Chapter 11: Dilemma

1.1K 109 15
                                    

Alam ng mga Dardenne, kahit mga maid doon at mga helper, kung ano ko sina Rico at Sab. Libreng pagkain, okay. Libreng hiram ng game consoles, okay. Kahit dinner o kaya lunch, doon ako madalas kapag busy ang parents ko. Pero hindi 'yon ang tipo ng paghingi ko ng kung ano-ano sa kanila dahil lang trip kong manghingi. Tinutulungan ko si Rico, tinutulungan ko si Sab. Para lang walang sumbat kasi ayoko ng nakakarinig ako ng kung ano-ano.

Parang kapatid ko na sina Rico at Sab kasi only child ako. Hindi na ako nasundan kasi ang dahilan ni Mami, mahirap manganak. Si Dadi, nag-agree doon kasi nag-flat line si Mami noong ipinanganak ako. Ayaw lang nilang maulit. At naintindihan ko naman 'yon kaya nga hindi ako naghanap ng kapatid. Isa rin 'yon sa dahilan kaya binarkada ko si Leo kasi only child din siya sa mama niya—na hindi na raw niya mama ngayon.

Si Rico, kahit pa enemy ang origin ng pagkakaibigan naming dalawa, hindi ko idi-discredit sa kanya ang treatment niya sa akin noong mga panahong namimili siya ng kaibigan. Kung ano ang meron siya, gusto niyang meron din ako. Kung ano ang nakakain niya, gusto niyang nakakain din namin ni Mat. Kung ano ang laruan niya, nagiging laruan din namin. At noong mga panahong 'yon, wala naman siyang hinihiling na kahit anong kapalit. Gusto lang talaga niya ng genuine friendship kasi babae ang kapatid niya tapos lalaki siya. Yung hilig nilang dalawa, polar opposite pa. Parang gusto lang niya ng may makakasamang maging masaya kapag may bago siyang discoveries na hindi kayang i-provide ng parents niya o kaya ng kapatid niyang babae.

Si Sabrina, nakalakihan na kasi naming dalawa ang isa't isa. Kumbaga, kasama ko na siya noong baby days pa namin hanggang ngayon na matatanda na halos ang sinasamahan ko. Kaya hindi ko rin alam ang gagawin kasi bigla akong napunta roon sa lugar na hindi ko naman intensiyong madako.

Sanay kami ni Sabrina na matulog nang magkatabi kasi iyakin siya noon pa man. Kung hindi si Rico ang katabi niya, ako madalas. Kailangan pa niyang patulugin na tatapik-tapikin para lang dumeretso ang tulog niya. Nakasanayan na namin 'yon. Sa akin, normal lang 'yon kasi nakalakihan na namin. Pero siguro nga . . . hindi kami habambuhay na bata.

Nanibago ako kay Sab. Hindi na kasi siya nangungulit. Lagi pa siyang tahimik. Kinabahan ako roon kasi makulit siya in nature tapos biglang . . . biglang wala na 'yon.

Madali ko kasing mapansin kung hindi siya okay . . . at ayokong hindi siya okay. Madalas siyang tulala tapos nag-aaya laging matulog.

Nag-consult pa ako kay Dadi kung anong sintomas 'yon. Baka nga raw sign ng depression at mas mabuting magpa-checkup na lang para sa proper diagnosis.

Kagagaling lang ni Sab sa trauma. Ayoko ng papansinin lang siya nina Tita Tess kapag naglalaslas na siya o kung ano man. Kasi hindi joke ang mental pain. Hindi ko tine-take ang sad mood bilang "A, malungkot lang 'to. Lilipas din 'to agad." Kasi maraming ginagamot si Dadi na naglaslas, nagsaksak ng sarili, mga nagpasagasa at sabog-sabog ang ibang parte ng katawan pero buhay pa rin. Ayokong umabot si Sabrina sa ganoon kaya gusto kong agapan habang maaga pa.

Hindi nagsasalita si Sab, lagi lang siyang umiiling kapag tinatanong ko. Kaya nga dinaraan ko na lang sa pagbasa ng body language niya kasi hindi siya nagsasabi. Ang sasabihin lang niya, "Kuya Clark, samahan mo 'ko matulog." Aalukin ko siyang maglaro sa computer, tatanggi siya. Kapag ako naman ang maglalaro, wala siyang ibang gagawin. Kakandong lang paharap sa akin at yayakapin ako hanggang manawa ako sa laro.

Ilang linggo siyang ganoon na tahimik tapos biglang masaya na ulit siya. Hindi makulit gaya dati pero mas masaya kumpara noong mga nakaraang linggo.

Pagdating ng January, hindi na siya nagsasabi sa akin. Madalas, wala rin siya sa kuwarto niya at hindi rin siya nakita ng mga maid. Naaabutan ko na lang siyang katabi ko kapag nakakaidlip ako habang hinihintay si Rico sa kuwarto.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon