Chapter 57

62 0 0
                                    

LUMIPAS pa ang mga araw, hindi pa man lubos na matanggap ni Anna ang magandang ipinapakita at pakikitungo sa kanya ng pamilya ni Jax ay labis pa rin siyang nagpapasalamat. Hindi naging iba ang pagtingin nito sa kanya sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang antas ng pamumuhay dahilan para siya'y maging panatag. Dahil din sa magandang pagtrato ng mga ito sa kanya ay nagkaroon siya ng panahon para maipagpatuloy ang kanyang isinusulat na nobela na pansamantalang natigil dahil sa mga kaganapan niya sa buhay na kailangan niyang harapin at unahin.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Lena, asawa ni Lax, kay Anna.

Ibinaling ni Anna ang kanyang tingin sa direksyon ng ginang.

"Okay naman kahit papaano," tugon nito.

"Sigurado ka ba? Sabihin mo lang sa akin kung may nararamdaman kang hindi maganda. Huwag kang mahiyang magsabi sa akin," wika nito.

"Thank you, Ate Lena sa pag-aalala sa akin pero wala po dapat ipag-alala," paninigurong tugon ni Anna.

"Sigurado ka? Kasi kung—"

Hindi nagawang maituloy ni Lena ang kanyang sasabihin nang hawakan ni Anna ang kamay nito at bahagyang pinisil.

"Ate Lena, I'm fine. You don't have to worry anything," nakangiting saad ni Anna.

"But—"

Marahan na tinapik ni Anna ang kamay ni Lena. "Ate Lena, ayos lang po talaga ako."

Bagamat sa ilang beses na pagkumpirma ni Anna na mabuti naman ang kanyang kalagayan ay hindi pa rin magawang pigilan ni Lena ang sarili na mag-alala para sa dalaga lalo na't ito ang unang pagbubuntis.

"Anong pinag-uusapan niyong dalawa?" tanong ni Lax nang sandaling pumasok ito sa k'warto ni Anna.

"Honey."

Lumapit si Lax sa kanyang asawa at binigyan ito ng halik sa noo.

"Wala naman kaming pinag-uusapan, kinukumusta ko lang si Anna," tugon ni Lena.

Ibinaling ang kanyang tingin kay Anna. "Kumusta pakiramdam mo, Anna? Do you feel any pain or something?"

Umiling si Anna at ngumiti. "I'm fine, Kuya Lax. You don't have to worry anything," paninigurong kumpirma ni Anna.

"Still, you don't have to say you're fine, lalo na nalalapit na ang petsa ng panganganak mo, Anna. Kailangan mo pa rin mag-ingat sa bawat magiging galaw mo at baka—"

"Honey."

Napalingon si Lena sa kanyang asawa ng awatin siya nito.

"Calm down. Anna said she's alright," wika ni Lax.

Napakagat ng labi si Lena dahilan para haplusin ni Lax ang buhok nito. "Alam kong nag-aalala ka para kay Anna halos tayong lahat pero sasabihin naman ni Anna sa atin kung may nararamdaman siyang masakit—" sabay tingin kay Anna— "hindi ba, Anna?"

Tumango naman si Anna na may kasamang ngiti nitong tugon na nakita naman ni Lena.

"See. Anna will not let us worry any more than we already do. She will absolutely communicate with us if something happens because we are her family," wika ni Lax sa kanyang asawa. "Right, Anna?"

We're her family?

Nang marinig ni Anna ang mga salitang iyon ay tila may kung anong mainit na sensasyon ang bumalot sa kanyang puso at hinidi niya iyon maikakailang napakasarap iyon sa pakiramdam. Hindi niya naramdaman ang ganoong klase ng pagtanggap, pag-aalaga at pagmamahal sa nagdaang mga taon. Hindi man inaasahan ang mga hindi magagandang pangyayari sa kanyang buhay ngayon ay labis pa rin siyang nagpapasalamat at ipinaramdam ng pamilya ni Jax ang pagmamahal at pag-aalagang matagal niya ng hindi nararamdaman.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon