Chapter 27

65 6 0
                                    

MATAPOS ang napakahabang biyahe nina Tox at Jax ay nakarating sila ng ligtas sa Kauai.

"How did your trip go? Did everything go well?" Sunod-sunod na tanong ni Lax sa kanyang kapatid na si Tox.

"Don't worry, Kuya. Everything went well," tugon ni Tox habang naglalakad-lakad.

"How's Jax?"

"He's still sleeping. There are still three hours before the medicine wears off."

"Okay, just be cautious and keep an eye on him at all times. We have no idea what he is going to do."

"Don't worry, Kuya. I got it covered," tugon ni Tox.

Biglang naagaw ang atensyon ng binata nang may isang pamilyar na babae siyang natanaw sa di-kalayuan.

"What is she doing here?" kunot-noong tanong ni Tox sa kanyang sarili habang tinatanaw ang babaeng kanyang nakikita.

"What's the matter, Tox? Whom are you talking?"

Hinakbang ni Tox ang kanyang mga paa para mas maging malinaw sa kanyang paningin ang imahe ng dalagang kanyang tinatanaw.

"Tox, what's happening? Answer me!" saad ni Lax na may labis na pag-aalala sa tono ng pananalita nito.

"Kuya, I think I saw that girl here," tugon ni Tox na hindi inaalis ang kanyang tiningin sa dalagang kumakain sa diner ng resort.

"Who's-" hindi natuloy ni Lax ang kanyang tanong nang mag-sink in na sa utak nito ang tinutukoy ni Tox na babae. "Are you sure that she's that girl?"

Humakbang si Tox nang ilan pang hakbang at tinignang maigi ang dalagang labis na nag-e-enjoy na kumain. At matapos ilang segundo ng pagsusuri ay nakumpirma nito na iyon nga ang babaeng kilala niya.

"She is. She's that girl, Kuya," pangungumpirmang wika ni Tox. "What are we going to do?" Dagdag na tanong nito habang patuloy na pinagmamasdan ang dalaga.

Hindi nakaimik si Lax at inaanalisa ang sitwasyon.

"Do you think it's okay that they are both in the same place?"

"She was once important to him, so I don't think it will be a problem if they run into each other there," palagay ni Lax.

"And she still means a lot to him, Kuya. He even threatened me after I got that girl drunk," wika ni Tox.

Narinig ni Tox ang malalalim na paghinga ni Lax sa kabilang linya.

"Kuya, I don't think it's a good thing that they're both here. She may aggravate his condition. Things with a history with him should be avoided. We do not want the same thing to happen again," makahulugang saad ni Tox.

Muling narinig ni Tox ang mabigat na paghinga ng kanyang kapatid.

"I know, but we're not sure whether she'll be a threat to Jax or the cure we're looking for."

"But we're not sure, it's a mere of 50-50 chance, Kuya," almang saad ni Tox.

"I know but it's better to try than do nothing," wika ni Lax. "Keep an eye on Jax for the time being and observe. If things continue to go wrong, that is when we will think of a new plan."

Hindi umimik si Tox at inunawa ang punto ng kanyang kapatid kung kaya sumang-ayon siya sa plano nito.

"Okay, Kuya."

"Call me if something happened." At matapos noon ay ibinaba na ni Lax ang tawag dahilan para agad na isinilid ni Tox ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at pumasok sa diner sak nilapitan ang dalagang masaganang kumakain.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now