Chapter 53

49 6 0
                                    

TAHIMIK na pinagmasdan ni Alexander ang chess pieces na nasa kanyang harapan habang pinag-iisipan kung anong piece ang kanyang gagalawin.

"Which piece should I move?" tanong niya sa kanyang sarili habang patuloy na tinitignan ang chess pieces at mga kinalalagyan nito.

Ibinaling niya ang kanyang tingin sa pawn. "Should I move the pawn? Or—" at ibinaling ang tingin sa horse— "the horse?" tanong niya sa kanyang sarili na bahagyang itinagilid ang ulo sa kanyang gawing kanan.

Ilang segundo niya itong pinagmasdan at nang hindi pa rin makapagdesisyon sa kanyang magiging kilos ay ibinaling nito ang tingin sa nurse na nakaupo sa isang gilid habang tahimik siyang pinagmamasdan.

"Which piece do you think I should move?" tanong niya dito.

"Do you have a specific goal in mind? Do you want to get the game over with quickly and win or would you prefer to play for a longer period of time and enjoy the game?" balik na tanong nito.

"How do I plan to achieve the goals I have set for myself?" pag-uulit nitong tanong.

Biglang napangiti si Alexander at inalis ang kanyang tingin sa nurse at ibinaling sa chessboard.

Inangat niya ang kanyang kamay para kunin ang chess piece na gusto niyang galawin.

"It would be great if I could play more and have a lot of fun."

Matapos sabihin iyon ay kinuha niya ang horse at inilagay malapit sa king.

"Seeing how they handle everything that will happen will be more entertaining than just watching the events unfold," wika nito at gumuhit ang makahulugang ngiti nito sa labi. "It will be interesting to see how things will play out."

***

NASA kalagitnaan ng pag-aanalisa si Lax ng mga dokumento nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Unknown number calling...

Hindi pa man nasasagot ni Lax ang tawag ay alam niya kung sino iyon.

"What happen?" bungad na tanong ni Lax sa seryoso nitong tono.

Habang pinapakinggan ni Lax ang sinasabi ng kanyang kausap ay hindi nito napigilan ang sarili na mapakuyom nang napakahigpit habang unti-unting nilalamon ng galit. Matapos niya marinig lahat ng sinabi ng kanyang kausap ay malakas niyang binagsak ang kanyang hawak na cellphone sa ibabaw ng kanyang mesa dahilan para mabasag iyon.

"You are definitely putting pressure on me. Then let us see who will take the game in this game you enjoy playing," wika ni Lax na mahigpit ang pagkakakuyom sa kanyang mga kamay. "I'll play your game, Dad."

Dadamputin na sana ni Lax ang telepono nang bigla bumukas ang pinto ng kanyang opisina at bumungad sa kanyang harapan ang imahe ng kanyang kapatid.

"Jax?" bulalas na sambit nito sa pangalan ng kanyang kapatid. Mabilis niyang ikinumpas ang kanyang sarili. "What are you doing here?"

Hindi pa man naririnig ni Lax ang sagot ng kapatid ay bakas sa mukha nito ang labis na desperasyon. "Where is Anna?" diretsang tanong nito.

"Jax—"

Hindi niya pa man natatapos ang kanyang sasabihin ay muling nagsalita si Jax.

"Did you already find her? Tell me, where is she?" Sunod-sunod na tanong ni Jax na animo'y mawawala sa sarili sa sandaling hindi nito magustuhan ang magiging sagot ng kanyang kapatid.

"Jax, you need to calm down. Take a seat first. This is something we can talk about—"

"Lax, I don't have anything to talk about with you, so tell me where Anna is. She is the one I need to speak with," pagdidiretsang punto ni Jax na hindi nais na mag-aksaya pa ng oras para sa mga bagay na hindi naman makakapagbigay kasagutan kung nasaan si Anna.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon