Chapter 9

146 32 0
                                    

FRUSTRATION AT GIGIL ang ibinuhos ni Anna sa kanyang pagsusulat sa nakalipas na isang buwan at kalahati. Sa labis na inis ay nabalot ng pananakit ang kanyang buong nobela. Tinorture niya ang kanyang pangunahing tauhan hangga't sa maging ang mambabasa noon ay masaktan din. Hindi ganoon ang literal na paraan ng kanyang pagsusulat ngunit sa pagkakataong ito wala siyang magawa kung 'di ilabas lahat ng sama ng loob at bigat sa kanyang dibdib. Hindi naman na bago para sa isang manunulat ang ganitong paraan ng pagsusulat kung saan ginagamit ang kanilang personal na karanasan para isulat ang kanilang mga akda at ganoon din si Anna.

"Ladies and gentlemen, Delta Airlines welcomes you to Pasay, Metro Manila. The local time is 10:00 am. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate," anunsyo ng flight attendant.

Napatingin si Anna sa labas ng bintana ng eroplano at nakita niya na ang malawak na paliparan ng NAIA dahilan para mapabuntong-hinga. "I'm back," nakangiting saad ni Anna sa kanyang sarili.

Balak niyang surpresahin ang lahat sa kanyang pagdating kaya wala siyang pinagsabihan kahit na sino kahit na ang nasa opisina o kahit na si Bien na ngayon siya uuwi.

"I'm sure mabibigla sila kapag nakita nila ako," wika niya na may nakalolokong ngiti sa kanyang mga labi.

Hindi nagtagal ay tuluyan ng lumapag ang eroplano sa paliparan ng NAIA. Matapos ang ilang inspection sa arrival area ay nagpara agad si Anna ng taxi patungo sa opisina para supresahin na ang mga ito at makita na ang kanyang kasintahan na sobrang naging abala rin sa pagsusulat nito.

"I badly miss you, Bien."

***

TIKTIK man ang init ay hindi nawala ang mga ngiti ni Anna kahit na naipit siya sa gitna ng traffic.

"Nasa Pilipinas na nga talaga ako. Philippines will never be Philippines kung walang traffic," nakangiti niyang sabi habang pinagmamasdan ang mga sasakyang nakapalibot sa taxi na kanyang sinasakyan.

Ilang oras din ang lumipas at nakababa na rin siya sa taxi.

"Manong, heto po ang bayad," nakangiting sabi ni Anna sabay abot ng bayad sa driver. "Salamat po."

"Salamat din, Ma'am," pagpapasalamat na tugon ng driver.

Ngiti naman ang itinugon ni Anna at humarap sa building na nasa kanyang likuran at ipinikit ang kanyang mga mata at humugot nang isang malalim na paghinga. Ngunit dahil nasa Manila nga ito ay napaubo siya dahil sa maruming hangin na kanyang nalanghap buhat ng maitim na buga ng mga tambutso.

"Aha! Aha!" At tumikhim ang dalaga para klaruhin ang kanyang lalamunan. "Wala na nga pala ako sa Kauai. Ang bobo," natatawa niyang sabi sa kanyang sarili sabay sapo sa kanyang noo dahil sa kanyang katangahan.

Muling gumuhit ang ngiti sa kanyang labi at masayang humakbang papasok ng kanilang building. Nang makapasok ang dalaga sa kanilang building ay walang hiya-hiya siyang sumigaw ng,

"I'm back!"

Nanlaki naman ang mga mata ni Krystal nang makita ang dalaga maging ang ibang naroon ay napatingin din kay Anna.

"I'm back," pag-uulit ni Anna ngunit sa pagkakataong iyon ay sa marahan nitong tinig.

"Boss Lee! Narito na si Anna!" sigaw ni Krystal.

Isang malakas na kalabog ng pinto ang umalingawngaw sa buong opisina sa biglaan at nagmamadaling paglabas ni Mr. Lee.

"What did you say?" nagmamadaling tanong ni Mr. Lee kay Krystal. "And why are you shouting?"

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now