Chapter 18

167 28 0
                                    

HINDI NAKAGALAW si Bien sa kanyang kinakatayuan sa mariin at malakas na sigaw sa kanya ni Anna. Kitang-kita niya ang mga rumaragsang luha sa mga mata nito—ang sakit at hinanakit na dinaramdam nito matapos ng kanyang ginawang pananakit sa dalaga.

"Anna, I'm sorry," mahinang paghingi ng tawad ni Bien.

"I'm not in need of your apologies. Get out of here and stop bothering me!" mariing saad ni Anna na sumisilab ang galit sa mga mata nito nang sandaling iyon.

"But—"

Hindi na nagawang maituloy ni Bien ang kanyang sasabihin nang may dalawang malalaking bouncer ang humawak sa makabila niyang braso.

"What the—let me go off!" mariing utos ni Bien sa dalawang malalaking lalaki na may hawak sa kanya sa kaliwa't kanan.

Ngunit nanatili itong walang kibo.

"Didn't you hear me?" bulyaw na tanong ni Bien sa dalawa ngunit hindi siya nito pinansin.

"Fuck!" malutong na mura ng binata na pilit kumakawala sa pagkakahawak ng dalawang bouncer.

Habang abala sa pagpupumiglas si Bien ay may isang lalaki ang lumapit sa puwesto nila ni Anna.

"Send him out," maikli at ma-awtoridad na utos ng lalaking lumapit.

Naibaling ni Bien ang kanyang pansin sa lalaking nagsalita.

"Who are you to kick me out?" aroganteng tanong ni Bien. "Can't you see I'm talking to my girlfriend?" Dagdag nito na pilit kumakawala sa pagkakahawak ng mga bouncer.

"Ex-girlfriend," pagwawastong saad ng lalaki. "Definitely means she is no longer your girlfriend."

"Who the hell are you to meddle in our relationship?" gigil na tanong ni Bien.

"Someone who cares for her."

Nagsalubong ang mga kilay ni Bien sa kanyang narinig. "What did you say?"

Ngunit hindi umimik ang binata at tingin lang ang naging tugon nito sa kaarogantehan ni Bien.

Muli, sumenyas ito sa dalawang bouncer. "Throw that scum outside," utos nito at walang pagdadalawang-isip ay hinila ng dalawang bouncer si Bien na pilit na nagpupumiglas.

"Take your hands off me!" mariin niyang sigaw ngunit matigas ang dalawang bouncer kung kaya kinalakad nila ang binata palabas ng bar nang hindi na makapanggulo.

Tahimik na umiiyak si Anna—walang hikbi, walang hagulgol. Humugot nang isang malalim na paghinga ang binata bago lumapit sa dalaga saka nito ipinatong sa ulo nito ang cardigan na suot para itago ang mukha ng dalaga na naging sentro na ng atensyon ng mga taong naroon.

"Come with me," marahang saad ng binata at maingat na inalalayan ang dalaga papalayo sa kinauupuan nito na nabalot ng kalat at basag na bote ng alak.

Wala naman sa huwisyong sumunod si Anna sa binata at dinala siya nito sa isang k'warto para doon magpalipas.

"In the meantime, please stay here," mahinahong saad ng binata.

Nanatiling walang kibo at tila ba wala sa kanyang sarili si Anna nang sandaling iyon. Hindi na nagsalita ang binata at hinayaan muna ang dalaga hanggang sa makolekta ang sarili nito. Kumuha na lang ito nang malamig na tubig at inilapag sa ibabaw ng mesa.

"If you need anything, just tell me," saad ng binata at saka naglakad palabas ng k'warto para iwan si Anna.

Nanatili si Anna sa kanyang posisyon na hindi man lang gumalaw kahit konti nanatili siyang ganoon sa nakalipas na ilang minuto tanging pag-iyak lamang ang kanyang ginawa.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now