Chapter 49

42 6 0
                                    

HINDI MAPAKALI si Bien. Kinakain siya ng kanyang isipan lalo na ng malaman niyang buntis si Anna. Hindi niya alam ngunit pakiramdam niya ay anak niya ang batang ipinagbubuntis ni Anna.

“I need to find the truth,” mahina niyang wika sa kanyang sarili.

Agad na kinuha ni Bien ang kanyang cellphone na nasa side table at mabilis na ni-dial ang numero ni Anna. Nagsimulang mag-ring ang tawag at nang sandaling marinig iyon ni Bien ay lumakas ang kabog ng kanyang puso. Hindi niya maitatago na kinakabahan at natatakot siya nang sandaling iyon. Habang hinihintay niya ang pagsagot ni Anna sa kanyang tawag ay hindi niya naman magawang pigilan ang kanyang daliri sa pagpitik sa kanyang kuko para ikalma ang kanyang sarili. Matapos ang ilang pag-ring ay narinig niya ang pag-angat ng tawag.

“Hello?”

Nang sandaling marinig ni Bien ang boses ni Anna ay may kung anong kabog sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag.

“Hello?” Muli nagsalita si Anna sa kabilang linya.

Pilit na ikinumpas ni Bien ang kanyang sarili at saka tahimik na humugot nang isang malalim na paghinga para ikalma ang kanyang katawan sa nagwawalang emosyon nang sandaling iyon.

“Anna…” mahinang sambit niya sa pangalan ng babaeng dating bahagi ng kanyang buhay.

Ilang segundo silang binalot nang katahimikan.

“Why did you call?” diretsang tanong ni Anna na nagbago ang tono ng pananalita sa isang iglap nang marinig nito ang boses ng binata.

Ramdam ni Bien ang panlalamig at galit sa boses ni Anna nang sandaling iyon at alam niyang hindi niya ito masisisi. Ikinumpas ni Bien ang kanyang sarili.

“Anna, can we talk?” malumanay na tanong nito.

“We’re already talking,” malamig na tugon ni Anna.

“I mean, we really need to talk, Anna,” pagbibigay diin ni Bien.

“What for? Tapos na ang lahat sa atin, ano pa bang dapat—”

Hindi natapos ni Anna ang kanyang sasabihin nito nang biglang pinutol ni Bien ang kanyang pananalita.

“That baby. I want to know about the truth about that baby. So please, let’s talk in person.”

Lingid sa kaalaman ni Bien ay narinig ni Hayacinth ang lahat ng kanilang pag-uusap ni Anna.

“Why, Bien? Why are you doing this to me? Do you still love her?” tanong ni Hayacinth sa kanyang isipan habang mahigpit na kinukuyom ang kanyang mga kamay at kasabay noon ang luhang pasimpleng kumawala sa kanyang kaliwang mata.

***

MAHIGPIT na ikinuyom ni Anna ang kanyang kamay matapos ang kanilang pag-uusap ni Bien.

“Why? What is he up to?” tanong ng dalaga sa kanyang sarili habang iniisip sa kung bakit bigla na lang gusto malaman ni Bien ang tungkol sa batang kanyang ipinagbubuntis. “Plano niya bang ipamukha sa akin na ako may kasalanan kung bakit nasira ang relasyon namin para naging malinis ang konsensya niya?”

Mas humigpit ang pagkakakuyom ni Anna sa kanyang mga kamay. Samu’t saring sinaryo ang naglaro sa kanyang isipan nang sandaling iyon—mga maaaring mangyari at sabihin ni Bien sa sandaling magkaharap sila at malaman nito ang katotohanan. Napakagat ng kanyang labi ang dalaga. Alam niyang hindi maikakaila na may pagkakamali siyang ginawa ngunit iba ito sa ginawa ni Bien. Hindi niya ginusto na mangyari iyon sa kanya, hindi niya plinano na mangaliwa at magpabuntis sa taong hindi niya inaasahan na naging parte ng nakaraan niya. Wala siya sa katinuan nang mga sandaling iyon—lasing siya at hindi niya alam ang buong nangyari maliban nang sandaling magising na lamang siya at nangyari ang lahat.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon