Chapter 16

153 27 0
                                    

LUMIPAS ang mga araw at kung saan-saan dinala ng kanyang mga paa si Anna dahilan para magsimula muli siya ng panibagong nobela kung saan gagawan niya ng pangalawang yugto ang librong una niyang natapos—My Island. Kung noong una ay puro pighati at pahirap ang kanyang isinulat ngayon gusto niyang bigyan ng maayos na wakas ang k'wento ng dalawa niyang tauhan—para na rin linawin ang kanyang nararamdaman para sa lalaking unang umangkin sa kanya at gumugulo sa kanyang isipan—para bigyan na rin ang sarili kahit konting kaligayahan kahit sa mundo man lang ng imahinasyon.

"At the very least, if I can't have my happy ending, my characters can," mahinang saad ni Anna matapos niyang mag-outline ng mga scenes para sa isusulat niyang nobela.

Napatingin si Anna sa mala-Venice vibe na lugar kung saan may namamangka sa ilalim ng tulay at may tumutugtog ng gitara para sa mga magkasintahang nakasakay sa bangka. Muli, iginala ni Anna ang kanyang patingin sa buong paligid na nagbibigay ng nakakaginhawang vibe sa kanyang katawan dahilan para muling gumana ang kanyang imahinasyon at ibalik ang kanyang pansin sa kanyang pagsusulat.

"Ang makita mismo ng mga mata ang mga ganitong eksena ay mas nakaka-stimulate na i-describe sa sinusulat na k'wento kaysa ng pinapanood lang sa video o nakikita lang sa mga pictures sa internet," saad niya sa kanyang sarili at napangiti.

Kung ano ang nakita ng kanyang mga mata ay masusi niyang inilahad sa kanyang nobela na nagbigay nang magandang ambiance para sa kanyang mga tauhan. Hindi niya alam kahit na napakakumplikado ng sitwasyon ng kanyang mga tauhan sa kanyang sinusulat ay nagagawa niyang ngumiti habang isinusulat niya ang mga detalye at kaganapan na mangyayari para sa mga ito.

"This is where I belong," mahina at nakangiti niyang saad sa kanyang sarili.

***

NATAPOS ang dalawang linggong ibinigay ni Mr. Lee kay Anna kung kaya ay kailangan niya ng bumalik ng opisina para ayusin ang dapat kailanganin sa mangyayaring book launch sa February 14—ibig sabihin din nang pagbabalik niya sa opisina ay ang makitang muli sina Bien at Hayacinth—ang dalawang naging malapit sa kanya ngunit trinaydor lamang ang kanyang tiwala.

Hindi nga siya nagkamali dahil nang sandaling makapasok siya ng building ay bumungad kaagad sa kanya ang imahe ng dalawang taksil sa kanyang harapan.

"Anna," mahinang sambit ni Bien sa kanyang pangalan.

Nagkatitigan sila sa kanilang mga mata ngunit makalipas ang ilang saglit ay humakbang muli si Anna papunta kay Bien.

"Anna, I'm—"

Hindi natuloy ni Bien ang kanyang sasabihin nang lampasan lang siya ni Anna at dire-diretso itong naglakad papunta sa opisina ni Mr. Lee. Napansin ni Krystal ang mabigat na tensyon sa pagitan ng dalawang kanyang pinag-shi-ship.

"Anna!" mahinang tawag ni Krystal kay Anna na dali-daling lumapit sa dalaga. "Did something happen between you and your lover?" pag-uusisa ng dalaga.

"He's Hayacinth's lover not mine," pagtatamang saad ni Anna kay Krystal.

"What?" gulat na bulalas ni Krystal na may panlalaki ng kanyang mga mata dahilan para makuha nito ang atensyon ng mga taong naroon at mapatingin sa kanilang dalawa.

Mabilis na napatakip ng bibig si Krystal dahil sa kanyang inasal at napatingin kay Anna. Hindi umimik ang dalaga at tingin lamang ang itinugon nito.

Tumawa si Krystal nang naiilang at saka humingi ng despensa. "Sorry. Balik na kayo sa ginagawa niyo," wika nito habang tumatawa nang may ilang.

Hindi na nito pinansin ang magiging reaksyon ng mga taong naroon at mabilis na hinila si Anna papasok sa opisina ni Mr. Lee. Nang makapasok sila ay agad nitong binababa ang mga blinds nang wala makakita sa kanilang pag-uusap.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon