Chapter 40

71 7 1
                                    

"GO DIE, VIV!" mariing sigaw ni Jax habang mas lalong humihigpit ang kanyang pagkakasakal sa dalaga. "Go die for me, Viv!" Muli nitong sigaw na may nakakatakot na ngisi sa kanyang mga labi.

"J-jax..."

"Show your love for me, Viv. Show it to me!" At mas lalong humigpit ang sakal ni Jax kay Viv na halos mabalot na ng kaputian ang mata nito ngunit bago tuluyang mawalan ng hininga ang dalaga ay biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Jax.

"Jax!" sigaw ni Tox na mabilis nilapitan ang kapatid at pilit na inalis ang mga kamay nito sa leeg ni Vivienne.

Ngunit nakipagmatigasan si Jax at hindi pa rin binitawan ang leeg ng dalaga.

"Jax, you're going to kill her!"

Hindi pinansin ni Jax ang sinabi ng kanyang kapatid at nanatiling nasa leeg pa rin ni Vivienne ang kanyang kamay na patuloy na humihigpit.

"Jax! Let her go!"

"Jax!"

"Jax!"

"Jax..."

Sa paulit-ulit na pagtawag ni Tox sa kanyang pangalan ay hindi nito siya nagawang patigilin sa kanyang ginagawa ngunit sa isang sambit lamang ng boses nang malambing na tinig ay bigla siyang napatigil sa kanyang ginagawa.

Unti-unting lumawag ang pagkakahawak niya sa leeg ni Vivienne at dahan-dahang ibinaling ang kanyang tingin sa direksyon kung saan nagmula ang tinig. Kitang-kita niya ang pagkabigla at takot sa mga mata nito nang sandaling iyon dahilan para maalis ang kanyang mga kamay sa leeg ni Vivienne at mapaatras ito sa kanyang kinatatayuan.

"Anna..." mahina nitong sambit sa pangalan ng dalaga.

Nang sandaling iyon ay natauhan si Jax at napatingin sa babaeng umuubo at hinahabol ang kanyang paghinga na ngayon ay nakaupo sa sahig sa kanyang harapan. Ilang saglit pa ay napatingin siya sa kanyang kamay na namumula sa labis na presyon na ginawa niya sa ginawa niyang pananakal kay Vivienne. Hindi siya makapaniwala na nagawa niyang gawin ang brutal na bagay na iyon.

"What I have done?" mahina niyang saad na labis na nagsisisi sa kanyang ginawa.

Ngunit bago pa man mawala sa kanyang sarili si Jax ay mabilis na sinaksakan ni Tox ang syringe sa leeg nito ang tranquillizer.

"What did you—"

Hindi nagawang matapos ni Jax ang kanyang sasabihin nang biglang bumigay ang kanyang mga tuhod dahilan para mapaluhod siya sa kanyang kinatatayuan at unti-unting makaramdam ng pagbigat ng kanyang mga mata hanggang sa tuluyang nandilim ang kanyang mga paningin.

Mabilis na nilapitan ni Tox ang kanyang kapatid para tignan kung tuluyan na itong kumalma at nakatulog. Nang masiguro ay agad siyang nagtawag ng mga staff na maaaring magbuhat kay Jax paakyat sa penthouse para doon makapagpahinga.

"Let me check you," wika ni Tox kay Vivienne na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak dahil sa sinapit nito kay Jax.

Akmang hahawakan ni Tox ang leeg ng dalaga nang bigla nitong tinabig ang kamay nito.

"Don't touch me!" mariing saad nito dahilan para mabilis na tinignan nito nang matalim si Tox.

"Let me at least treat you, Viv," mahinang saad ni Tox na labis nakokonsensya sa ginawa ng kanyang kapatid sa dalaga.

Kitang-kita ni Anna ang takot sa mga mata ni Vivienne maging katawan nito ay nanginginig dahil sa traumang sinapit kani-kanina lamang kung kaya nilapitan niya ito para bigyan ng maiinom para huminahon.

"Here, it will help you calm—"

Hindi nagawang matapos ni Anna ang kanyang sasabihin nang biglang magsalita si Vivienne.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon