Chapter 59

49 0 1
                                    

"HOW LONG do I have to do this for him to get his act together?" tanong ni Tox sa kanyang sarili sabay dura nang malasahan ang pakla ng dugo sa kanyang labi. "Damn it! The punches he throws are too hard."

Habang bahagyang iniinda ni Tox ang pagkakasuntok ni Jax sa kanya ay nakita siya ni Anna.

"Tox?" mahinang sambit ng dalaga sa kanyang pangalan.

Napaangat naman ng tingin si Tox dahilan para magkasalubong ang kanilang mga mata.

"Anna, what are you doing he—"

Hindi nagawang matapos ni Tox ang kanyang sasabihin nang mabilis itong nilapitan ni Anna.

"Anong nangyari sa'yo? Sinong may gawa nito sa'yo?" Sunod-sunod na tanong ng dalaga habang bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

Nang sandaling iyon ay hindi nakaimik si Tox at nakaramdam ng kakaibang kabog sa kanyang puso, ngunit hindi niya hinayaang lamunin siya nito at pilit na ikinumpas ang sarili.

Lumayo nang bahagya si Tox at mahinahong sinagot si Anna. "It's just nothing. You don't have to worry, Anna."

"Tox, it doesn't appear to me that it was nothing. Did you get into a fight with—"

"No, no. It's not, Anna. My recklessness caused me to get hurt," paliwanag ni Tox.

"Still—"

"Anna, I'm fine. You don't have to worry about me," pagpuputol at pagbibigay diin na saad ni Tox.

Tinignan ni Anna ang binata ngunit hindi ito mapalagay.

"But I'm not," wika nito at mabilis na hinablot ang kamay nito. "So let's treat that wound."

"You don't have to—"

Tinignan ni Anna si Tox. "I insist!"

Hinila niya ito hanggang sa makarating sila sa kanyang k'warto at mabilis na pinaupo.

"Anna—"

Hindi nagawang matapos ni Tox nang ibaling ni Anna ang tingin nito sa kanya dahilan para makita pa rin nito ang nag-aalalang reaksyon nito sa mukha. Nakaramdaman ng guilt ang binata dahilan para mapayuko ito.

Humugot nang malalim na paghinga si Anna. "I'm not going to ask you what occurred, so just let me treat your wound.

" Matapos niyang sabihin iyon ay kinuha ang first aid kit.

Naupo ito sa tabi ni Tox at inangat ang mukha nito para makita ang sugat nito at muli, napahugot ng malalim nang makita ang pumutok nitong labi. Kumuha siya ng cotton buds at nilagyan ng antispetic para linisin ang sugat ng binata. Walang salitang lumabas sa bibig ni Anna nang sandaling iyon at nakatuon lang ang kanyang atensyon sa paglilinis ng sugat ni Tox.

Ngunit sa kabilang banda ay hindi mapigilan ni Tox na tignan ang dalaga at kasabay noon ay ang pag-alingawngaw sa kanyang pandinig ang mga binitawang salita sa kanyang kapatid.

"If you can't be a man that Anna needs, then I will!"

Napakuyom si Tox ng kanyang kamay. Naaawa siya kay Anna. Naiinis siya sa kanyang kapatid sa ginagawa nito sa dalaga at hindi niya na rin maikakaila sa kanyang sarili na may pagtingin nga talaga siya para sa dalaga dahilan para mas lalo niyang ikasiphayo.

Biglaang nakakawala si Tox sa kanyang malalim na pag-iisip nang maramdaman niya ang hapdi sa kanyang labi matapos lagyan ni Anna ito ng ointment.

"Alam kong nagagalit ka kay Jax ngunit hindi mo kailangan gawin ito lalo na umabot sa magkasakitan kayo," mahinahong wika ni Anna at tumingin sa mga mata ni Tox.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon