Chapter 20

157 28 0
                                    

LUMIPAS ang mga araw na itinuon lang ni Anna ang kanyang oras sa paggala sa kung saan-saang lugar para makapagsulat siya ng mga eksena sa kanyang ginagawang k'wento. Ginawa niyang abala ang kanyang sarili para alisin sa kanyang isipan ang mainit at naglalagablab na panangip na kanyang napanaginipan. Halos walang oras na hindi niya ginawang abala ang kanyang sarili sa bawat araw na magdaan. Ganoon ang kanyang naging routine niyq hanggang sa tuluyang nawala iyon sa kanyang isipan at hanggang sa sumapit muli ang ikalawang bahagi ng kanyang book event para sa pag-resupply ng kanyang mga libro. Tulad ng dati ay muling dinagsa ang kanyang book event at lahat ng librong nagawa ay na-sold out.

"I can't believe this, Anna! For the second time, sold out ang libro mo!" manghang saad ni Krystal na hawak-hawak ang kamay ni Anna habang lumukso sa tuwa.

"That's what Anna Quinn was made for," wika ni Mr. Lee na papalapit sa kinatatayuan nina Anna. "Congratulations, Anna. Again."

"Thank you, Mr. Lee," pasasalamat ni Anna.

"Ibig bang sabihin nito dinner party ulit, Uncle?" tanong ni Krystal na may malawak na ngiti.

Pinitik ni Mr. Lee sa noo ang kanyang pamangkin. "Diyan ka magaling!"

"Aray naman, Uncle!" daing ni Krystal habang hinihimas ang kanyang noo.

"You had a lot of time to kill yet you can't finish even a single book? Make your life more progressive, Krystal," panenermon ni Mr. Lee.

"Sabi nga nila, Uncle, "Have fun while you are young kasi you only live once" So, I'm living my life to the fullest!" wika ni Krystal na proud na proud sa kanyang sinasabi.

Nakatikim muli ng pitik si Krystal sa kanyang uncle.

"Have fun if you have money! If you don't, then work your ass off!"

"Nandyan ka naman, Uncle. Tapos 'yong company so why bother work my ass off?"

Muli, nakatanggap ng pitik si Krystal dahilan para makita ang labis na pamumula sa kanyang noo. "When will you going to grow up, Krystal? For Pete's sake!" nasisiphayong wika ni Mr. Lee na napasapo ng kanyang noo nang dahil sa kanyang pamangkin.

Umangkla naman si Krystal sa braso ng kanyang uncle at ngumiti na animo'y isang bata. "Malaki na ako, Uncle, can't you see?" tanong nito habang pinapakita ang sarili niya sa kanyang uncle.

Napailing na lang si Mr. Lee sa inaakto ng kanyang pamangkin.

"Jesus Christ, what should I do with this crazy niece of mine?" nasisiphayong tanong ni Mr. Lee sabay sapo sa kanyang noo habang umiiling.

Isiniksik ni Krystal ang kanyang sarili sa kanyang uncle na parang batang naglalambing. "So, ano, Uncle? G na ba? Sa Temptation Island ulit?" tanong nito na may pataas-taas ng kilay at malawak na ngiti.

Napatingin si Mr. Lee kay Krystal na may naniningkit ang mga mata sa kanyang pamangkin na binibigyan naman siya ng nakakatawang itsura habang may malawak na ngiti sa labi nito.

"G na ba, Uncle? Para naman 'to sa star writer ng DRB—" sabay baling ng tingin kay Anna. "Hindi ba, Anna?" tanong nito habang tinitignan ang dalaga na nagsasabing, "Say yes, Anna."

Ngunit hindi pa man nakakasagot si Anna ay umoo na si Mr. Lee.

"Fine. Just don't pester, Anna," awat ni Mr. Lee na feel defeated sa kakulitan ng kanyang pamangkin.

"Yay! Narinig mo 'yon, Anna? Favorite ka talaga ni Uncle!" tuwang-tuwa na saad ni Krystal na may kasamang panlalaki ng mga mata nito.

Pinitik naman ni Mr. Lee si Krystal sa noo. "Shut your mouth, kiddo. If someone hears you, they will think that I'm biased toward my employees."

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon