Chapter 50

55 6 0
                                    

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Lax ang kumikinang na mga bituin sa madilim na kalangitan. Humugot nang tahimik na buntong-hininga ito habang sinisimsim ang alak sa kanyang kopita.

“Lax, I know it's difficult, but he's the only one who can put a stop to this. He is the only one who can stop Viv and save Anna and our niece from Viv.”

Muling umalingawngaw sa isipan ni Lax ang mga sinabi ni Tox sa huli nilang pag-uusap.

Muling napabuntong-hininga nang tahimik at sumimsim ng alak si Lax.

“Honey, what are you thinking so deeply?” tanong ni Lena na binigyan nang mainit na yakap mula sa likod ang kanyang asawa nang sandaling makalapit ito.

“Nothing, honey,” wika ni Lax.

Inalis ni Lena ang kanyang pagkakayakap sa kanyang asawa at hinarap ito paharap sa kanya.

“I know it's not simply nothing. Tell me what it is.”

Napatingin si Lax sa kanyang asawa.

“Tell me, makikinig ako,” malumanay na saad ni Lena saka binigyan nang maliit na ngiti ang kanyang asawa.

“What should I do Lena?”

Hinawakan ni Lena ang kamay ng kanyang asawa at hinila ito paupo. “Tell me, what it is, honey. I will listen.”

At nagsimulang ik’wento ni Lax ang lahat sa kanyang asawa. Isa-isa. Sa simula hanggang dulo nang walang isang detalye na pinalipas.

Hinawakan ni Lena ang kamay ng kanyang asawa at marahan na tinapik-tapik iyon. “I know it's difficult, but I believe what Tox pointed out is the proper thing to do, honey. That is the only way out of this problem. To keep anyone from being hurt.”

Napatingin si Lax sa kanyang asawa. “Do you think so?”

“Honey, this is the only way to save Jax and Anna's lives, as well as the life of an unborn baby,” saad ni Lena.

Hindi umimik si Lax at tahimik na napaisip.

“Honey, you must act quickly before it is too late.”

***

NAPATINGIN si Bien sa kanyang cellphone nang maramdaman nito ang pag-vibrate at nakita niya ang isang unregistered number. Hindi niya pa man sinasagot ang tawag na iyon ay alam niya kung sino  ang taong iyon at alam niya din kung anong rason kung bakit siya tinatawagan nito. Ngunit sa kabila noon ay sinagot niya pa rin ang tawag nito.

“So, how’s the plan going, huh?” bungad ng babaeng nasa kabilang linya.

Hindi pa man nakakasagot si Bien ay may panibagong tanong na naman ito.

“What is it that is taking you so long? Don't tell me you're going to back out on a deal we made.”

“When did I say that?”

“Then why are you taking so long to wrap up what we agreed to do?”

“I just need to get some things straightened up. Just give me some time,” simpleng tugon ni Bien.

“Sort out things? Really? Aren't you just creating excuses to put off what we already had planned? Or are you hesitant because you still have feelings for the girl with whom you cheated?”

Napakuyom ng kamay si Bien ngunit pilit niyang ikinalma ang kanyang sarili. “I’m not and just what I had said, I just need to sort out things and surely proceed according to what we had planned,” paninigurong saad ni Bien.

“I don’t need empty words, Bien. I need results.”

“I know.”

“Remember what you stand to lose if you do not complete our deal. So make a wise decision. Move more quickly and don't let me do things that you should be doing,” mariing saad ni Vivienne. “Keep in mind who you're dealing with, Mr. Fausto.”

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon