Epilogue

35 0 0
                                    

LUMIPAS ang mga araw at unti-unti nang nagiging maayos ang lahat para kina Anna at Jax.

"I'm happy that you are here by my side, Anna," mahina ngunit sinserong saad ni Jax habang nakayakap kay Anna na bahagyang humigpit.

Napangiti si Anna sa kanyang narinig. Hindi niya sukat akalain na may pag-asa pa silang dalawa ni Jax na magkaayos at makasama nang sandaling iyon dahil kung babalikan niya ang mga panahong para wala siyang halaga kay Jax ay napakalayo na nito sa kung paano siya tratuhin nito ngayon. Hindi niya maipagkakailang sa bawat aksyon na ginagawa at pinapakita nito ay labis ang tuwa at kilig na kanyang nararamadaman. Tila ba para siyang dalagang bago lamang sa isang relasyon, sobrang tamis at napakaalaga kasi ng binata sa kanya.

"You don't how happy I'm too," maikling tugon ni Anna na may ngiti sa kanyang labi.

Hindi naman magawang hindi matuwa ni Jax sa kanyang narinig at hinarap ang dalaga paharap sa kanya at saka ito niyakap nang mahigpit.

"I know I can't undo things that had happened, but I promised that it will never going to happen again. This time I'm going to cherish, care and love you more deeply than ever before. You mean the world to me, and I'll spend every moment proving it."

Inangat ni Anna ang kanyang ulo para magtagpo ang kanilang mga mata ni Jax saka binigyan ito nang isang malambing na ngiti.

"You don't have to prove anything. You've already done enough for me." Saka niya niyakap nang mahigpit si Jax.

Nanatili lamang silang ganoon dahilan para mabalot sila ng pansamantalang katahimikan silang dalawa. Ngunit biglang nagbago ang ihip ng hangin nang maramdaman ni Jax ang biglang paghawak ni Anna sa kanyang damit at mapatingin siya sa nakakasubsob na mukha nito sa kanyang dibdib.

"What's the matter? Are you not feeling well?" Sunod-sunod na tanong ni Jax na nakaramdam ng labis na pag-aalala sa dalaga.

Umiling si Anna na nanatiling nakasubsob sa dibdib ni Jax.

"Then, what's wrong?"

Hindi umimik si Anna ngunit matapos ang ilang saglit ay naramdaman ni Jax ang malalim na paghinga nito. Inalis nito ang pagkakayakap sa kanya at humakbang paatras para magkaroon sila ng distansya.

"Anna..."

Nanatiling walang imik si Anna at muli, humugot nang isang malalim na paghinga saka inabot ang mga kamay ni Jax at inangat ang kanyang mukha para magkatinginan sila ni Jax.

"I know you're working things out in our relationship too much, but can't you do even a little to your dad?" nag-aalangang tanong ni Anna ngunit bakas ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha.

Hindi umimik si Jax at tinignan lang si Anna. Hindi maitatago sa mukha nito ang pagkasiphayo at pagkadismaya ngunit sinubukan pa rin nito ikalma ang sarili dahil alam niyang hindi iyon magugustuhan ni Anna.

"Can we not talk about this, Anna?" mahinang saad nito na pinipigilan ang sarili na bumulusok sa galit lalo na at naalala na naman nito ang mga ginawa ng kanyang ama maging ang ginawa nito para sirain ang relasyon niya sa mga taong malapit sa kanya. Hindi niya kayang patawarin ito kahit na anong mangyari.

"I know forgiving your dad is tough, but holding onto this burden isn't fair to you. Even though it's hard, consider reaching out to him for reconciliation. Remember, he may not be as bad as you've come to believe."

Hindi nakaimik si Jax. Tinamaan siya sa huling salitang binitawan ni Anna dahilan para magsimulang manariwa sa kanyang alaala ang mga magaganda at masasayang alaala nilang pamilya at ang alaala nila ng kanyang ama. Nakaramdam ng guilt si Jax nang sandaling iyon. Hindi naman talaga masama ang kanyang ama sa simula't simula naging masama lang ito dahil sa ginawa nito. Ngunit kung tutuusin ay hindi niya ito dapat sisihin dahil sa hindi naman nito intensyon ang patayin ang kanyang ina dahilan para masira ang kanilang pamilya. Nakakawala si Jax sa kanyang pananariwa ng alaala nang maramdaman niya ang paghawak ni Anna sa kanyang kamay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)Where stories live. Discover now