Chapter 39

57 6 0
                                    

MAKALIPAS ang dalawang araw ay nakalabas na rin si Jax sa ospital at todo alaga naman ang ginawa ni Vivienne rito na sa puntong hindi niya hinahayaang makalapit si Anna sa binata. Magtatangka pa lamang itong lumapit ay agad niya na itong hinaharang kung 'di ay uutusan niya ito nang kung ano-ano para lang mawalan ito ng tyansa para makausap sa binata.

"Anna, I'm hungry. Buy some refreshments and snacks," utos nito na animo'y isang amo at wala man lang pakiusap sabay na tinalikuran ito.

Ngunit bago pa man ito makapasok sa opisina ni Jax ay nagsalita si Anna.

"Aren't you going to give me your card? Or cash?" tanong ni Anna.

Lumingon si Vivienne. "You do get paid, right? Then put it to use," pagtataray na saad nito at tinalikuran si Anna.

Hindi makapaniwala si Anna sa kanyang narinig, alam niyang ayaw sa kanya ni Vivienne pero hindi niya hahayaan na i-bully siya nito.

Pumalatak si Anna nang malakas. "I didn't expect you to act petty, Vivienne," b'welta nito dahilan para muling maibalik ni Vivienne ang kanyang atensyon sa kanya.

"What? What did you say?" tanong ni Vivienne na halatang nag-init ang mga tainga dahil sa pasaring nito sa kanya.

Tinignan ni Anna mula ulo hanggang paa at pabalik sa mga mata nito.

"You have a lot of money, but you ask someone who doesn't have as much as you to pay for your food? What a repulsive sight!" mariing saad ni Anna na mas lalong nagpainit ng ulo ni Vivienne.

"What?" muling tanong ni Vivienne na mas tumaas ang tono ng boses at tuluyang napaharap kay Anna. "How dare you to talk to me like that?" nanggigiling nitong saad na mabilis na lumapit kay Anna at dinuro-duro ito sa balikat dahilan para mapaatras ito. Ngunit hindi pumayag si Anna na basta-bastahin na lamang siya nito hindi na sa pagkakataong iyon. Hindi na siya makakapayag dahil sumosobra na ito sa kanya.

Hinawakan ni Anna ang kamay ni Vivienne para tumigil ito sa kakaduro sa kanya. "Why? Did I say something wrong?" matapang na tanong nito. "I simply stated what kind of person you are."

Lalong nag-init ang ulo ni Vivienne sa sinabi ni Anna dahilan para mabilis niyang bawiin ang kanyang kamay sa pagkakahawak nito saka dumistansya.

"Anna, do you not remember where you should be standing?" taas-kilay nitong tanong. "Then—" at tinignan si Anna mula ulo hanggang paa sabay ngisi nang nakakainsulto—"tatagalugin ko para sa'yo nang maintindihan mo."

Napahalukipkip si Vivienne. "Hindi ka mahal ni Jax. Kahit anong gawin mong pagsusumiksik hinding-hindi ka niya mamahalin kahit na gamitin mo pa 'yang batang nasa sinapupunan mo hinding-hindi mo makukuha si Jax dahil hinding-hindi ko hahayaan na makuha mo siya sa akin!" At saka inilapit nito ang mukha sa mukha ni Anna dahilan para magkatinginan sila sa mata sa mata. "Kaya kung nangangarap ka magkaroon ng kumpletong pamilya ang anak mo, p'wes gumising ka na dahil hindi iyon mangyayari!" mariing dagdag nito.

Matapos bitawan ni Vivienne ang mga salitang iyon ay kumuha ito ng pera sa kanyang clutch bag at inihagis ang pera sa pagmumukha ni Anna.

"Here's my money; go buy me some food. I believe that is too much for what I am asking, so save the change for your baby." At mabilis na tinalikuran si Anna at pumasok sa opisina ni Jax.

Naiwang mag-isa si Anna sa pasilyong iyon habang kuyom-kuyom ang kanyang kamay na pilit pinipigilan ang sarili na magalit at umiyak ngunit tila may sariling isip ang kanyang katawan at tuluyang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata. Alam niyang imposible ang gusto niyang magkaroon ng buong pamilya ang kanyang anak pero gusto niya pa ring subukan. Napayuko si Anna dahil sa labis na panlulumo ngunit mas lalo siyang nanliit nang makita niya ang perang nagkalat sa sahig.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now