Chapter 25

127 29 0
                                    

PASADO ALAS DOSE na ng gabi nang makarinig si Anna ng kakaibang ingay na nagmumula sa may pangpang sa kalagitnaan ng kanyang pagsusulat.

"Anong ingay 'yon?" tanong ni Anna sa kanyang sarili matapos niyang isara ang kanyang laptop at mapatayo sa kanyang kinauupuan.

Kinuha niya ang kanyang balabal at ibinalot iyon sa kanyang katawan at saka pumunta sa terasa para silipin kung anong nangyayari sa labas. Nakita niya ang isang private chopper ang lumanding sa may pangpang.

"Sino naman ang taong darating ng ganitong oras ng gabi?" nagtatakang tanong ni Anna sa kanyang sarili na patuloy na tinitingnan ang nangyayari sa labas.

Sa kabila ng madilim na gabi ay may liwanag ng buwan para maaninag ni Anna ang mga taong bumababa sa private chopper. Hindi niya man lubos na makita kung sino ngunit tatlong lalaki ang bumaba roon kung saan sinalubong ito ng isang babae. Naningkit ang mga mata ng dalaga nang maaninag niya ang babae.

"Hindi ba't si Trisia 'yon? Anong ginagawa niya doon?"

Hindi man ni Anna alam ang nangyayari ay naisip niya na baka isa iyon sa mga VIP ng resort lalo pa't nitong mga nagdaang araw ay nakita niya ang ilang celebrities at sikat na mga businessman tulad ni Christian Hunter ang pumupunta roon kasama ang kanilang pamilya. Kung kaya hindi niya na lang ito pinansin at ipinikit ang kanyang mga mata para damhin ang malamig na ihip ng hangin na nagbigay ng kakaibang ginhawa sa kanyang pagod na katawan. Matapos ang ilang saglit na pagpapahangin ay naisipan na ng dalaga na pumasok para matulog.

***

KINABUKASAN,

Gaya ng kadalasang ginagawa ni Anna ay pumunta siya sa pangpang para panoorin ang bukang-liwayway. Sa tuwing pinapanood niya ito ay binibigyan siya nito ng lakas at pag-asa sa kinakaharap niyang sitwasyon ngayon.

Hinaplos ni Anna ang kanyang tiyan. "Baby, konting pasensya pa makikita mo rin ang daddy mo," saad niya sa kanyang sanggol na nasa kanyang sinapupunan.

Nang sandaling iyon ay biglang nanariwa sa kanyang alaala ang mga alaala noong bata pa lamang siya.

"Anna!" masayang tawag ng kanyang ama.

"Tatay!" tugon ni Anna sa kanyang ama at tumakbo papalapit dito ngunit bago pa man ito nakarating sa kanyang ama ay nadapa ito.

"Anna!" sigaw ng kanyang ama at dali-daling tumakbo papunta sa nadapang bata na sumubsob sa buhanginan.

Binuhat niya ito patayo. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ng ama sa bata habang pinapagpag ang buhangin na bumalot sa mukha at binti nito.

Hindi sumagot ang batang si Anna at pilit na pinipigilan ang pagluha kahit na kitang-kita ang pangingilid ng luha sa mga mata nito.

"Baby, tell me where it hurts?" tanong ng ama na labis na nag-aalala sa bata.

Umiling ang bata at pinunasan ang luha sa kanyang mga mata at nakangiting humarap sa kanyang ama.

"I'm fine, Tatay," nakangiting sagot ng bata sa kanyang ama na para bang hindi nasaktan.

"Are you sure, baby?" pag-uulit na tanong ng ama na hindi pa rin mawala ang labis na pag-aalala sa mukha nito.

Tumango si Anna. "Opo!"

Bagamat na may pag-aalala pa rin ay ngumiti ang ama at ginulo ang buhok ng bata.

"What happened, honey?" tanong ng ina ni Anna na papalapit sa kinaroroona ng mag-ama.

Akmang magsasalita ang ama ni Anna nang biglang magsalita ang bata.

"I stumbled, Mama. I have scratches but I didn't cry," buong pagmamalaki ng bata. "Anna is brave, isn't she?"

Nagkatinginan ang mag-asawa sa hindi pangkaraniwang sinabi ng kanilang anak at natawa na lamang. Kinarga ni Leon si Anna at binigyan ng halik sa pisngi.

"Manang-mana sa 'yo ang anak natin, Celeste. Napakatapang!" natatawang saad ng ama ni Anna.

Tumawa si Celeste at niyakap ang asawa saka ito binigyan ng halik sa labi. "Manang-mana rin sa 'yo ang anak natin, hindi marunong magtago ng sekreto."

Natawa na si Leon dahil alam niya sa sarili niya na hindi niya kaya magsinungaling at magtago ng kanyang pagkakamali,

"Tatay! Tatay! I want to swim!" masiglang aya ng batang si Anna habang hawak ang mukha ng kanyang ama at inaalog iyon.

"Fine, fine! Just stop shaking my head," wika ng ama.

Agad na inalis ng batang si Anna ang kanyang maliit na kamay sa mukha ng kanyang ama sabay saludo.

"Aye! Aye! Captain!" masayang saad ng bata. "Let's go to the sea!" Sabay turo nito sa asul na dagat.

"Let's go!" masayang wika ng ama at tumakbo papunta sa tubig na sinundan naman ng kanyang asawa.

Ang kanilang tawanan at matamis na pagmamahalan ng kanyang mga magulang ay malinaw na malinaw sa alaala ni Anna kahit na ilang taon na ang lumipas. Akala niya noon ay hindi-hindi sila maghihiwalay at masisira dahil ni kahit isang sandali ay hindi niya nakitaan ang kanyang mga magulang na mag-away sa kanyang harapan. Hindi niya inaasahan na hahatong na maghihiwalay ang mga ito at mahihiwalay siya sa kanyang ama. Ngunit tulad sa kasabihan, walang bagay ang tumatagal ng pang-habangbuhay at ganoon ang nangyari sa kanyang mga magulang.

Nanumbalik si Anna sa kanyang sarili nang maramdaman niya ang mainit na likido na dumaloy sa kanyang pisngi. Agad na pinunasan ng dalaga ang kanyang luha sa mukha at muling ibinaling ang tingin sa kanyang sinapupunan.

"Kung hindi sila naghiwalay siguro hindi magiging ganito ang relasyon namin ni Mama."

Huminga siya nang malalim at muling hinaplos ang kanyang tiyan at ngumiti nang bahagyan.

"Kung naririto lang ang lolo mo, baby, mamahalin ka rin niya tulad ng pagmamahal na ibinigay niya sa akin noong bata pa ako," wika ni Anna na may ngiti sa kanyang mga labi. "Ganoon si Tatay, lahat ng tao na mahalaga sa kanya ay pinapahalagahan at minamahal niya ng husto."

Ngunit makalipas ang ilang saglit ay nawala ang mga ngiti sa labi ni Anna. "Mahal na mahal ni Tatay si Mama pero paanong nagawa ni Mama na iwan ng ganoon na lang si Tatay? Ibinigay ni Tatay ang lahat sa kanya: luho at pagmamahal. Bakit nang nawala na ang lahat ng pera ni Tatay iniwan niya na lang ito nang basta-basta? Nang dahil sa pera sinaktan at iniwan niya si Tatay. Minahal niya lang ba si Tatay nang dahil sa pera?"

Inulan ng mga katungan ang isipan ni Anna nang sandaling iyon. Sa maraming taon na lumipas hanggang ngayon ay hindi niya matanggap na dahil sa pera ay nagawa ng ina niya na saktan, iwan at ipagpalit ang kanyang ama.

"Sa pera na lang ba talaga umiikot ang mundo ng tao?" At itinuon ang kanyang tingin sa papasikat na araw.

"Tatay, nasaan ka na kaya? Miss na miss na po kita," malungkot na saad ni Anna.

Napapikit ang dalaga ng kanyang mga mata at humugot nang isang malalim na paghinga saka ito dahan-dahan na ibinuga para pakalmahin ang kanyang sarili. Nang maikalma niya ang sarili ay muli niyang ibinalik ang kanyang tingin sa magandang tanawin na nasa kanyang harapan.

"There always a new day to live," saad niya sa kanyang sarili at gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi.

Habang masayang pinagmamasdan ni Anna ang papasikat na araw sa di-kalayuan ay may mga matang nakatingin sa kanya.

"My eyes never see anything inaccurately."

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon