Chapter 33

74 6 0
                                    

RAMDAM ni Anna ang kakaibang bigat ng hangin sa paligid kahit na nakapikit ang kanyang mga mata. Hindi man lubos na maunawaan ni Anna kung bakit bigla na lamang siya tinangay ni Jax at kung saan siya balak dalhin ngunit sa tingin niya ay hindi naman nito na magagawang saktan siya lalo na at dinadala niya ang kanilang anak.

Naramdaman ni Anna ang biglang paghinto ni Jax dahilan para idilat niya ang kanyang mga mata. Maingat at dahan-dahan siyang ibinaba nito sa upuan habang sinimulan niyang igala ang kanyang mga mata sa paligid. Nasa isang k'warto sila na hindi siya pamilyar—to be exact isang opisina ang kanilang pinuntahan.

"Wait here," maikling saad ni Jax at nagtungo sa isang cabinet at kinuha ang first aid na naroon.

Naguguluhan man si Anna sa ikinikilos ni Jax ay mas naagaw ang kanyang pansin nang makita niya ang litratong nasa mesa nito. Napakunot siya ng noo dahil tila pamilyar sa kanyang ang batang lalaking nasa litrato akmang kukunin niya sana ang picture frame ngunit hindi iyon natuloy dahil sa papalapit na ang binata sa kanya.

Nabigla si Anna nang biglang lumuhod si Jax sa kanyang harapan.

"Wait! What are you doing?" bulalas niyang tanong na biglang napatayo sa kanyang pagkakaupo.

Tumingin si Jax sa kanya. "What are you doing?" pagbabalik nitong tanong sa kanya.

"Wait, can you tell me what are you planning to do me?"

Ngunit imbes na sagutin ni Jax ang kanyang tanong ay pilit siyang pinaupo nito.

"Sit."

Naguguluhang tinignan ni Anna si Jax. Hindi niya maunawaan kung ano ba ang gusto nito gawin nito sa kanya kung kaya pinagmasdan niya lamang ito hanggang sa ang mga tingin nito sa kanya ay nagbigay ng kakaibang lamig sa kanyang buong katawan. At dahil sa malakas na presens'ya ng binata ay walang nagawa si Anna kung 'di sundin ang sinabi nito sa kanya. Nang makaupo na siya ay maingat na kinuha ni Jax ang paa niya gamit ang wet wipes ay saka nito dahan-dahang pinunasan ang kanyang buong paa.

Nawala ang kunot sa noo ni Anna dahil sa gentle na kilos na ginagawa ni Jax sa kanya nang sandaling iyon.

"Ito ba ang rason kaya niya ako dinala rito?" tanong niya sa kanyang sarili.

Walang salitang lumabas mula kay Jax at tahimik lang na nililinisan ang sugat ni Anna sa paa. Nang sandaling iyon nabalot nang matindi at nakakabinging katahimikan ang kanilang paligid. Akmang magsasalita si Anna para basagin ang katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa ni Jax nang maunahan sya nitong magsalita.

"Why are you doing this?" tanong ni Jax sabay tingin sa mga mata ni Anna.

Hindi maunawaan ni Anna kung ano ang nais ipakahulugan ng binata sa tanong nito. "What do you mean?" tanong nito nang bahagyang naguguluhan.

"Do you really have no idea what you did, or are you just pretending not to know?" malamig na tanong ni Jax habang nakatingin pa rin nang diretso sa mga mata ni Anna. Please Anna, stay away from me.

"What?" naguguluhang tugon ni Anna na napaawang ang bibig sa pagkabigla at pagkalito sa sinabi ni Jax.

"Or is this your intent to lure me... to become entangled with you...with that child?" I'm begging you...

Mas lalong napaawang ang bibig ni Anna sa labis na pagkabigla. Hindi niya lubos akalain na lalabas ang mga salitang iyon sa bibig ni Jax. Buong akala niiya ay magiging maayos na ang lahat sa kanilang dalawa lalo na sa ipinakita nitong pag-aalala sa kanya ngunit lahat pala ng akala at pag-asa na kanyang nakita ay isang malaki at maling interpretasyon niya lamang pala.

"Do you only consider yourself? Why are you acting this way?" Please... I don't want to cause you any more pain...

Kitang-kita ni Jax kung gaano nasasaktan si Anna sa kanyang mga binibitawang salita ngunit wala siyang ibang naiisip na paraan ppara tuluyang lumayo ang loob nito sa kanya at kamuhian siya maliban dito. Alam niyang hindi totoo ang mga salitang binibitawan niya para sa dalaga ngunit mas mahalaga sa kanya ang kapakanan nito at ng kanyang anak kaysa sa personal niyang kaligayahan. Hindi niya gusto na mahila sa sa pangit niyang nakaraan at maaaring mangyari muli ang bagay na kanyang kinakatakutan.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now