Chapter 6

152 35 0
                                    

WALANG SINAYANG na panahon si Anna at ginalugad niya ang buong resort na labis niyang ikinasaya. Kahit saan siya magpunta ay hindi siya binigo ng isla na patuloy na mamangha at mas lalong mapaibig nito.

"Kung narito lang sana si Bien, tiyak na mag-e-enjoy siya tulad ko," wika ni Anna sa kanyang sarili.

Umahon siya sa dagat at kinuha ang kanyang balabal at nagtungo sa isang cottage kung saan naroon ang kanyang laptop.

"Now, let's start to write," masaya niyang saad at nagsimula ng tumipa sa kanyang laptop.

***

NAPAHUGOT nang malalim na paghinga si Jax habang binabasa ang mga papeles na nasa kanyang lamesa. Yamot at gigil ang nangingibabaw sa kanya nang sandaling iyon dahilan para mas lalong kabahan ang manager at punasan ang kanyang noong pinagpapawisan nang malamig.

"Manny," tawag ni Jax sa manager na umiigting ang panga.

"Yes, Sir?" nahihirapang tugon nito kay Jax na napalunok nang malalim dahil sa labis na takot na nararamdaman.

Ibinaling binata ang kanyang tingin kay Manny at tinignan ito sa mga mata para lalong dumagdag sa tensyon sa buong paligid.

"What did you do to make this such a terrible mess?" tanong ni Jax na may malamig na boses.

Liban sa kaba at tensyon na nararamdaman ni Manny nang sandaling iyon ay para siyang binuhusan nang malamig na tubig dahil sa ginagawang pakikitungo ni Jax sa kanya. Napalunok muli si Manny nang malalim para pawiin ang kaba na kanyang nararamdaman at ikumpas na rin ang kanyang sarili bago sumagot.

"Sir Jax, I'm sorry—"

Ngunit hindi pa man natatapos ang paghingi ng despensa ni Manny ay pinutol na ni Jax ang kanyang pagsasalita.

"Stop. I don't want to hear your explanation," putol ng binata kay Manny. Alam niyang hindi niya kailangan ng paliwanag nito dahil malinaw na sa kanya kung bakit ginawa ng kanyang manager ang krimeng iyon.

Napayuko si Manny para itago ang mata niyang nanlilikot dahil sa hiya at takot na kanyang nararamdaman. Nabalot nang panandaliang katahimikan ang buong paligid hanggang sa narinig ang mabigat na pagbuga ni Jax.

"Patawarin niyo ako, Sir. Hindi ko po talaga sinasadya na mangyari ang lahat," lakas loob na saad ni Manny na halos hindi na magkandaugaga sa pagsasalita nito sabay yuko nang 90° na labis na nahihiya sa kapalpakan na nagawa nito.

Napapikit nang mariin si Jax, pilit na kinakalma ang sarili ngunit tao lamang siya at may limitasyon sa mga bagay, wala talaga sa bokabularyo niya ang salitang pagkakamali at hindi niya magagawang palampasin o patawarin na lang nang basta-basta ang taong nasa kanyang harapan.

"Get out," mariin niyang utos kay Manny ngunit nanatiling nakayuko si Manny at patuloy na humihingi ng despensa.

"Sorry po talaga, Sir Jax, hindi ko po sinasadya ang lahat. Gipit—"

Isang malakas na paghampas sa mesa ang umalingawngaw sa buong opisina dahilan para mabigla si Manny.

"What effect will your apologies have? Do you believe that it will help you clean up the mess you've made?" galit na tanong ni Jax sa manager na ngayon ay nagsisimula nang mangilid ang mga luha sa mga mata nito.

"No—"

Muling hinampas ni Jax ang mesa. "That's exactly what I mean! You're trying to make amends but it won't fix everything! You shouldn't do it in the first place! You should have done a better job!" sigaw ng binata sabay napahilamos sa kanyang mukha. "If you truly need help, you should do so."

"I'm sorry—"

"Enough with your sorry!" sabal na bulyaw ni Jax. "I don't want to see at you any longer. Leave."

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें