Chapter 30

71 6 0
                                    

SA KABILA ng romantic set up ng lugar na kinaroroonan nila Anna at Jax ay 'di maitatago ang tensyong bumabalot sa kanilang paligid.

Hindi alam ni Jax kung anong rason ng dalaga kung bakit siya nito gusto makausap ngunit isa lang alam niya kailangan niyang tapusin ang pag-uusap na iyon sa madaling panahon.

"What do you want to talk about?" Pagbabasag ng katahimikan na tanong ni Jax kay Anna.

Tumingin si Anna kay Jax bagamat kinakabahan ay sinubukan nitong tignan ito nang diretso sa mga mata. Ngunit hinidi siya makapagsalita dahil sa malakas na tibok ng kanyang puso.

"P'wede bang huminahon ka muna?" pakiusap ni Anna sa kanyang puso na tila asong nagwawala at nauulol nang sandaling iyon.

Habang kinakalma ni Anna ang kanyang sarili ay patuloy siyang pinagmamasdan ni Jax na habang patuloy itong tinitignan at mas lalo itong nilalamon ng kanyang emosyon at anumang saglit ay bibigay na siya kapag hindi pa siya umalis sa lugar na iyon.

"I can't take this any longer," saad niya sa kanyang sarili.

Napatayo si Jax sa kanyang pagkakaupo dahilan para makuha nito ang atensyon ni Anna n amabilis na napatingin sa kanya.

"If you don't have anything to say. I'm going to leave right now," malamig na saad ni Jax at nang akmang aalis na ito ay bigla itong napahinto nang marinig niya ang sinabi ni Anna na labis niyang ikinagulat.

"I'm pregnant!"

Suot ang gulat na reaksyon ay ibinaling ni Jax ang kanyang atensyon kay Anna. "What?"

"I'm pregnant and you are the father," lakas-loob at mariing pagtatapat ni Anna.

Nang marinig ni Jax ang sinabi ni Anna ay tila tumigil ang kanyang mundo sa labis na pagkabigla. Hindi makapaniwala ang binata sa kanyang narinig, hindi niya maunawaan kung anong emosyon ang dapat niyang maramdaman nang sandaling iyon kung matutuwa ba o matatakot.

"How did..."

"I'm not sure if you remember this, but it all happened because of that night," mahinang saad ni Anna sabay yuko.

"That night?" pag-uulit ni Jax na clueless sa sinasabi ni Anna ngunit mabilis din itong natauhan ng maalala niya ang ginawa niya ng gabing iyon.

"Fuck!" malutong niyang mura sa kanyang isipan. "What have I done? Why this is all happening?"

Tinignan niya ang dalagang nakayuko sa kinauupuan nito. Nang sandaling iyon ay tila pinipiga ang kanyang puso dahil sa nakita niyang sitwasyon ng babaeng mahalaga sa kanya.

"Damn it, Jax! Look what had you did to her! You hurt her!" paninising saad niya sa kanyang sarili.

Napakuyom nang mahigpit ng kanyang mga kamay at napatiim-bagang si Jax. Sa labis na pagkasiphayo sa nangyayari nang sandaling iyon, gusto niyang yakapin si Anna at bigyan ng kapanatagan ng loob ngunit hindi niya magawa dahil pinapangunahan siya ng takot—takot na baka tulad ng kanyang ama ay siya din ang maging dahilan para mawala ang babaeng kanyang labis na pinapahalagahan.

Naglaro sa isipan ni Jax kung paano niya gagawing miserable ang buhay ni Anna kung sakaling pipiliin niyang makasama ang kanyang mag-ina sa hinaharap. Nang maglaro iyon sa kanyang isipan ay halos mabaliw at mapuno siya ng takot sa kanyang nakita.

"No!"

Isang bangungot ang kanyang nakikita sa maaaring sapitin ni Anna sa kanyang mga kamay sa hinaharao kung sila ay magsasama.

"No! I won't let that happened to her!"

Ikinumpas ni Jax ang kanyang sarili. "You got to be kidding me," wika ni Jax sabay palatak.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now