Chapter 10

174 31 0
                                    

SUSURAY-SURAY na naglakad papasok ng bahay si Anna—sa bahay nila ni Bien.

"Bien? Bien?" malambing nitong tawag sa kanyang kasintahan kahit na lasing ito.

"Bien?" muling tawag nito habang inaalis ang suot na sapatos.

Iginala niya ang kanyang paningin para hanapin ang binata sa kasalahan ngunit hindi niya ito nakita.

"Bien?"

Dahil sa hindi niya mahanap ang binata ay naglakad paakyat ang dalaga ng hagdan at nagtungo papunta sa study room nito kung saan ito nagsusulat.

"Bien? Nand'yan ka ba?" tanong ni Anna bago kumatok.

Hindi nakarinig ng tugon ang dalaga kung kaya hinawakan niya ang doorknob para buksan ang pinto ngunit bago niya pa man ito mabuksan ay bumungad sa kanya ang binata.

"Bien," malambing na tawag niya sa kanyang kasintahan at niyakap ito.

"Anna, you're back," gulat na wika ni Bien.

Tumango ang dalaga na may malambing na ngiti sa labi nito saka niyakap ang binata.

"Bakit 'di ka pumunta sa dinner party? Gano'n ka ba ka-busy para hindi man lang ako puntahan?" tanong ni Anna na may nagtatampong tinig.

"Ah, it's just that I'm immersed in my writing and can't seem to pull myself away from it," paliwanag ni Bien sa dalaga.

"Hmm...okay!" nakangiting tugon ni Anna sabay sinok dahil sa kanyang kalasingan.

"Anna, you're hammered. It is preferable that you rest," saad ni Bien at inalalayan ang dalaga patungo sa k'warto nila.

"Sandali!"

"Ba-bakit?" nauutal na tanong ni Bien na may halong pagkabigla sa itinuran ni Anna sa binata.

Tinignan siya ng dalaga na may mapanuring mga mata dahilan para mapalunok nang malalim si Bien sa biglaang mga ikinikilos ni Anna. Patuloy siyang tinitigan ng dalaga na animo'y may sinusuri na hindi niya alam kung ano dahilan para kumabog nang malakas ang kanyang puso at panuyuan siya ng kanyang lalamunan dahil sa labis na kaba na nararamdaman nang sandaling iyon.

Ikinumpas ng binata ang kanyang sarili bago hinarap ang kasintahan "Anna, what are you doing?"

Inangat ni Anna ang kanyang kanang kamay dahilan para mapapikit ng mata si Bien at handang tanggapin ang sampal na gagawin sa kanya ng kanyang kasintahan. Ngunit imbes na sampal ang kanyang matanggap ay isang marahang haplos sa noo niya ang kanyang naramdaman dahilan para idilat niya ang kanyang mga mata.

"Anna?" sambit niya sa pangalan ng dalaga sa pagitan nang mabigat nitong paghinga.

Nakita ni Bien ang nagtatakang mukha ni Anna habang maingat na pinupunasan ang mga butil ng pawis na nasa noo nito.

"Bien, ayos ka lang ba?" pag-aalalang tanong ni Anna sa binata habang pinupunasan nito ang pawis.

"A, y-yes, I'm f-fine," nauutal na tugon ni Bien sabay punas sa kanyang noo.

"Sigurado ka ba?" tanong ng dalaga at tinignan ang binata nang diretsa sa mga mata nito.

Hinawakan ni Bien ang kamay ni Anna para ilayo iyon sa kanyang noo. "O-oo naman! Ayos lang ako," saad ng binata at binigyan ang dalaga ng ngiti.

Sinuri ng dalaga ang mukha ng binata dahilan para makaramdam ng tensyon si Bien at makalipas ang ilang saglit ay saka nagsalita si Anna. "Ang lamig-lamig pero pinagpapawisan ka. Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?" tanong ng dalaga na hindi mapanatag nang sandaling iyon.

Kinuha ni Bien ang dalawang kamay ni Anna at ikinulong iyon sa kanyang mga palad saka binigyan nang matamis na ngiti ang dalaga.

"I'm really fine, Anna," mahinahong saad ni Bien at hinawakan ang pisngi ng dalaga at hinaplos iyon gamit ang kanyang hinlalaki.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now