Chapter 69

43 0 0
                                    

UNTI-UNTI ng nagiging maayos ang lahat sa buhay nina Anna at Jax. Pumayag na rin si Jax na mag-undergo siya ng rehabilitation para sa kanyang PTSD, hindi man naging madali ang nagging proseso ngunit pilit na kinakaya ni Jax hindi lamang para sa kanyang sarili kung 'di para na rin sa kanyang pamilya.

"I'm pleased to see that you're making excellent progress in your rehabilitation, Mr. Tuazon," wika ni Dr. Castro.

Napayuko si Jax at gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. "Well, thanks to the person who's been always supportive, caring and continuing loving me without boundaries. She is the one pushed me to face my fears with courage and I'm so blessed that she's the one by my side."

Hindi umimik si Dr. Castro at pinagmasdan lamang ang binata at hindi nito maitatanggi na malaki na rin ang pinagbago nito maging ang pananaw nito sa mga bagay-bagay at natutuwa siya para dito.

"That's good to hear, Mr. Tuazon." Ngunit gusto pa rin ng doctor kung hanggang saan limitasyon nito sa kasaluyang sitwasyon at ano ang maaaring maging reaksyon at gagawin nito sa sandaling dumating ang ganoong sitwasyon. "However, I want to ask something."

"Go ahead, what is it?" Sabay tuon ng kanyang pansin sa doctor.

"What if he comes back? What will you do? Will you go back to the person who were you before? Will you run away again?" Sunod-sunod na tanong ni Dr. Castro habang masinsing pinagmamasdan ang maliit na aksyon o reaksyon ni Jax nang sandaling iyon.

Hindi umimik si Jax at ikinumpas ang kanyang sarili. Alam niya sa sarili na hindi maiiwasan ang ganoong posibilidad at mangyayari at mangyayari pa rin na maghaharap sila ng kanyang ama at alam niya sa sarili niyang hindi niya magagawang mapatawad ang ama sa ginawa nito sa kanyang ina at kay Anna.

"I don't want to be a hypocrite, so I'll tell you honestly what I'm going to feel: If that time comes, I'm sure that I'll get angry and will never, ever forgive what he did to our family, to me, to all of us. But as much as I want to hurt him and make him pay for what he's done, I'll let the law decide everything. I will not let him live the way he wanted," mariing saad ni Jax sabay kuyom ng kanyang mga kamay at saka tumingin nang diretso sa doctor. "His madness must come to an end."

Ibinaba ni Dr. Castro ang hawak nitong ballpen. "I see. Hope that everything went well when the time comes."

Matapos ang pag-uusap nina Jax at Dr. Castro ay napagpasyahan ng binata na umuwi na para magkaroon naman sila ng bonding time ni Anna bago sila makatulog ngunit bigla siya napahintoo sa kanyang pagmamaneho ng mapadaan siya sa isang flower shop dahilan para bumaba siya at bumili ng bulaklak ang dalaga. Red roses and pink lilies ang pinagawa nito na umayon naman ang mga kulay nito sa pagkakaayos at naging mas maganda ang kinalabasan.

"Hope she likes this." May ngiti niyang saad habang pinagmamasdan ang bouquet na kanyang hawak.

***

"ANNA..." mahinang saad ni Bien na napatayo kaagad sa kanyang pagkakaupo nang makita si Anna ngunit hindi nagpakita ng interes ang dalaga nang sandaling iyon.

"What do you need, Bien?" direktang tanong ni Anna na nanatiling nakatayo.

"Maupo ka—"

"Bien, what do you need? I'm not here to talk shits with you, so tell me what do you want. My daughter needs me better than you do," pagpuputol ni Anna sa sasabihin ni Bien.

Wala nagawa si Bien kung 'di ang sabihin ang niyang sabihin kay Anna kaysa naman na sayangin ang pagkakataon.

Hinawakan niya ang magkabilang mga kamay ni Anna. "Anna, alam kong nagsaktan kita dahil sa ginawa ko noon at sobrang pinagsisisihan ko ang nagawa kong iyon maniwala ka man sa hindi."

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon