Chapter 14

156 30 0
                                    

MABIGAT ang katawan ni Anna nang magising siya sa isang k'wartong kanyang binayaran para palipasan niya ng gabi. Pakiramdam niya ay lalagnatin siya nang sandaling iyon makalipas ang ilang oras makalipas nang nangyari sa kanila nina Bien at Hayacinth kagabi. Ramdam niya rin ang pananakit ng ulo niya buhat ng paglalasing niya kagabi at idagdag pa ang naulanan siya kagabi habang naghahanap ng murang hotel na kanyang matutuluyan. Napatingin si Anna sa orasan na pasado alas otso na ng umaga.

Nagpakawala siya nang malalim na buntong-hininga. "I need to move," mahina niyang saad sa kanyang sarili at pinilit ang sarili na bumangon sa kanyang pagkakahiga kahit na sobrang sakit ng kanyang buo katawan dulot ng hangover at mainit na pakiramdam ng kanyang katawan.

Pilit na ikinumpas ni Anna ang kanyang sarili ngunit ramdam niya talaga ang sakit ng kanyang katawan at maging ang kanyang puso at sa tingin niya ay hindi niya pa kayang makiharap sa kahit na sino pa man—sa ngayon. Kung kaya kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Mr. Lee.

"Hello, Mr. Lee?"

"Yes, Anna? Why did you call? Are you still not feeling well?" pag-aalalang tanong ni Mr. Lee.

"Yes, Mr. Lee. P'wede po bang huwag na muna ako pumunta ng opisina?" mahinang pakiusap ni Anna.

"That's all right. You can take a two-week break," saad ni Mr. Lee sa kabilang linya.

Napasinghap si Anna sa kanyang pagkabigla. "Is that real Mr. Lee? Two weeks na rest day?" hindi makapaniwalang tanong ni Anna sa kanyang boss.

"Yes. Do you think I'm just messing with you?"

"No, Mr. Lee, it's just that—"

"You're not required to explain anything. I'm just kidding," birong sabi ni Mr. Lee.

"Mr. Lee talaga," natatawang sabi ni Anna.

"Because I don't have a choice, I'm doing you a favor. You just finished your novel, so you can't write another one because, as a writer, you're still fixated on your completed novel. And because I don't want you to write a novel that is similar to your previous work, I'll let you rest for the time being," paliwanag ni Mr. Lee kay Anna na natuwa sa pagiging considerate ng kanyang boss sa mga writer nito. Hindi nga siya nagkamali na mag-stay sa company nito.

"Please return in the second week of February for our final preparations for your book launch, okay?"

"Yes, Mr. Lee! Thank you so much!" masayang pasasalamat ni Anna na hindi mabura ang ngiti sa kanyang mga labi.

"It's my pleasure. I'm going to end the call now. Take some time to relax."

"I will, Mr. Lee!"

Matapos noon ay binaba na ni Anna ang kanyang cellphone nang patayin na ni Mr. Lee ang tawag. Kasunod noon ay nagpakawala siya nang isang malalim at mabigat na buntong-hininga.

"I think this is better." Sabay ibinagsak ang kanyang katawan muli sa higaan pabalik sa kanyang paghiga.

"...you can't write another one..."

Biglang napaisip si Anna sa sinabi ni Mr. Lee.

"Hindi ko ba talaga kaya?" tanong niya sa kanyang sarili.

Sa mga nakalipas na mga taon, simula ng magsulat siya ay ganoon ang kanyang nagiging set up. Matapos ang isang nobela ay magpapahinga siya at magsusulat lang sa tuwing may bagong idea o kapag handa na muli siyang magsulat.

"Changing what I used to do isn't such a bad thing, is it?" tanong ni Anna sa kanyang sarili. "Perhaps breaking out of my shell will allow me to take in some fresh air."

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now