Chapter 70

54 0 0
                                    

"WHERE is she?" bungad na tanong ni Jax nang sandaling makapasok siya ng kabahayan habol ang hininga at labis na nag-aalala

"We don't have any news as of now, but authorities are searching for the kidnappers location," sagot ni Lax.

"Fuck! I thought everything will be okay since Viv has been already put in her place," mariing saad ni Jax na napakuyom ng kanyang kamay. "But why this is happening? Who the hell doing this-"

Hindi nagawang matapos ni Jax ang kanyang sasabihin nang mapansin ang pagkagulat sa mga mukha ng kanyang mga kapatid. Bahagya itong napakunot ng noo.

"Dad, what are you doing here?" mahinang usal ni Lax nang makita ang kanilang ama

Tila naman nanigas ang katawan ni Jax nang marinig ang inusal ng kapatid.

Dad?

Ngunit sa kabila ng kanvang pagkabigla ay sinubukan niyang igalaw ang kanyang sarili. Gusto niyang makatiyak kung talagang naroon ang lalaking kanyang kinamumuhian. Sa bawat segundo ng kanyang pagkilos ay kasabay noon ang malakas na pagkabog ng kanyang puso. Hindi niya maipaliwanag kung takot o kaba ba ang nararamdaman niya nang sandaling iyon ngunit sa kabila nang samu't saring emosyon na kanyang nararamdaman ay ang kagustuhan niyang malaman kung ang taong iyon ay talaga bang naroon sa kanilang pamamahay. Matapos ang tila matagal na segundo ng kanyang pag-ikot ay nakita niya din sa wakas ang taong nakatayo sa may pintuan at pinagmamasdan silang magkakapatid.

"Are you just going to stare me? Aren't you going to greet or hug me?" tanong ng kanilang ama na animo'y nagtatampo.

Wala naman sa magkakapatid ang magawang makagalaw sa kanilang kinatatayuan nang sandaling iyon. Lahat sila ay nabalot nang samu't saring emosyon lalo na't isa-isang nanariwa sa kanilang alaala ang ginawa ng kanilang ama sa kanilang ina. Binalot ng kakaibang tensyon ang buong kasalahan, kahit si Lena ay hindi magawang pumagitna sa tensyon na namamagitan sa mag-ama, ngunit kung walang magsasalita sa kanilang anim ay hindi matatapos ang tensyong iyon. Humugot nang malalim na paghinga si Lena ngunit naagaw ang kanyang atensyon nang maglakad papalapit si Lax sa ama nito.

"Dad, how come you didn't say that you're coming?" kalmadong tanong nito na pilit inaalis ang tensyong bumabalot sa kanilang lahat.

"I just want you all to surprise me, and I think I somehow managed to pull it off," wika nito na bahagyang natawa.

"Really? Are you actually planning to surprise us, or do you have some sneaky scheme up your sleeve?" pabalang na saad ni Jax na pilit nagtitimpi ng galit niyang nararamdaman.

Naibaling ni Alexander ang kanyang tingin kay Jax na kitang-kita naman ang matinding galit sa mga mata nito.

"What are you saying—"

Hindi nagawang matapos ni Alexander ang kanyang sasabihin nang bigla siyang nilusob ni Jax at hinawakan sa k'welyo nito. "Enough with the charades!" bulyaw ni Jax. "I know you're not here for no reason. What's your scheme this time? Did you have a hand in Anna's disappearance?" Sunod-sunod na tanong nito.

"I didn't know what are you talk—"

Muli, hindi nagawang matapos ni Alexander ang kanyang sasabihin nang putulin ni Jax ang kanyang sasabihin. "You mean to tell me you don't know? Spare me the deception, I won't be made a fool!" mariing saad nito na mas humigpit ang pagkakahawak sa kanyang k'welyo.

"I'm not fooling you, Jax. I really—"

"Stop! Shut the fuck up!" malakas na sigaw ni Jax sa pagmumukha ng kanyang ama. "Why the hell would Anna get kidnapped at the exact time of your arrival? Don't tell me it's just a coincidence because that's utterly unbelievable!"

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now