Chapter 4

188 38 4
                                    

 AIRPORT,

"Sorry, Bien. Gusto man kitang isama pero—"

"No need to feel sorry, Anna," saad ni Bien at hinawakan sa magkabilang mga balikat ni Anna. "There's no need to be sorry, Anna. This is also a good thing that happened. I need to finish my book and get started on yours. We can concentrate on our writing while we are separated," paliwanag ng binata.

Napayuko si Anna na tila nalungkot sa sinabi ni Bien. Iba ang naging dating nito sa kanya na para bang isa siyang malaking distraction para sa binata. Alam niya namang kailangan nang matinding focus sa pagsusulat pero iba lang talaga ang naging dating sa kanya ng rason ni Bien. Pakiramdam niya ay gusto nito na malayo sila sa isa't isa.

"Anna," tawag ni Bien sa kanyang atensyon sabay hinawakan sa kanyang baba para iangat ang kanyang mukha para magtagpo ang kanilang mga paningin. "Don't be depressed and anxious. I just want you to finish your novel while you're on vacation. This is a once-in-a-lifetime opportunity that should not be given up. This will assist you in creating another masterpiece that will bring you a Nobel Prize award, just as it did the first time you received your first novel award eight years ago. You don't like it?"

Tinignan ni Anna sa mga mata si Bien at nanatiling tahimik.

"Anna, please keep your emotions in check. Don't think too much about me because this is a fantastic opportunity. It is all about your success," nakangiting sabi ni Bien.

Ngumiti na lamang si Anna at tumango bilang tugon sa binata. Niyakap naman siya ni Bien para pagaanin ang loob ng dalaga ngunit ikubli man ng ngiti ng dalaga ang kanyang nararamdaman hindi nito mababago na hindi siya masaya sa nangyayari. May kung anong bigat siyang nararamdaman sa kanyang dibdib. Pilit na ipinagsawalang bahala ni Anna ang kanyang nararamdaman at tinignan ang magandang side ng kanyang pag-alis; maliban sa mag-e-enjoy siya ay tama si Bien na isang malaking oportunidad ang pagkakataong ito para maging daan na makagawa muli siya ng isang obrang maaaring magdala sa kanya ng panibagong tagumpay hanggang sa marating niya ang tuktok ng tagumpay.

"We will be fine," marahang saad ni Bien.

Nanatiling walang kibo si Anna at hinayaan lang niyang yakapin siya ng binata.

Naramdaman ni Anna ang paghawak ni Hayacinth sa kanyang kamay. "Don't worry too much, Anna. Just focus lang sa novel mo," wika ni Hayacinth.

Pinagmasdan ni Anna si Hayacinth na walang ginawa kung 'di bigyan siya ng ngiti. Akmang magsasalita si Anna nang biglang marinig niya ang pag-page sa mga pasahero na aalis papuntang Kauai.

"Final call for boarding, final call for boarding for the last remaining passengers. The last remaining passengers on Philippine Airlines flight JJ013 bound to Kauai. Please board in aircraft through Gate 3. This is your final call for boarding, all board, please."

Inalis ni Bien ang kanyang pagkakayakap kay Anna at hinarap ito. "Go, keep going. They've calling all the passengers."

Hindi man mapalagay ay binigyan na lamang ng ngiti ni Anna ang binata kung saan ikinaway ang kamay para magbigay paalam sa dalaga. Tinignan ni Anna si Hayacinth na nasa tabi lang ng binata na kumakaway din sa kanya wala siyang magawa kung 'di bigyan na lamang ito nang maliit na ngiti bago tuluyang tumalikod at naglakad papunta sa Gate 3 ng NAIA.

"You're boarding pass, Ma'am?" tanong ng staff at inabot ni Anna ang kanyang boarding pass at passport.

Ibinalik niya ang kanyang tingin sa kanyang boyfriend at co-worker na nakita niyang naglalakad na rin palabas nang nakaakbay ang kanyang boyfriend kay Hayacinth.

Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Anna nang sandaling iyon. "Bien?" mahina niyang usal na hindi maunawaan ang kanyang nararamdaman nang sandaling makita niya ang dalawa na ganoon.

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now