Chapter 37

75 6 0
                                    

ISANG malakas na alingawngaw ng ambulansya ang gumising sa mahimbing niyang pagkakatulog. Pupungas ng kanyang mga mata bumango si Anna at sinilip sa kanyang bintana kung anong kaguluhan ang nangyayari at nakakarinig siya ng sirena ng ambulansya.

"Anong nangyayari?" mahinang tanong ni Anna sa kanyang sarili habang inaayos ang kanyang balabal.

Sa kabila nang nanlalabong paningin ay sinubukan niyang aninagin kung anong nangyayari sa labas ngunit hindi niya alam kung ano ang eksaktong nangyayari dahil sa kumpol-kumpol na mga tao ang naroon sa pampang.

"May nalunod ba?"

Akmang bubuksan niya ang kanyang bintana nang isang malakas na kalabog sa kanyang pinto ang umagaw sa kanyang atensyon at mapalingon siya sa kanyang likuran at bumungad sa kanya ang habol ang hiningang si Tox.

"Anna!" sambit nito sa kanyang pangalan. "Jax got drown!"

Nang marinig iyon ni Anna ay biglang nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na napatakbo papalapit kay Tox.

"What did you say? What did happen to Jax?" Sunod-sunod at natatarantang tanong ni Anna sa binata.

"He was drowned. I'm not sure how it happened—"

Hindi nagawang matapos ni Tox ang kanyang sasabihin nang putulin ni Anna ang kanyang pagsasalita.

"Where is he? Take me to him," wika ni Anna na labis na nag-aalala sa kalagayan ni Jax nang mga sandaling iyon.

Hindi na nagsalita si Tox at inalalayan si Anna papunta sa ospital kung saan dinala si Jax. Ilang saglit lang ang tinagal ng kanilang biyahe at nakarating na agad sila sa ospital. Pagkarating nila roon ay agad silang nagtungo sa emergency room kung saan naroon si Jax at patuloy pa rin na ni-re-revive ng doctor.

"Jax!" sambit ni Anna sa pangalan ng binata at akmang lalapitan ito ngunit mabilis itong nilayo ng nurse na naroon.

"Ma'am, you can't get close to the patient," wika nito.

Napatingin si Anna sa nurse. "Why can't I go see the father of the child I'm carrying?" nasisiphayo at naghihisterikal na tanong nito.

"Ma'am, you can't. Treatment is still ongoing," paliwanag ng nurse.

Nang marinig iyon ni Anna ay doon lamang siya natauhan at naibaling ang kanyang tingin kay Jax na patuloy pa ring binibigyan ng CPR ng doctor. Lumapit si Tox at hinawakan si Anna sa balikat.

"Anna, you should calm down," mahinahong saad ni Tox.

Huminga nang malalim si Anna. "I'm sorry," mahina nitong saad at saka ibinaling ang kanyang tingin sa nurse. "Please, save him." Nagmamakaawang pakiusap nito.

"Don't worry, Ma'am. Just leave it to us," wika ng nurse at binigyan siya nang maliit na ngiti.

Matapos noon ay iniwan na sila ng nurse at bumalik sa tabi ng doctor para mag-assist.

"Diyos ko, please, save him," mahina at nagmamakaawang dasal nito.

Kitang-kita ni Tox ang pag-aalala ni Anna sa kanyang kapatid.

"Calm down, Anna. Hindi nila pababayaan si Jax," wika ni Tox. "Stressing yourself out will be harmful to both you and the baby."

Hindi umimik si Anna at pinagdaop ang kanyang mga kamay at nilapit sa kanyang mga bibig habang patuloy na pinagdarasal ang kaligtasan ni Jax. Hindi inalis ni Anna ang kanyang mga mata sa kung saan naroon si Jax at lahat ng iyon ay kitang-kita ni Tox dahilan para maibaling ang tingin nito sa direksyon ng kanyang kapatid.

"What the hell went through your head, Jax? Why did you behave so foolishly?"

***

MATAPOS ang ilang minuto ng pag-re-resuscitate kay Jax ay nagawang ma-revive ito ng mga doctor at nang makita iyon ni Anna ay dali-dali itong lumapit sa doctor para tanungin ang kalagayan ni Jax.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now