Chapter 68

21 0 2
                                    

ILANG araw na binagabag ng kanyang isipan si Jax. Nag-isip siya nang nag-isip ng mga paraan kung paano niya itatama ang lahat ng kanyang pagkakamaling nagawa kay Anna. Gusto niyang bumawi. Gusto niyang itama ang lahat.

“If I could only...”

Ngunit bago pa man ni Jax matapos ang kanyang sasabihin ay mabilis niyang iniling ang kanyang ulo para alisin sa kanyang isipan ang kanyang iniisip at kaagad na ikinumpas ang kanyang sarili.

“This isn’t the time for excuses. I need to genuinely make things right with Anna,” determinadong saad ni Jax sa kanyang sarili.

Tumayo si Jax sa kanyang kinauupuan at mabilis na umuwi ng bahay para harapin ng buo si Anna. Bagamat puno man nang mga agam-agam ang kanyang isipan at takot ang kanyang puso sa maaaring maging tugon ni Anna sa kanyang pagharap ay pilit niyang nilabanan iyon lalo nang umalingawngaw muli ang mga katagang binitawan ni Tox sa kanya ng gabing iyon.

“You’ll not be able to overcome that fear that keeps eating you if you will not make a way to face it. You will never be able to hold someone you love nor be with their sides if you will keep being coward, Jax.”

Huminga nang malalim si Jax para ikumpas ang kanyang sarili. “Tox is right. I need to face Anna. I need to make things right even Anna might not accept my apologies. I need to pull myself together.”

Matapos sabihin iyon ni Jax sa kanyang sarili ay inapakan niya ang accelerator dahilan para bumilis ang takbo ng kanyang kotse. Ilang saglit lang ng pagmamaneho ay nakarating din ito sa mansion at dali-daling umakyat patungo sa k’warto kung nasaan ang kanyang mag-ina.

Nang nasa tapat na ito ng pinto ay humugot siya nang isang malalim na paghinga para makakuha ng sapat ng lakas ng loob para alisin ang kabang nararamdaman nang hindi siya dagain at tumakbong muli.

Akmang bubuksan ni Jax ang pinto nang bigla itong bumukas dahilan para kapwa sila mabigla ni Anna at mabitawan ng dalaga ang basong hawak nito. Ngunit bago pa man iyon tuluyan bumagsak ay mabilis na sinalo iyon ni Jax. Kapwa napatigil sa paghinga ang dalawa at napatingin sa isa’t isa dahil sa nangyari.

“Sorry...” mahinang paghingi ng pasensya ni Anna na bakas ang guilt sa mukha nito nang sandaling iyon.

Hindi alam ni Jax kung ano ba ang dapat niyang maging tugon sa paghingi ng tawad ng dalaga ngunit dahil sa mabilis na pangyayari at reaksyon ng dalaga ay natawa na lamang ang binata nang hindi namamalayan dahilan para manlaki ang mga mata ni Anna nang sandaling iyon. Bahagya itong nakaramdam ng hiya ngunit sa kabila ng hiyang nararamdaman ay hindi niya maitatangi sa kanyang sarili na iyon ang unang beses na makita niyang tumawa ang binata na tumawa. Napansin naman ni Jax ang biglang pananahimik ni Anna dahilan para mapatigil ito sa pagtawa at matauhan.

“Sorry...” mahina nitong sabi na bahagyang napayuko.

Napangiti nang maliit si Anna sa itinuran ng binata. Iyon ang unang beses na nagawa nitong humingi ng tawad sa kanya nang harap-harapan. Bagamat hindi alam ng dalaga kung bakit naroon ang binata ay may kutob siya na may gusto itong sabihin.

Hinawakan ni Anna ang kamay ni Jax dahilan para mapatingin ito sa kanya. “Tara, doon tayo sa kusina mag-usap,” mahinang saad nito sabay tingin sa loob ng k’warto na kaagad naman naunawaan ni Jax ang nais ipakahulugan ng dalaga.

***

NABALOT nang matinding katahimikan ang dalawa ng makarating ito sa kusina. Hindi makaimik si Jax at pilit hinahanap ang tamang salita para simulan ang pakikipag-usap kay Anna.

“Here...I made some hot chocolate,” nakangiti wika ni Anna sabay lagay ng mainit na inumin sa harapan ni Jax.

Hindi maipagkakaila ni Jax na napakaganda ng mga ngiti ni Anna, ngunit bago pa man siya malunod sa mga ngiti ng dalaga ay mabilis niyang ibinaling ang kanyang tingin sa hot chocolate. Muli, napangiti nang tahimik si Anna at umupo sa katapat na upuan na kinauupuan ni Jax at maingat at dahan-dahan na hinihipan ang mainit na tsokalate sa kanyang baso. Hindi siya nagsalita at hinintay lamang na maipon ng binata ang lakas ng loob para magsimula itong magsalita. Nakita niyang pumikit ito sabay humugot nang isang malalim na paghinga bago tuluyan na inangat ang mukha at tuminga sa kanya nang diretso.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now