Chapter 36

70 6 0
                                    

NASA loob na ng sasakyan sina Anna at Vivienne ngunit nanatiling walang kibo ang dalaga. Pilit niya man na hindi magpaapekto sa ginawang pagtrato sa kanya ni Jax ay hindi niya magawang hindi, dahil alam niya sa sarili niya na gusto niyang maging maayos ang lahat sa kanilang dalawa lalo na at magkakaroon na sila ng anak. Napatingin si Anna sa kanyang sinapupunan dahilan para gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha. Naawa siya sa kanyang sarili lalong-lalo na para sa kanya anak. Kung ngayon pa lang ay ganito na siya tratuhin ni Jax paano na lamang sa kanilang anak? Magiging mas masahol pa ba ang gagawin nito rito?

Samu't saring agam-agam ang gumugulo sa isipan ni Anna nang sandaling iyon at hindi iyon makakawala sa mga mata ni Vivienne.

"Anna, are you okay?" tanong ni Vivienne na umagaw sa atensyon ng dalaga nang hawakan nito ang kanyang kamay.

"Ah?" wala sa ulirat na kanyang tugon ngunit mabilis na ikinumpas ni Anna ang kanyang sarili. "Ah, yeah. I'm fine," pagtutuwid nitong sagot.

"You don't look fine, Anna. Are you feeling troubled about something?" tanong ni Vivienne na kunwari ay nag-aalala sa kalagayan ng dalaga.

Ngumiti ng pilit si Anna para ipakita niyang okay siya kahit hindi. "I'm fine, Vivienne. You don't have to worry about me," saad niya at pilit na ngumiti ng natural.

"Are you sure?"

Tumango si Anna bilang tugon.

"Well, if that's the case..." At mabilis na inalis ni Vivienne ang kanyang kamay sa pagkakahawak sa kamay ni Anna at kumuha ng alcohol.

Napakunot ng noo si Anna sa biglang pagbabago ng mga kilos ni Vivienne.

"I don't give a damn if you're okay," pagsusupladang saad ni Vivienne at saka tinignan mula ulo hanggang paa si Anna. "You are not worth my time and consideration, so cease to anticipate any sort of compassion from me." Dagdag nito sabay irap ng kanyang mga mata.

Hindi nakaimik si Anna dahil sa kanyang pagkabigla. Alam niyang galit si Vivienne at handa siya sa magiging ugali nito sa kanya ngunit hindi niya inaasahan na agad na ito ipapakita ang tunay nitong ugali sa sandaling wala na sa kanilang harapan si Jax.

Napaismid si Anna. "I should have known," mahina at makahulugang saad nito.

"You ought to have been aware of your position from the start," mariing saad ni Vivienne saka nito ibinaling ang tingin kay Oscar, ang kanyang driver. "Oscar, pull the car."

Walang kibong sinunod ng driver ang utos ni Vivienne at itinabi ng kotse sa tabi.

Ibinaling ni Vivienne ang kanyang tingin kay Anna. "Now, get out in the car," mariin at mataray na utos ng dalaga. "I would prefer to be alone rather than in your company. Get out in the car, now!"

Huminga nang malalim si Anna. "You don't have to tell me what to do. It's not a good idea for us to be in one place." Matapos na sabihin iyon ng dalaga ay binuksan nito ang pinto ng kotse ngunit bago niya pa man maiapak ang kanyang paa sa kalsada ay may pahabol na salitang binitawan si Vivienne.

"Don't ever think you'll be able to take Jax away from me because I'll never let anyone take what's mine," mariing saad ni Vivienne. "Not even that child!"

Nang marinig ni Anna ang sinabi ni Vivienne ay bigla itong napalingon sa direksyon ng dalaga dahilan para makita niya ang pagtaas ng kilay nito.

"Do you think I wasn't aware of everything?" makahulugang saad nito. "I'm aware of everything, Anna. You can't hide anything from me, so don't even try."

"Is that a threat, Vivienne?" lakas-loob na tanong ni Anna.

"You have your brain, Anna, why don't you use it?" pamimilosopo at sarkastikong b'welta ni Vivienne.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now