Chapter 32

63 6 0
                                    

TAHIMIK na nagkakape sina Jax at Tox sa may cafeteria ng resort. Hindi man magsalita si Jax ay ramdam ni Tox ang tensyon na bumabalot sa buong pagkatao nito. Hindi man ito magsalita at pilit man itago nito ang mararamdaman ay hindi pa rin makakalampas sa kanya ang tumatakbo sa isipan nito nang sandaling iyon.

"Jax—"

Hindi pa man nagagawang matapos ni Tox ang kanyang sasabihin ay biglang pinutol ni Jax ang kayang pagsasalita.

"Don't even try to tell Lax or Sax. They don't need to know," mariin at seryosong sabal ni Jax.

"But—"

Muling pinutol ni Jax ang pagsasalita ni Tox.

"I'm warning you, Tox," mariing saad ni Jax na binibigyan ang kapatid ng seryosong tingin at pagbabantang tono.

Nagkatitigan ang magkapatid sa mga mata at makalipas ang ilang saglit ay binawi ni Tox ang kanyang mga tingin.

"Fine," maikli nitong tugon at itinuon na lamang ang pansin sa pagkaing nasa kanyang harapan.

Makalipas pa ilang sandali ay tumayo na si Jax sa kanyang kinauupuan at akmang aalis ngunit bago ito tumulou ay binigyan niito nang makahulugan at nagbabantang mga tingin ang kanyang kapatid.

"I'm warning you, Tox." Muling banta nito saka tuluyan nang naglakad paalis.

Inabot ni Tox ang kanyang tasang may kape at saka humigop habang pinagmamasdan ang kanyang kapatid na naglalakad papalayo sa kanya.

"Sorry, Jax, but I'm not going to take your warning seriously. Your life is more important than being afraid of you disliking me."

***

PAGASPAS ng alon at malamig na ihip ng hangin ang yumakap kay Anna habang naglalakad siya sa may dalampasigan. Dahan-dahan ang kanyang naging hakbang habang may iniisip na malalim. Matapos pa ang ilang saglit inangat ni Anna ang kanyang ulo at tinignan ang papasikat na araw. Napahugot nang isang malalim ana paghinga ang dalaga at ikinuyom ang mga kamay at kinalunan ay ibinukas niya iyon at napahimas sa kanyang tiyan.

"Hindi susuko si mommy, baby. Nangako ako na bibigyan kita ng buong pamilya kaya iyon ang gagawin ko. Gagawin ko ang lahat para sa 'yo, baby," determinadong saad ni Anna sa kanyang baby habang hinihimas ang kanyang tiyan. "Pangako ko 'yan sa 'yo, baby."

Kung kaya hindi nagsayang si Anna at kaagad na hinanap si Jax. Ginalugad niya ang buong resort para mahanap lang ang binata ngunit ilang oras na ang nakalipas at ang pag-iikot-ikot nito ngunit hindi pa rin nagkakasalubong ang kanilang landas nito.

"Nasaan ka na ba?" tanong ni Anna sa kanyang sarili habang patulay na iginagala ang kanyang mga mata sa paligid nagbabakasakaling makita niya ito ngunit nanatili siyang bigo.

Magsisimulang muli na maglakad si Anna nang makaramdam ito ng hapdi sa kanyang paa at nang ituon niya ang kanyang pansin sa kanyang mga paa ay doon niya nakita na nagkaroon na pala ito ng paltos buhat ng kanyang matagal na pag-iikot-ikot.

"Aww..." mahina niyang daing habang pinagmamasdan ang paa niyang may sariwang sugat.

Dahil sa walang balak si Anna na tumigil sa paghahanap ay hinubad niya ang suot niyang sandals at akmang ipagpapatuloy na muli ang kanyang paghahanap nang biglang kumalam naman ang kanyang sikmura. Naibaling niya ang kanyang tingin sa kanyang tiyan at natawa nang mahina.

"Is this your way to stop me, baby?" tanong nito sa batang nasa kanyang sinapupunan. "If that's the case, you've successfully completed your mission. You're the boss, so I must obey you." Nakangiti niyang dagdag at naglakad papunta sa diner ng resort para kumain.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now