Chapter 3

224 36 4
                                    

8 YEARS had passed...

"One iced Americano," nakangiting order ni Anna.

"What's size do you like?" tanong ng barista.

"A venti."

"Your name is?"

"Anna."

"That would be a hundred and sixty."

Binuksan ni Anna ang kanyang bag para hanapin ang kanyang wallet ngunit kahit na anong halughog niya sa kanyang bag ay hindi njya makita ito.

"Where did I put my wallet?" tanong niya sa kanyang sarili na patuloy na hinahalughog ang kanyang bag.

"I'll pay for her coffee. A venti iced Americano with four shots of expresso without water for me, please," magalang na sabi ng lalaki na sumiksik sa harapan ni Anna.

"What is your name?"

"Bien," nakangiting sagot ng binata.

Napatingin si Anna sa lalaking nasa kanyang harapan.

"Bien?"

Humarap ang binata kay Anna na may ngiti sa mga labi nito.

"Good morning, Doopie!" nakangiting bati nito sa dalaga.

Napayakap naman si Anna kay Bien sa labis na pagpapasalamat sa pagsalba sa kanya sa kahihiyan.

"You're my real lifesaver talaga!" wika ni Anna na may panggigil sa kanyang pagyakap kay Bien.

Ipinatong ng binata ang kanyang kamay sa ulo ni Anna saka ginulo ang buhok nito.

"Paano ka na lang kung wala ako?"

Tumingala ang dalaga para magkasalubong ang kanilang mga mata. "Alam ko namang 'di mo ako pababayaan," matamis na wika ni Anna na may malawak na ngiti sa kanyang mga labi.

"Pababayaan ko ba ang girlfriend ko nang gano'n-gano'n na lang?" pabalik na tanong ni Bien sa dalaga.

"Tamis naman niyan, Mr. Fausto!"

Mabilis na lumapat ang mga labi ni Bien sa labi ng dalaga. "Mas matamis pa rin ang mga halik ko," wika ng binata sabay kindat kay Anna.

Hinampas nang mahina ni Anna sa dibdib si Bien. "Pasaway ka! Ang daming nakakakita, oh!" nahihiyang wika niya na may kasamang kilig.

"Wala akong pakialam sa kanila basta kiligin ka iyon ang mahalaga."

Isinubsob ni Anna ang kanyang mukha sa dibdib ni Bien para itago ang pamumula ng kanyang pisngi. "Napaka-sweet talker mo talaga!"

"Sa 'yo ko lang naman ginagawa ang ganito," wika ni Bien dahilan para lalo kiligin si Anna. "Siya maupo na tayo habang hinihintay ang order natin." Sabay inalalayan ang dalaga sa paglakad dahil sa nakasubsob pa rin ang mukha nito sa kanyang dibdib.

"Clover brewed coffee for Jax!" sigaw ng isang babae.

Naagaw ang pansin ni Anna nang marinig niya ang pangalang Jax. Hindi niya maunawaan kung bakit pero tila kung anong magnet ang humihila sa kanya para tanawin at malaman kung sino itong Jax na ito.

"Jax?" mahina niyang usal sabay lingon sa may counter.

Ngunit nang maibaling niya na ang kanyang tingin dito ay hindi ito ang taong inaasahan niyang makita at nang sandaling iyon ay nakaramdam nang pagkadismaya si Anna. Napansin naman iyon ni Bien dahilan para mag-alala ito sa biglang pagbabago ng awra ng dalaga.

"Anna, are you okay?" tanong ng binata na bahagyang na-pu-puzzle nang sandaling iyon.

Ikinumpas ni Anna ang kanyang sarili saka ibinaling ang kanyang tingin sa kanyang boyfriend. "I'm fine," nakangiti nitong sagot na pilit tinatago ang nararamdamang pagkadismaya dahil sa umasa siyang makikita niya ang Jax na kilala niya.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now