Chapter 8

174 33 0
                                    

KANINA pa nasa harap ng laptop si Anna ngunit wala siyang maisulat kahit na isang letra sa kanyang nobela. Halos magtatanghali na ngunit binabagabag ang kanyang isipan sa kung ano bang nangyari sa kanya kagabi, kung bakit wala siyang saplot at nasa ibang k'warto siya ng magising.

"Anna, what are you doing in your life?" nasisiphayong tanong niya sa kanyang sarili sabay sabunot sa kanyang buhok dahil sa labis na pagkalito sa kung anong nangyari sa kanya kagabi.

Pilit na inalala ni Anna ang pangyayari kagabi ngunit lumipas ang mga oras ng wala siyang naaalala. Naihampas niya ang dalawa niyang kamay sa ibabaw ng mesa sa labis na pagkasiphayo.

"Enough, Anna! Kung wala kang maalala 'wag mo na pilitin ang sarili mo," awat niyang sabi sa kanyang sarili at ibinaling ang kanyang atensyon sa harap ng kanyang laptop kung saan nakita niya ang oras na pasado alas tres na ng hapon. "Shit! Look what you've done! You've wasted so much time sa kakaisip ng bagay na hindi mo naman maalala!" Iiling-iling pangaral niya sa kanyang sarili.

Kung kaya ay ikinumpas niya ang kanyang sarili at nagsimulang ilapat ang kanyang mga daliri sa ibabaw ng kanyang keyboard para ihanda ang kanyang sarili sa pagtipa. Huminga nang malalim si Anna bilang paghahanda at nang makahinga na siya ay hinarap niya na ang kanyang laptop ngunit nakailang kurap na ang kanyang mga mata pero wala pa rin siyang maitipa. Sinubukan niyang basahin ang huling bahagi ng kanyang isinulat para ipagpatuloy ang eksena roon ngunit kahit ilang beses niyang binasa iyon ay wala siyang maidugtong.

Napasabunot nang malakas si Anna sa kanyang buhok sa labis na pagkasiphayo. "Ano ba utak! Makisama ka naman. Umandar ka naman kailangan ko magsulat!" nadidismaya niyang ungol at biglang sinampal ang kanyang sarili. "Ano ba, Anna? Kaya mo 'to!" pangungumbinsi niyang pagkukumpas sa kanyang sarili.

At muli, hinarap ni Anna ang kanyang laptop ngunit tulad kanina ay wala pa ring pumapasok sa kanyang utak nang sandaling iyon.

Biglang napatayo ang dalaga at namaywangan. "This won't make any progress!" saad niya sa kanyang sarili.

Ibinaling niya ang kanyang paningin sa labas ng kanyang bintana at nakita ang asul na karagatan na labis na napakaganda at nakakapang-akit.

"I think the sea will help me to relax." At napagdesisyunan ni Anna na lumabas ng kanyang cabin para makapag-relax.

Pagkabukas niya ng kanyang pinto ay sumalubong sa kanya ang malamig na hangin na nagbigay ginhawa sa kanyang diwa. Sinamyo niya ang hangin nang buong-buo na mas nagpagaan sa kanyang pakiramdam.

"The beach never fails to make me feel more at ease," nakangiti niyang saad at nagsimulang maglakad papunta sa pangpang.

Muli ay umihip ang sariwang hangin na siyang tumangay sa alon ng dagat na dumampi sa kanyang mga paa. Natuwa si Anna sa kanyang nadarama nang sandaling iyon kung kaya isa-isa niyang hinubad ang kanyang pang-ibabaw at tanging bra at panty na lamang ang naiwan niyang saplot.

"Let's have fun!" masaya niyang sigaw at patakbong lumusong sa tubig.

Sumisid si Anna sa karagatan hanggang sa kanyang makakaya at nang maubusan siya ng hangin ay umahon ito at nagpalutang-lutang. Kitang-kita niya ang maaliwalas na kalangitan kung saan nagbigay ng kaaliwasan sa kanyang isipan at tila inaaya siya nito na makatulog.

"Ahh... This is so relaxing," saad ni Anna sabay pikit sa kanyang mga mata at muli rin itong idinilat.

Pinagmasdan niya ang kalangitan na gumagalaw kasabay nang malamig na hangin na tila hinihele siya nito at labis niyang nagugustuhan. Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata hanggang ang kapanatagan ang kumain sa kanyang diwa at ihip ng hangin at alon ng dagat ang tangi niyang naririnig. Habang ini-enjoy ang sandali ay may naulinigan si Anna.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now