Chapter 60

44 0 1
                                    

"FUCK!" malutong na mura ni Jax.

Hindi ito mapakali sa mga binitawang salita ni Tox sa kanya dahilan para mapabalikwas ito sa kanyang pagkakahiga para muli niyang komprontahin.

"Damn it, Tox! Why are you doing this to me?" gigil at naiinis na tanong nito sa sarili habang humahakbang nang malalaki.

Dahil sa malalaking hakbang niya ay nagawa nitong habulin ngunit bago pa man niya matawag ang kapatid ay biglang sumulpot si Anna dahilan para mapahakbang ito paatras.

Anna...

Sa di-kalayuan ay kitang-kita niya ang malaking tiyan ng dalaga dahilan para muli siya makaramdam ng bigat sa kanyang dibdib. Mas lalong bumigat ang kanyang nararamdaman nang mapansin niya ang pagbagsak ng katawan nito na hindi nito napansin nang sandaling tulungan niya ito ng mawalan ng malay.

"I'm sorry, Anna," mahina niyang saad na labis na nasasaktan dahil sa kanyang mga ginawa sa dalaga.

Ngunit mabilis na nagbago ang emosyon na nararamdaman nito nang makita nito ang paghawak ni Anna sa kanyang kapatid at bakas ang pag-aalala dahilan para makaramdam siya nang matinding pagseselos nang sandaling iyon.

"What the—"

Hindi nito nagawang matapos ang sasabihin at napakuyom nang mahigit. Gusto niyang sugurin ang kapatid dahil sa ginagawa nitong paglapit sa dalaga. Nasasaktan siya na nakikita niya nang sandaling iyon ngunit nang sandaling iyon ay doon niya lang napagtanto ang mga sinabi ni Tox sa kanya kanina.

"...you are the one who enters into her life, and look what you have managed to accomplished? You hurt her. You leave her behind. You are giving her false hope, which is making her life miserable!"

Napakuyom ng kamay si Jax. "I'm pathetic! I'm so stupid!"

Doon lang napagtanto ni Jax na lahat na ginawa niya kay Anna ay hindi tama at sapat na rason para sa salitang maprotektahan ito mula sa kanya imbes mas sinaktan at ginawa niyang miserable ang buhay nito. Nang dahil sa kanya at nasasaktan ito.

"What I have done?" nasisiphayo niyang tanong sa kanyang sarili.

Ibinaling niya ang kanyang tingin sa direksyon kung saan naroon sina Anna at Tox. Nakita niyang hinila ni Anna ang kanyang kapatid dahilan para muli siyang makaramdam ng kirot sa kanyang puso.

Is this what Anna felt?

Iyon ang katanungang paulit-ulit na umikot sa kanyang isipan habang nakahawak sa kanyang dibdib.

It hurts so much...

Habang tinataw niya ang papalayong imahe nina Anna at Tox ay hindi niya namalayan na kusang humakbang ang kanyang mga paa at sinundan ang dalawa kahit na parang dinudurog ang kanyang puso habang nakikitang hawak ni Anna ang kamay ng kanyang kapatid na dapat ay siya. Tahimik niya itong sinundan hanggang sa makita niya na dinala ng dalaga si Tox sa k'warto nito dahilan para mahirapan siya makahinga.

Mabigat man sa kanyang pakiramdam ay sinubukan niya pa ring lumapit sa k'warto at dahan-dahang pinihit ang doorknob para makita ang nangyayari sa loob. Nakita niya kung paano asikasuhin ni Anna ang kapatid niya dahil sa sugat na natamo nito nang dahil sa kanya. Habang pinagmamasdan niya ang dalawa ay hindi maikakaila na nag-aalala ang dalaga para sa kanyang kapatid at kahit na ilihis man ni Tox ang tingin sa dalaga ay hindi maitatago ang nararamdaman nito para sa dalaga.

"Huli na ba ang lahat?" mahinang tanong ni Jax sa kanyang sarili.

Masakit man ang kanyang nakikita at naririnig ay hindi niya pa rin nagawang umalis sa kanyang kinatatayuan. Patuloy niyang pinakinggan ang naging usapan nina Anna at Tox at habang tumatagal ay nararamdaman niya ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Hindi niya din maipagkakaila na habang tumatagal ay mas nasasaktan siya sa kanyang naririnig lalo na ang mga binibitawang salita ng sarili niyang kapatid. Alam niya sa sarili na may pagkakamali siya at nasaktan niya si Anna ngunit hindi niya matanggap na gagamitin iyon ni Tox para lang makuha nito si Anna sa kanya.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now