Chapter 19

146 28 0
                                    

NAGISING si Anna nang may labis na pananakit ng kanyang ulo na animo'y hinahampas ng martilyo.

"Fuck! I drank too much last night," malutong niyang mura nang makabangon.

Iginala niya ang kanyang mga mata sa paligid at napakunot ng kanyang noo nang makita niya na nasa k'warto na siya ng hotel na kanyang tinutuluyan.

"How did I end up back here?" nagtataka niyang tanong sa sarili habang inaalala kung paano siya nakabalik sa hotel mula sa bar na pinagdausan ng kanilang dinner party.

Ilang segundo ang lumipas ngunit wala siyang maalala maliban sa nagkaroon sila ng party at uminom matapos noon ay wala na siyang maalala.

"I should refrain myself from drinking I've been forgetting things after I get drunk," saad niya sa kanyang sarili saka tumayo sa kanyang pagkakaupo.

Inimpis ni Anna ang kanyang pinaghigaan bago dumiretso sa CR para maglinis ng kanyang sarili. Matapos niyang maligo ay agad siyang nagbihis ng t-shirt at denim shorts na tinernuhan niya ng baseball cap at sneakers. Nang makita niyang maayos na ang kanyang itsura ay binitbit niya ang kanyang tote bag kung saan naroon ang kanyang laptop. Pumara siya ng taxi at pumunta sa pinakamalapit na resto para kumain ng agahan. Habang naghihintay sa kanyang in-order na pagkain ay nagsimula siyang mag-jumble ng mga bagay-bagay sa kanyang isipan sa kung anong dapat niyang isusulat sa sunod na chapter ng nobelang kanyang ginagawa.

Habang nag-iisip ay may nakita sa labas ng resto kung saan nagbigay ideya sa kanya para sa sunod na scene na kailangan niyang isulat. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang laptop mabilis itong binuksan at itinipa ang scene na kanyang nakita dahil doon ay nagsimula nang umandar ang kanyang isipan para dahilan para hindi magpaawat ang kanyang mga daliri sa pagtipa sa senaryong nakikita niya sa kanyang isipan.

"Excuse me, Ma'am, here's your order," wika ng waiter na may bitbit ng kanyang order ngunit masyado siya dina-drive in ng kanyang imahinasyon at patuloy pa rin sa kanyang pagtipa.

"Just put it there, please," wika niya sa waiter na hindi na nagawang ibaling ang kanyang atensyon dito dahil sa tutok na tutok sa kanyang laptop.

Sinunod naman ng waiter ang utos ni Anna at maingat na nilapag ang in-order nitong ramen, gyoza dumplings, yakitori skewers, at chili squids.

"Thank you," pasalamat ng dalaga na nakatuon pa rin ang kanyang pansin sa kanyang laptop.

Hindi umimik ang waiter at mabilis na tinignan ang dalaga na animo'y tila pamilyar sa mukha nito ngunit hindi maalala kung saan niya ito nakita. Yumuko ito bilang paalam sa dalaga at naglakad pabalik sa counter na binabagabag ng kanyang isipan sa presensya ng dalaga. Samantalang si Anna ay walang pakialam sa kanyang paligid habang abala sa kanyang sinusulat. Isinisingit niya ang kanyang pagkain sa tuwing iniisip niya ang magiging diyalogo ng kanyang mga tauhan at kapag may naisip na siya ay agad niyang hinihinto ang kanyang pagkain saka muling ipagpapatuloy ang kanyang pagtitipa. Ganoon ang kanyang naging sitwasyon hanggang sa matapos niya ang kanyang pagkain.

Mabilis namang isinerve ng waiter ang kanyang matcha tea nang sandaling lumipas ang sampung minuto matapo niyang kumain. Nanatiling nakatuon ang kanyang pansin sa kanyan laptop habang patuloy sa kanyang pagtitipa dahilan para hindi niya mamalayan na may mga kabataang kinukuhanan siya ng litrato.

"Excuse me," wika ng isang babaeng lumapit sa p'westo ni Anna.

Ngunit hindi iyon pinansin ni Anna at mabilis na tumipa ang kanyang mga daliri at baka mawala siya sa kanyang momentum nang pagpapalitan ng diyalogo. Nagkatinginan ang dalawang magkaibigan dahil sa hindi pamamansin ng dalaga at gumuhit ang pagkalungkot sa kanilang mga mukha. Akmang aalis na ang dalawa nang biglang hinarap sila ni Anna na habol ang paghinga.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora