Chapter 61

61 1 1
                                    

LABIS na kirot ang nararamdaman ni Anna sa kanyang tiyan na pilit niyang pinipigilan na humiyaw kung kaya napahawak na lamang ito sa kumot at kinagat ang kanyang labi. Hindi niya gustong makaabala sa mga taong naroon sa mansyon lalo na at dis-oras na ng gabi.

"Baby, please don't give me a hard time...please," pagmamakaawang pakiusap ni Anna na nangingilid na ang mga luha sa kanyang mga mata.

Ngunit kahit na anog pilit niyang pigilan ang paghiyaw ay hindi niya makayanan na ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang tiyan dahilan para isubsob niya ang kanyang mukha sa unan at doon nagpakawala ng malakas na hiyaw para maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Sa kabilang banda ay hindi naman maipalagay si Jax nang gabing iyon dahilan para maisipan nitong magpahangin sa labas ngunit dinala naman ito ng kanyang mga paa papunta sa k'warto ni Anna.

"Is she already sleeping?" tanong ni Jax sa kanyang sarili at akmang sisilipin si Anna ngunit nagdadalawang isip ito at baka magising niya ito.

Napailing na lamang ang binata at napagdesisyunan na 'wag na lamang ito gambalahin ngunit nang akmang maglalakad na ito pabalik ay nakarinig ito nang maliit na ungol dahilan para mapalingon itong muli sa pinto ng dalaga.

"What was that?" napatanong ni Jax sa kanyang sarili.

Inilapit niya ang kanyang tainga sa pinto para pakinggan kung sa k'warto ba talaga ni Anna nagmula ang narinig niyang ungol. Ilang segundo ang lumipas at isang maliit na impit na ungol ang kanyang narinig dahilan para bigla siyang kinabahan at mabilis na binuksan ang pinto. Nang sandaling iyon ay bumungad sa kanyang harapan ang namimilipit sa sakit na dalaga.

"Anna, what happened?" nag-aalalang tanong ni Jax at dahan-dahang inayos ang posisyon ng dalaga.

Nang mahawiin niya ang buhok na nagkalat sa mukha nito ay nakita nito ang luhang nagkalat sa pisngi nito at ang butil-butil ng pawis sa noo nito.

"Anna, what happened? Are you in pain?" Sunod-sunod na tanong ni Jax na labis na nag-aalala sa kalagayan ng dalaga nang sandaling iyon.

"I-I'm fine," wika nito na pilit ikinukubli ang kirot na nararamdaman.

"No, you're not fine, Anna. Tell me, where it hurts?" tanong nito na hinahanap kung anong parte ng dalaga ang may sugat o kumikirot.

"Y-you don't have to—ahh!"

Hindi na nagawang matapos ni Anna ang kanyang sasabihin nang bigla na lamang ito napasigaw nang malakas.

"Anna, what's happening to you?" kinakabahan at labis na nag-aalalang tanong ni Jax na halos natataranta na ng sandaling iyon.

Hindi magawang matugunan ni Anna ang tanong dalaga dahil sa labis na kirot ang nararamdaman nito at wala nang nagawa kung 'di ang humiyaw nang humiyaw. Walang maisip na paraan kung paano tutulungan ni Jax ang dalaga kung kaya wala na siyang nagawa kung 'di ang mapasigaw ng tulong.

"Help! Help! Lax! Lena! Somebody help me!" malakas na sigaw nito.

Hindi naman nagawang mabigo ang binata na marinig ang kanyang malakas na sigaw at mabilis na nagsitakbo ang mag-asawa at kambal sa k'warto ni Anna.

"Why, Jax? What—"

Hindi na nagawang matapos ni Lena ang kanyang sasabihin nang makita ang likidong nagkalat sa sahig na nagmula sa pagitan ng dalawang hita ni Anna.

"Honey, manganganak na si Anna! Call the doctor, now!" mabilis na utos ni Lena.

Hindi nag-aksaya ng oras si Lax at mabilis na tinawagan si Dr. Kith.

"Sax! Call, Amy and tell her to prepare everything!" utos ni Lena kay Sax na mabilis naman napatakbo papunta sa k'warto ng nurse.

Lahat man ay nagkakagulo at nag-aalala kay Anna ay hindi umalis ng dalaga si Jax at hawak-hawak ang kamay nito habang hinahaplos ang ulo nito para pakalmahin.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon