Chapter 31

68 6 0
                                    

ILANG oras ang lumipas bago tuluyang huminahon si Jax sa kanyang emosyon. "Are you okay now?" tanong ni Tox sa kanyang kapatid sabay abot nang malamig na tubig.

Hindi umimik si Jax at kinuha ang baso sa kamay ng kanyang kapatid saka lumagok para pawiin ang kanyang uhaw buhat ng alak na kanyang ininom kanina.

"Jax, can you tell me what's going on?" tanong ni Tox habang masinsing pinagmamasdan ang kanyang kapatid.

Nanatiling walang kibo si Jax ngunit hindi mapapalagay si Tox na hindi malaman ang buong pangyayari lalo na sa kakaibang inaakto nito.

"Jax..."

Nakita ni Tox ang pagkuyom ng kamay nang mahigpit at ang pagtiim ng bagang nito na nagpapahiwatig na labis na pagkasiphayo at galit nito sa kanyang sarili.

Hinawakan ni Tox ang balikat ni Jax para pakalmahin ito. "Calm down, Jax. I'm here. You can rely on me," saad nito.

Napasapo ng kanyang noo si Jax. "I made a mistake, Tox," maikli nitong saad na bakas ang pagsisisi at pagkasiphayo.

Pinagmasdan ni Tox ang kanyang kapatid. "What did you do?" seryosong tanong nito habang tahimik na pinag-aaralan ang kanyang kapatid.

Humugot nang malalim na paghinga si Jax bago nagsalita. "Something happened to us the night she was here, and now she's pregnant," maikling paliwanag nito at muling napasapo sa kanyang noo.

Nanlaki ang mga mata ni Tox sa kanyang narinig. "What did you say? You did what?" gulat na tanong nito na hindi makapaniwala sa kanyang nalaman.

Hindi nakaimik si Jax at sapo-sapo pa rin nito ang kanyang noo.

Ikinumpas ni Tox ang kanyang sarili. "How did this happen? When did you two first meet? How did you find out she was pregnant? Did she tell you about it?" Sunod-sunod na tanong nito na hindi alam kung paano nangyari ang lahat. Ang tanging alam niya lang ay nagkita na ang dalawa ngunit hindi niya inaasahan na may nangyari na sa dalawa.

"When I came here to look into Manny's issue, she did tell me."

Sa pagkakataong iyon ay si Tox naman ang napasapo ng noo habang sinusuklay ang kanyang buhok dahil sa pagkasiphayo. Ngunit makalipas ang ilang saglit ay nagawa niya din maikalma ang kanyang sarili at maunawaan ang buong pangyayari. Nang sandaling iyon ay napagtanto niya na maaaring makatulong ang nangyaring iyo sa kanyang kapatid para sa ikakagaling nito ngunit hindi siya lubos na nakakasiguro kung sasang-ayon si Jax sa kanyang pananaw kaya iyon ang kailangan niyang alamin.

Naging seryoso ang realsyon sa mukha ni Tox. "So, what are you going to do now? What are your plans?"

Inangat ni Jax ang kanyang ulo at tumingin nang diretso sa kawalan na may seryosong mukha. "Stay away from her," saad nito saka ibinaling ang tingin sa kanyang kapatid. "That's the right thing to do."

"Are you sure about that?" paninigurong tanong ni Tox na nakatingin sa mga mata ni Jax.

Inalis ni Jax ang kanyang tingin sa kanyang kapatid at isinandal ang kanyang likod sa sofa saka napatingin sa kisame nang ilang saglit. "Yeah." At saka tinakpan ang kanyang mga mata gamit ang kanyang braso. "It's for her own good. It's all for the best."

***

NAKAHIGA na si Anna at pinipilit ang kanyang sarili na matulog ngunit hindi niya magawa dahil sa hindi pa rin siya tumitigil sa pagluha ang kanyang mga mata. Bagamat ilang oras na ang nakalipas nang mangyari ang paghaharap nila ni Jax ay hindi pa rin mawala ang kirot sa kanyang puso.

"I'm not the father of that child!"

Muling umalingawngaw sa pandinig ni Anna ang mga binitawang salita ni Jax kanina dahilan para lalong bumuhos ang kanyang mga luha. Habang patuloy na nilalamon nang matinding emosyon ang dalaga ay biglang tumunog ang kanyang cellphone dahilan para maibaling doon ang kanyang tingin. Nang maabot niya ito ay nakita niya sa screen ang pangalan ni Krystal wala siyang balak itong sagutin dahil sa kalagayan niya nang sandaling iyon. Papatayin niya sana ang tawag nang bigla na lang itong tumigil akmang ibabalik niya ito sa side table nang muling tumunog ito at nakita niya ang message ng kanyang kaibigan.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon