Chapter 11

164 31 0
                                    

ILANG ARAW na napapansin ni Anna na kakaiba ang mga ikinikilos ni Bien maging ang pakikitungo nito sa kanya ay tila ba hindi na tulad ng dati.

Kasalukuyang nagbabasa si Anna ng libro sa study room ni Bien kung saan naroon din ang binata at abala sa pagsusulat nito. Pinagmasdan niya ang kanyang kasintahan at sinuri ito kung may pagbabago ba sa physical nito dahilan para maapektuhan ang emosyonal na pakikitungo nito sa kanya simula ng siya'y dumating.

"Guni-guni ko lang ba ang lahat?" tanong ni Anna sa kanyang isipan habang patuloy na pinagmamasdan ang kanyang kasintahan.

"Hindi kaya nagsasawa na siya sa akin?"

Biglang sumagi sa kanyang isipan ang mga katanungang iyon.

"Hindi kaya?" mahina niyang usal.

Biglang napailing si Anna nang matauhan sa kanyang naisip.

"Impossible! Hindi niya magagawa sa akin ang bagay na 'yon," mahina at mariing saad ni Anna sa kanyang sarili na napailing muli para ituwid ang kanyang isipan.

"Hindi magagawa ni Bien ang bagay na 'yon, hindi."

Bagamat nasaad na ni Anna sa kanyang sarili na hindi siya sasaktan ni Bien ay hindi pa rin maiwasan ng dalaga na maglaro sa kanyang isipan ang mga biglaang pagbabago sa ikinikilos at pakikitungo sa kanya ng binata. Pilit niyang isinisiksik sa kanyang isipan na marahil kaya ganoon na lang ang pakikitungo sa kanya ng kanyang kasintahan dahil sa abala at baka natatangay ang emosyon nito ng sinusulat nitong nobela na pangkaraniwang nangyayari sa manunulat na tulad nila.

"Alam ni Bien ang pinagdaan ko at alam kong mahal niya ako. Hindi siya gagawa ng bagay na ikakasama ng loob ko," mahina at siguradong saad ni Anna sa kanyang sarili. "So, trust him, Anna. Trust him."

***

"BIEN, nuod tayo ng movie," malambing na aya ni Anna sa kanyang kasintahan.

"Anna, I'm busy," malamig na tugon ng binata sa kanya.

"Pero, Bien, ang tagal na noong huli tayong mag-date," mahinang sabi ni Anna. "You're working way too hard. Why don't you take a breather and see this as an opportunity?"

"I've got a lot on my plate. My novel is still a long way from completion, so I need to concentrate, Anna, and avoid wasting time on things that will not help me finish it."

"But it's—"

Ibinaling ni Bien ang kanyang tingin kay Anna dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita.

"Anna, do you not understand what I'm saying?" saad ni Bien na may tono ng pagkairita sa kanyang pananalita.

"I'm sorry," mahinang paghingi ng despensa ni Anna at nanlulumong napayuko.

Narinig ni Anna ang mabigat na pagbuntong-hininga ni Bien para lalo ito makaramdam ng guilt dahil sa ginawa niyang pag-aya rito.

Naramdaman ni Anna ang mga braso ni Bien na bumalot sa maliit niyang katawan. "If you want, go have some fun, but I'm sorry I won't be able to accompany you," mahinahong saad ng binata. "I'm really busy right now. So, please be understanding, huh?"

Marahang itinulak ni Anna si Bien at marahang umiling. "No, it's fine. You are not obligated to apologize. It's entirely my fault. I should be more considerate to you, especially since you have a lot of work to do. Sorry for the inconvenience."

Ngumiti si Bien at may kasamang pag-iling. "It's fine as long as you're aware that you're mistaken."

Hindi alam ni Anna kung ano ang magiging reaksyon niya sa sinabi ng binata sa kanya nang sandaling iyon. Pakiramdam niya parang kasalanan niya talaga na inaya niya si Bien na kahit ang intensyon niya lang naman ay ang makapagpahinga ito at ma-relax ang isipan nang hindi ito ma-pressure sa pagsusulat. Wala naman siyang masamang intensyon para maapektuhan o ikasama ng pagsusulat ng binata ngunit sa mga katagang binatawan nito ay hindi niya maitatagong nasaktan at na-offend siya nang marinig niya iyon. Ngunit sa kabila noon ay pilit na ikinumpas ni Anna ang kanyang sarili at inalis iyon ang emosyon na unti-unting lumalamon sa kanya nang sandaling iyon.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now