Chapter 67

23 0 0
                                    

HUMINGA nang malalim si Anna nang matanaw ang isang pamilyar na imahe sa hindi kalayuan.

"Tatay..." mahina niyang sambit.

Naramdaman ni Anna ang usang magaan na pagdampi ng kamay sa kanyang balikat dahilan para mapatingin siya kay Napoleon.

"How is he been doing?" tanong ni Anna na may labis na pag-aalala sa kanyang mukha.

Isang malalim na butong-hininga ang pinakawalan ni Napoleon bago sinagot ang tanong ni Anna.

"His health has taken a turn for worse," malungkot na saad ni Napoleon na mas lalong ikinapag-alala ni Anna.

Ibinaling ng dalaga ang kanyang tingin sa kanyang ama na nakatanaw sa malayo.

"The medication is the only thing keeping him in a stable condition."

Hindi alam ni Anna ang kanyang gagawin para matulungan niya ang kanyang ama. Alam niyang dahil sa ginawa ng kanyang ina kaya nagkaganoon ang kanyang ama. Gusto niya sisihin ang kanyang ina ngunit hindi rin nito mababago o magagamot ang kondisyon na meron ang kanyang ama.

"What am I going to do?" mahina niyang tanong sa kanyang sarili habang patuloy na pinagmamasdan ang kanyang ama.

Awang-awa siya sa kalagayan nito. Alam niyang nahihirapan ito sa ganoong sitwasyon ngunit mas nahihirapan siyang tanggapin na magkaganoon ito at ang katotohanang hindi na nito magagawa na makilala siya kahit na anong kanyang gawin. Hindi na nila magagawa ang mga bagay na nagagawa nila noon.

Nasa kalagitnaan nang malalim na pag-iisip si Anna nang biglang umiyak ang kanyang anak na kanyang karga-karga dahilan para maibaling niya ang kanyang tingin dito.

"What's wrong baby? Why are you crying?" Sunod-sunod niyang tanong sa kanyang anak.

Pilit niyang inalo ang kanyang anak ngunit ayaw nitong tumigil sa pag-iyak.

"Janna, what's happening? Why can't you stop from crying?" nag-aalalang tanong ni Anna habang sinasayaw ang anak sa pag-aasang titigil ito ngunit hindi.

Habang abala si Anna sa pagpapatahan ng kanyang anak ay hindi nila namalayan ni Napoleon na naglakad papalapit si Leon sa kanila.

"Celeste?"

Kapwa naagaw ang atensyon nina Napoleon at Anna nang marinig ang boses ng kanilang ama.

"Tatay..." mahinang usal ni Anna nang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

Matapos ang ilang segundong pagtititigan ng mag-ama ay ibinaling ng ama ang tingin sa batang karga-karga ni Anna. Hindi maipaliwanag ang emosyong gumuhit sa mukha ng matandang lalaki nang sandaling iyon. May tuwa, lungkot at higit sa lahat ay pangungulila.

"Anna..." mahina nitong sambit sa pangalan ni Anna ngunit hindi para sa dalaga kung 'di sa batang karga-karga nito.

Maingat na kinuha ni Leon ang batang nasa braso ni Anna at dahan-dahan itong sinayaw at inalo.

"Why are you crying, sweetie? Tatay is here. Don't cry anymore my sweet little angel," wika nito habang sinasayaw ang bata sa kanyang braso.

Sa hindi malaman na dahilan ay biglang tumahan ang bata at tahimik na pinagmasdan ang matandang karga-karga siya na animo'y kilala ito. Nang sandaling iyon ay napasinghap si Anna at pilit na pinipigilan ang kanyang paghagulgol.

"Anna..." Muling sambit ng ni Leon sa pangalan ng dalaga habang pinagmamasdan ang bata sa kanyang braso hanggang sa nagsisimulang mangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

Dahan-dahan nitong hinaplos ang bata na may labis na pag-iingat.

"My angel..." mahinang usal ni Leon habang patuloy na pinagmamasdan si Janna. "I'm sorry...I'm sorry if I haven't done enough. I'm sorry...I'm sorry."

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now