Chapter 7

177 34 0
                                    

SUNOD-SUNOD ang paglagok ni Anna ng kanyang inumin na animo'y parang wala lang sa kanya ito at sumayaw pa ito sa saliw ng musika. Tulad ng sinabi niya sa kanyang sarili bago niya ininom ang kanyang inumin kanina ay lulubusin niya ang magpapakasaya ngayon gabi at iyon ang kanyang ginawa. Hindi ito nagpaawat at uminom ito nang uminom hanggang sa unti-unti na nakaramdam si Anna na nagsisimula ng umikot ang kanyang paligid. Subalit hindi pa rin ito nagpaawat at nagpatuloy sa pag-inom at pagpapakasaya sa kanyang sarili. Nakaka-apat na order pa lang ito ng long island iced tea ngunit kapansin-pansin na sa kanyang pustura na tinamaan na ito ng kalasingan.

"Let's party!" hiyaw ni Anna na tuwang-tuwa.

Ininom ng dalaga ang natitirang laman ng kanyang baso bago muling pumunta sa gitna para sumayaw.

"Woah! Yeah!" hiyaw nito na tuwang-tuwa na sumasayaw at lumulukso sa gitna ng maraming tao.

Pinagtitinginan na siya ng tao ngunit walang pakialam si Anna ang tanging gusto niya ng gabing iyon ay magsaya at makalimot. Nagpatuloy ang dalaga sa pag-indak hanggang may mga lalaking lumapit sa kanya na animo'y sinusubukan siyang akitin at halikan ngunit hindi pumayag ang dalaga at tinutulak niya ang lalaking akmang hahalik sa kanyang mga labi.

"Woah—"

Naputol ang paghiyaw ni Anna nang biglang may humatak sa kanya at hinila siya palayo sa kasiyahan.

"What the hell are you doing?" galit niyang tanong sa binatang humihila sa kanya. "Hey, ano ba? Let go of my hand!" sigaw ni Anna na pilit hinahatak ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng binata ngunit ayaw siyang bitawan nito.

"Ano ba? Can't you understand me? I said, bitawan mo kamay ko!" Sabay hila nang malakas dahilan para mapaharap sa kanya ang binata.

Gusto man ni Anna makita ang mukha ng binata ngunit hindi niya iyon makita dahil sa madilim at walang ilaw sa kanilang kinaroroonan.

"Just come with me," matipunong saad ng binata kay Anna na siya niyang biglang ikinatigalgal dahil sa nakakaakit na boses ng binata.

Dahan-dahan na naglakbay ang mga mata ni Anna sa katawan ng binata na kitang-kita ang kakisigan nito kahit na anino lamang ang nakikita ng dalaga. Nagpatuloy sa paglakbay ang mga mata ni Anna hanggang sa dumapo ito sa kargada sa pagitan ng hulmado nitong mga hita. Napalunok naman ang dalaga nang makita ang namumukol na pagkalalaki nito sa suot nitong pantalon. Natauhan si Anna sa kanyang pagkakatitig sa kargada ng binata ng hilahin siya nito muli.

"Ano ba? Where are you going to bring me?" almang tanong ni Anna at pilit na hinahatak ang kanyang kamay.

Napatiim-bagang binata na tinignan ang dalaga at walang ano-ano'y bigla nito binuhat si Anna at sinampa ang katawan nito sa balikat nito.

"You're coming with me," s'wabeng saad ng binata.

Nakaramdam naman ng kaba si Anna sa kanyang tiyan nang marinig niya ang sinabi ng binata. Sa kabila ng kaba na kanyang nararamdaman ay may kung anong hindi maipaliwanag siyang nararamdaman nang sandaling iyon ngunit ayaw niyang magpatangay sa damdamin niyang iyon kung kaya patuloy siyang kumakawala at nagpupumiglas sa pagkakakarga ng binata.

"Let go of me! Ano ba?" alma niya na pinipilit na manlaba kahit may bahagi ng kanyang isipan ang nagsasabi sa kanya na huwag at walang mali sa nangyayari.

Pakiramdam niya nang sandaling iyon ay may tama siyang gagawin pero mali. Hindi niya lubos na maunawaan ang nararamdaman niya para siyang nawawala sa kanyang katinuan o baka marahil epekto rin ito ng alak na kanyang ininom.

"Who are you ba kasi? Bakit mo ba ito ginagawa?" tanong ni Anna habang hinahampas nang mahina ang likod ng binata.

Hindi umimik ang binata at ibinaba na lamang siya nito. Doon niya lang napansin na nasa isang cabin na sila.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon