sa kanyang dibdib. Kahit alam niyang nangyayari na ang lahat ng iyon sa kanya—ang pamilyang hindi niya magawang mabuo, panloloko ng taong labis niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang pangtatraydor ng isa sa mga pinagkakatiwalaang kaibigan, at panghuli, ang pamilyang pilit niyang gustong buohin para sa kanyang anak na imposible. Lahat ng iyon ay alam niyang nangyari at mahirap ng mabago ngunit hindi niya pa rin alam kung bakit lahat ng iyon ay nangyayari sa kanya, kung bakit kailangan niyang pagdaanan ang lahat ng pagsubok na iyon. Bakit sa kinarami-rami ng tao sa mundo ay tila siya ang labis na pinaparusahan. Alam niyang wala siyang ginawang masama sa ibang tao ni isa wala siyang ginawan.

"Bakit? Anong ginawa kong kasalanan para mangyari ang lahat ng ito sa akin? Bakit?" paulit-ulit niyang tanong sa kanyang sarili na pilit na hinahanap ang kasagutan sa kanyang mga katanungan na patuloy dumari sa kanyang isipan. "Ano bang naging kasalanan ko?"

***

LUMIPAS ang mga oras nang hindi ni Anna namamalayan. Wala sa tamang huwisyo ay hinayaan niya lamang ang kanyang mga paa ang magdesisyon sa kung saan siya nito dadalhin hanggang sa natagpuan niya na lamang ang kanyang sarili na nasa tapat na siya ng isang lumang bahay—ang dati nilang tirahan ng kanyang pamilya.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now