Chapter 35

79 7 1
                                    

TULAD ng nakasaad sa kasunduan na ginawa ni Jax na susundin ni Anna ang lahat ng sasabihin nito at kapag sinabing lahat means lahat at walang exception.

"From now on, you will serve me. Everything that I need and want you will do and provide up to my satisfaction. No objections will be accepted; the idea of your child having a father is a far-fetched notion."

"Don't forget, I'm not doing this out of the goodness of my heart. You must put in the effort to get it."

Ang mga salitang iyon ay tumatak sa isipan ni Anna kung kaya labis siyang nanghihina dahil sa hindi sila magiging tunay na pamilya tulad ng kanyang pinapangarap—kumpleto ngunit 'di naman totoo. Gusto niya man sisihin ang sarili ngunit kahit na sisihin niya ang kanyang sarili ay hindi na mababago ang lahat. Nangyari na ang nangyari.

Napatingin si Anna sa kanyang tiyan at hinimas iyon. "Don't worry, baby. I will be fine," saad niya habang hinihimas niya ang kanyang tiyan. "I will do everything for you, baby."

***

HABANG abala si Anna sa paglilinis ng penthouse ay halos mawala naman sa kanyang sarili si Jax. Hindi niya maintindihan pero sa tuwing naiisip niya ang posibilidad na makita niya na maaaring may magawa siyang masama kay Anna ay nawawala siya sa kanyang sarili.

"What the hell did I do? I shouldn't make a deal with her," nasisiphayong saad ni Jax sa kanyang sarili habang sapo-sapo ang kanyang noo. "I shouldn't let her come near me even more." Dagdag niya na tuluyang napasabunot sa kanyang buhok.

Naglaro na sa kanyang isipan na baka tulad ng ginawa ng kanyang ama sa kanyang ina ay magawa niya din ang karumaldumal na pangyayaring iyon kay Anna. Hindi niya gugustuhin na mamatay o mawala sa kanyang piling ang babaeng nagpabago sa kanya at labis niyang minamahal ngunit kahit na anong pilit niyang hindi iyon mangari ay hindi siya nakakasiguro sa maaaring gawin ng isa niya pang katauhan.

Nakakawala si Jax sa kanyang malalim na pag-iisip ng makita niya ang kanyang sarili sa salamin. "But I want her to be my side..." mahina niyang saad habang punong-puno ng pagnanasa ang kanyang mga mata na makasama si Anna. "But how can I keep her by my side without negatively affecting her and our child?"

Muling binalot ng pagkasiphayo si Jax nang sandaling iyon habang pilit nag-iisip sa kung anong p'wede niyang gawin para mapanatili si Anna sa kanyang tabi ng hindi ito nasasaktan.

Napasandal si Jax sa kanyang pagkakaupo at napatingin sa kisame ng kanyang opisina.

"Anna, Anna. You're really driving me crazy," mahinang wika nito sa kanyang sarili na may hindi malaman kung ano ba ang dapat niyang maramdaman nang sandaling iyon.

Ngunit ang hindi niya maipaliwanag na nararamdaman ay biglang nabigyan ng linaw nang biglang may pumasok sa kanyang opisina at tumawag sa kanyang pangalan na ubod ng tamis at sigla.

"Jax!"

Nanlaki ang mga mata ni Jax sa labis na pagkabigla.

"Viv, what are you doing here?" bulalas na tanong ni Jax.

Bigla naman sumimangot ang dalaga sa naging reaksyon nito. "What's up with the shocked expression? Aren't you glad to see me?" tanong nito nang nakanguso.

Ngunit hindi pinansin ni Jax ang tanong ng dalaga imbes ay ikinumpas nito ang sarili at binigyan ito nang malamig na pakikitungo.

"Why are you here? When did you arrive?" malamig at sunod-sunod na tanong nito.

Dahil sa malamig na pagtrato ni Jax ay mabilis na lumapit si Vivienne papalapit sa binata at agad na iniangkla ang braso nito sa braso ng binata na animo'y isang bata na naglalambing.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon