Chapter 22

136 29 0
                                    

ALAS SAIS na ng gabi at naayos na lahat ni Anna ang kanyang mga gamit may isang oras at kalahati pa siya bago ang flight niya papuntang Kauai. Pumayag si Mr. Lee sa gusto niya dahil wala naman siyang nakikitang dahilan para hindi sundin ni Anna ang proposal na siya mismo ang naglahad at sa kabilang banda nauunawaan niya ang nais nito.

"Anna, are you really sure about this?" nag-aalalang tanong ni Krystal.

"I've already explained everything to you, Krystal. No matter how many times you ask it will always be the same answer," wika ni Anna.

"Pero, Anna, how can you make sure na mabuting tao 'yan Jax na 'yan? Paano kung hindi niya tanggapin ang batang 'yan? Anong gagawin mo?" Sunod-sunod na tanong ni Krystal kay Anna.

"That's just a what-if scenario; unless I hear from him that he does not want this child, at which point I will consider what I should do."

"Anna naman, p'wede mo namang hindi gawin ito. You are capable of raising this child on your own. I will help you para hindi ka mahirapan just don't go there baka mapano ka pa," nag-aalalang wika ni Krystal.

Ibinaling ni Anna ang kanyang pansin sa kanyang kaibigan. "Krystal, I will be fine. Walang mangyayaring masama sa akin doon," pagpapakalmang saad ng dalaga sa kaibigan nitong labis na nag-aalala sa kung anong maaaring mangyari sa kanya sa mga plano niyang paghahanap sa ama ng batang dinadala niya.

"Paano ka naman nakakasiguro ni hindi mo pa nga kilala ng buo 'yang Jax na 'yan maliban sa pangalan. Paano—"

Pinutol ni Anna ang pagsasalita ni Krystal. "Nakauwi ako ng buhay, Krystal, so stop worrying about things that will never happened," awat ng dalaga.

"But—"

Hinawakan ni Anna sa kamay ni Krystal at marahang pinisil ito. "Thank you sa pag-aalala but I need to do this. Hindi ito para sa akin kung 'di para sa batang dinadala ko. I don't want him to grow up without having a father while growing up. I want to provide him with a family, just as any other child has to. Ayoko na matulad siya sa akin that's why I'm doing this," paliwanag ni Anna.

Nakita ni Krystal ang lungkot na kumukubli sa mga mata ni Anna dahilan para makaramdam siya ng awa sa dalaga.

"Anna..."

"That's why I hope you understand why I am doing this."

Hindi nakaimik si Krystal at napayuko. Bumuga ng paghinga si Anna sabay tingin sa kanyang relo.

"I should go. Hindi ako p'wede ma-late sa flight ko," paalam ni Anna.

"Ihatid na kita sa airport," offer ni Krystal.

"Are you sure?"

Tumango si Krystal bilang tugon at hinatid si Anna sa airport. Hindi na siya nakipagtalo sa dalaga dahil nauunawaan niya kung bakit gusto niya magkaroon ng ama at buong pamilya ang batang dinadala nito. Masyadong masalimoot ang pinagdaan ng kanyang kaibigan at ayaw lang nito na mangyari din iyon sa anak nito.

Bago sumapit ang alas syete trenta ay nakarating sila ng airport. May natitira pa si Anna na sampung minuto bago siya sumakay ng eroplano.

"Anna..." tawag ni Krystal habang hinahanap ni Anna ang passport sa bag nito.

Napalingon naman si Anna kay Krystal. "Bakit?"

"Mag-iingat ka doon ha? Tawagan mo ako kapag nakarating ka na doon. Huwag mong kakalimutan na mag-update sa akin para alam ko kung okay ka lang doon. Kung may kailangan ka sabihin mo sa akin, tutulungan kita agad. Kapag may ginawa sa 'yo ang Jax na 'yon sabihin mo sa akin agad at lilipad ako kaagad papunta sa lugar na 'yon para kumprontahin ang lalaking 'yan. Kung kailangan mo ng kausap andito lang ako. Kung—"

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now