Chapter 28

61 6 0
                                    

BIGLANG napailing si Anna at ikinumpas ang kanyang sarili.

"This could simply be a coincidence," pangungumbinsi niya sa kanyang sarili sa kanyang isipan. "There's no guarantee that Tox's brother is the Jax I knew in the past or the Jax for whom I'm looking right now, the father of my child." Dagdag niyang saad sa kanyang sarili.

Ikinumpas ni Anna ang kanyang sarili saka hinarap si Tox.

"Jax? Then what does it mean? I think there's a story behind it like yours, right?"

"You're right. But it's way better than my name," saad ni Tox.

"Really? Then what it is?" curious na tanong ni Anna.

"Juan Alexander, that's what Jax is."

Sa pangalawang pagkakataon ay muling kumabog nang napakalakas ang puso ni Anna na siyang dahilan para mapahawak siya sa kanyang tiyan.

No...

Hindi makapaniwala si Anna sa kanyang nalaman. Hindi niya inaasahan na ang kanyang hinala kani-kanina lamang ay magiging totoo. Ang binatang nakilala niya noong nasa U.K siya na siyang tumulong sa kanya noon at nagpabago sa buhay niya ay ang kapatid ng lalaking kaharap niya ngayon.

Habang nalulunod si Anna nang hindi maipaliwanag na nararamdaman ay tahimik lamang siyang pinagmamasdan ni Tox na tila may ideya sa kung ano ang tumatakbo sa isipan ng babaeng nasa kanyang harapan. Kitang-kita niya ang samu't saring emosyon ang bumabalot sa dalaga dahilan para patuloy niya itong pinagmasdan at pinag-aralan.

Why is she behaving in this manner? Is she related to Jax? Is there any connection between them?

Samu't saring tanong ang pumuno sa isipan ni Tox nang sandaling iyon at mas lalo siyang na-cu-curious sa kung ano ba ang relasyon nina Anna at ng kanyang kapatid. Ngunit biglang naagaw ang kanyang atensyon nang magsalita si Anna.

"Tox, may I ask you a question about your brother?" tanong ni Anna na nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata.

Hindi nagsalita si Tox at tango lang ang naging sagot dahil sa kakaibang awra na ibinibigay sa kanya ng dalaga.

"Did your brother got nominated for the Katie Fforde Debut Romantic Novel Award in the United Kingdom?" seryosong tanong ni Anna na hindi inaalis ang kanyang tingin kay Tox.

Hindi pa man lubos na nauunawaan ni Tox ang dalaga ay ibinigay niya ang sagot na kailangan nito para na rin sa ikapapanatag ng loob nito. "Yes, he did when he was 17 years old," kumpirmasyong sagot nito sa dalaga.

Nang marinig ni Anna ang kumpirmasyon ni Tox nang sandaling iyon ay napasinghap ito at napatakip ng kanyang bibig kasunod noon ay ang pagragasa ng luha sa kanyang mga mata dahil sa samu't saring emosyon ang kumain sa kanyang katawan.

"Wait—what's wrong?" tanong ni Tox na nabigla sa biglang pag-iyak ng dalaga. "Is there something—"

Hindi nagawang matapos ni Tox ang kanyang sasabihin nang bigyan siya siya ni Anna nang matamis na ngiti habang lumuluha.

"Thank God, I already found him," nakangiting wika ni Anna na patuloy pa rin ang pagluha.

***

"CAN I see him?"

"I don't think now is the appropriate time to see my brother, but I'll let you know as soon as everything is fine."

Bagamat may naramdamang pagkadismay si Anna dahil hindi niya nakita ang binatang nais niya makita at pasalamatan ay hindi siya nagpadala sa kanyang emosyon imbes inunawa niya na lamang ang sitwasyon lalopa't businessman ang mga ito at abala sa kani-kanilang mga negosyo.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now