Chapter 29

65 6 0
                                    

ILANG ARAW na ang lumipas ng mag-usap sina Anna at Tox pero wala pa rin siyang naririnig na balita rito ni hindi rin siya nito hinanap o hindi man lang magtagpo ang kanilang landas kahit na nasa iisang resort at isla lang naman sila.

"Hindi kaya nakalimutan na ni Tox ang napag-usapan namin?" tanong niya sa kanyang sarili na nakaramdam ng pagkadismaya at lungkot nang sandaling iyon.

Papanghinaan na sana ng loob ni Anna nang bigla nitong sampalin ang pisngi nito dahilan para maikumpas ng dalaga ang kanyang sarili.

"Ano ba, Anna! Huwag ka mawalan ng pag-asa at panghinaan ng loob! Nangako siya sa 'yo kaya patience lang," pagkukumpas niyang sabi sa kanyang sarili. "Hindi naman siya ang klase siguro ng tao na hindi tutupad sa pinag-usapan." Hindi ba?

Muli, nagkaramdam nang agam-agam si Anna nang sandaling iyon kung dapat niya bang panghawakan ang sinabi ni Tox o hindi.

"Hindi ng aba?" mahina niyang tanong sa kanyang sarili.

At pilit niyang inalala ang mga ginawa nito sa kanya. Ang mga sandaling nasa bar sila, kung paano siya nito trinato nang maayos, nang sandaling ni-comfort siya nito matapos ang pag-aaway nika ni Bien. Wala siyang maalala na ginawan siya nito ng masama at wala rin itong dahilan para hindi nito tuparin ang pangako nito sa kanya.

"I should put a little trust in him..."

Nakakawala si Anna sa pakikipag-debate sa kanyang agam-agam nang marinig niya ang usaoan ng dalawang staff na babae na animo'y 'di mapakali sa mga kinatatayuan nito.

"Girl, nakikita mo ba 'yong g'wapong lalaki nasa may seashore?" tanong ng babaeng pinipigilan ang sarili sa pagtili.

"Alin?"

"The guy wearing a white shirt who is watching the sunset," paglalahad nitong sabi habang tinuturo ang binatang sinasabi gamit ang kanyang bibig.

"Nasaan?" tanong katrabaho nito na sinusubukang hanapin ang sinsabi ng kanyang katrabaho.

"Ayon! That guy!" pagpupunto nito sabay turo sa direksyon kung nasaan ang lalaking kinahuhumalingan nito. "That handsome guy 'o! He's wearing white shirt na parang model!" Dagdag nito.

Hindi tuloy maiwasan ni Anna ang mapangiti dahil sa naririnig niyang pag-uusap ng dalawang magkatrabaho dahilan para pasimple nitong tignan ang mga ito. Kitang-kita niya sa reaksyon noong isang babaeng may maiksing buhok ang labis na paghanga sa binatang pinagpapantasyahan nito kanina pa at pilit na tinuturo. Muli, napangiti si Anna, nanariwa sa kanyang alaala ang mga kaklase niya noong highschool halos walang pinagkaiba ang mga reaksyon nito sa magkaibigang babae na patuloy sa pag-hunting at pag-usisa sa mga g'wapong nakikita sa loob ng campus.

Itutuon na sana ni Anna ang kanyang atensyon sa kanyang laptop para ipagpatuloy ang kanyang pagsusulat nang maagaw ang kanyang atensyon sa sinabi ng babae.

"Ano ka ba, girl! Si Sir Jax 'yan!"

Natigalgal si Anna sa kanyang pagkakaupo.

"Ha? Sino si Sir Jax?" tanong ng babaeng may maiksing buhok na hindi alam kung sino ang lalaking iyon.

"Nasaan ba utak mo ng mag-briefing si Ma'am Sha?" pangaral nito. "Si Sir Jax ang may-ari ng resort na 'to."

Nang marinig ni Anna ang sinabi ng babae ay biglang kumabog nang napakalakas ng kanyang puso na halos ikabingi nito.

"What? Totoo?" hindi makapaniwalang saad ng katrabaho nito.

"Oo nga!"

"Wah! Ang bigtime naman ng lalaking pinagpapantasyahan ko!" tuwang sabi ng babae na may nangingislap na mga mata.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon