Chapter 15: Summer

1.3K 120 41
                                    

Ang ganda ni Kyline.

Noong sinabi ni Leo na may crush daw si Kyline sa kanya tapos noong nakita ko si Kyline sa personal, sa isip-isip ko, bakit kaya ayaw rito ni Leo e pagkaganda-ganda ng babaeng 'to?

Pero noong nagpapa-cute na ako kay Kyline, naintindihan ko na kung bakit nabubuwisit ang barkada ko sa babaeng 'to.

Crush na crush ko talaga siya, hindi lang dahil maganda siya, pero sobrang weird niyang babae. Parang every day siyang may tinitirang ipinagbabawal na substance.

"Pero crush mo talaga si Leo?"

Nahihiya pang nag-ipit si Kyline ng buhok sa likod ng tainga niya saka kilig na kilig na ngumiti. Mabilis pa siyang tumango sa akin habang kumikinang ang mga mata.

"He's so nice kasi," pa-cute pang sinabi ni Kyline, at parang gusto kong sipain lahat ng upuan dito sa canteen ni Ate Weng kasi kung ide-describe ko si Leo bilang "nice", nai-imagine ko nang biglang kukulog at kikidlat tapos mawawasak ang kalsada hanggang mahati sa walo ang Earth.

Putang ina, si Leo, nice?

Si Leo yung picture na naroon sa dictionary na katabi ng definition ng nice pero may naka-italic na antonym sa ilalim bilang reference.

Dalhin ko na kaya 'to si Kyline sa optometrist?

Hindi kaya kinakabag lang 'tong babaeng 'to?

"Pero okay lang sa 'yo na crush kita," sabi ko pa.

"Okay lang," masaya rin niyang sagot. "You're cute din naman. You're jolly, and you're happy to be with."

"Tapos si Leo definition mo ng nice, 'no? Iba rin. Gusto mo ng thesaurus? Regaluhan kita sa birthday mo. Kailan birthday mo?"

"December."

"Pasko?"

"Nope. 17."

"A, pasok sa Simbang Gabi. Nagsisimbang gabi ka?"

"Chinese ako."

"Hindi halata sa Chua mo. Akala ko, German ka."

"Hahaha!" Ang hinhin ng tawa niya sabay sampal sa kaliwang pisngi ko kahit mahina lang. "You're so cute, Clark."

"Enebe! Pereng tenge 'te!" Kunwari pa 'kong naghawi ng imaginary long hair ko sa balikat saka nakitawa sa kanya.

Tambay kami sa canteen kasi wala pa raw yung dalawang kabarkada niyang babae. Yung isa, may klase pa. Yung isa, hinihintay niyang matapos sa training.

Nakikitsismis lang ako rito sa tabi niya habang nakikikain ako sa binili niyang Nova. Piattos dapat ang bibilhin niya kaso sabi ko, makikihingi ako kaya Nova na lang. Kaya ayun, Nova na lang binili niya kasi nakakahiya naman sa 'kin. Ako na nga nakikihingi, ako pa mag-a-adjust?

Well, masunurin naman siyang bata.

Nilibre ko rin naman siya ng drinks. Ako tagakuha ng libreng tubig sa dispenser ni Ate Weng para hindi na siya tatayo.

"Paano 'yon, mukhang hindi ka type ni Leo, okay lang sa 'yo 'yon?" tanong ko pa habang nguya nang nguya.

"Hmm, it's all right. I can wait for him."

"Angas, loyal." Nagtaas ako ng kamay at nakipag-apir naman siya sa 'kin. "Ayaw mo sa iba, gusto mo si Leo lang."

"Yeah!" mas excited niyang sagot. Paglingon niya sa 'kin, nguyang baby rin siya at sinasabayan ako. "You don't have a girlfriend yet?"

Mabilis akong umiling. "'Pag niligawan kita, sasagutin mo 'ko?"

"Hahaha! Clark!" Pa-cute lang niyang idinantay ang pisngi niya sa balikat ko saka dumampot na naman sa Nova. "I like Leo, sorry talaga."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon