Chapter 66

33 0 0
                                    

"THIS IS OUTRAGEOUS! Dad, you need to intervene! I refuse to spend another moment in this godforsaken place! I won't rot away here!" paghihisterikal na sigaw ni Vivienne habang kausap ang ama.

"Honey, calm down. You don't have to worry. I will do my best—"

"I don't want to hear promises, Dad! I want you to get me out of here right now!"

"I'm doing my best, honey, just be patient for-"

Muling pinutol ni Vivienne ang pagsasalita ng kanyang ama at muling sinigawan ito.

"Crap the bullshit, Dad! If you don't want me to lose my mind, get the hell out of me here!" pagwawalang sigaw ni Vivienne na animo'y mawawalan na sa katinuan at labis na itong nilalamon ng pagkawalang-taros nang sandaling iyon. Huminga ito nang malalim para muling ikumpas ang sarili. "If you are really care for me, Dad, do everything you can to get the hell out of me here. Do everything...by any means."

Kitang-kita ng ama ang pagkawalang-taros ng anak at labis na dinudurog ang kanyang puso sa kanyang nasasaksihan nang sandaling iyon.

"Honey—"

"Don't let me repeat what I said, Dad!"

Mabilis na napalingon si Vivienne sa kanyang likuran nang marinig niya ang pagbukas ng pinto dahilan para lamunin siya lalo ng takot.

"Ms. Collins, tapos na ang oras ng bisita mo," wika ng isang lalaking nakasuot ng putting scrubs at nilapitan siya nito.

Natatarantang umiiling si Vivienne. "No! No! No!" sigaw nito.

"Ms. Collins, kailangan mo ng magpahinga," mahinahong wika nito saka hinawakan sa braso ang dalaga ngunit pilit na nagpumiglas pa rin ito. Hindi nagpaawat ang lalaki at hinigpitan nito ang pagkakahawak sa braso ng dalaga at hinila ito patayo sa pagkakaupo nito.

"No! I don't want to go back inside! No!" wika ni Vivienne na animo'y nagmamakaawa habang nakikipagmatigasan.

Walang salitang lumabas sa bibig ng ama ni Vivienne nang sandaling iyon. Kitang-kita niya kung paano hilahin ng lalaki ang anak niya pabalik sa loob habang patuloy ito sa paghiyaw at pagmamakaawa. Hindi niya man alam ang buong pangyayari ngunit ramdam niya ang kakaibang takot na nararamdaman ng kanyang anak. Hindi niya pa ito nakitaan ng ganoong takot simula pagkabata.

"Honey, what did those bastards do to you for you to tremble in fear?" usal nitong tanong sa kanyang sarili na napakuyom ng kanyang mga kamay.

Umigting ang mga panga ng matanda habang nananariwa sa kanyang alaala ang imahe ng kanyang anak.

"Just hang in there, honey. I will get you out of this hellish place and I will make those bastards pay for what they have done to you! I will make sure of it!" mariing saad ng ama ni Vivienne na mas lalong humigpit ang pagkakakuyom sa mga kamay bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.

***

ILANG ARAW na rin ang lumipas nang magkamalay si Anna at sa ilang linggo na nagdaan ay marami siyang hindi nalaman. Tila ba isang bagyo ang dumaan ng hindi niya namamalayan. Simula noong gabi na nanganak siya, ang kapahamakan na nangyari sa kanyang anak, ang pag-aagaw buhay niya, ang muntikang pagkasangkot ni Jax sa kapahamakan dahil sa labis na galit nito kay Vivienne, ang pagkakahuli kay Vivienne at hatol ng korte na sa mental facility ang kinabagsakan nito.

"You're writing again."

Biglang naagaw ang atensyon ni Anna nang marinig ang boses ni Tox.

Ngumiti si Anna. "Sinasamantala ko habang tulog si Janna." At napatingin sa direksyon ng kanyang anak ngunit habang pinagmamasdan niya ang kanyang anak ay biglang sumagi sa kanyang isipan si Jax. Magmula ng magising siya ay hindi niya pa ito nakitang pumunta sa kanilang k'warto ni Janna o kahit sa paglakad-lakad niya sa kabahayan kapag kailangan niyang painitan si Janna ay hindi niya din ito makita.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon