Chapter 42: Excited

1.1K 128 84
                                    

Ayan, this chapter is dedicated to JessicaNollibac. Happy happy birthday, mhie! Enjoy your special day! Mabuhay ka hanggang sa iyong nais. Ayern. Enjoy reding, gaiz!


♥♥♥


Alam kong may trabaho si Tita Tess na seryosong trabaho talaga. Ang alam ko, owner siya ng security company, pero COO ang title niya, hindi CEO. Kasi ang CEO na nakalagay sa registration ay kay Tito Ric. Ang majority ng shares, under sa pangalan ni Tito. Pero sa operations, halos lahat, kay Tita Tess talaga.

At dahil epic fail ang first and second day ko sa duty, kailangan kong bumawi sa third day. Akala ko, makakalusot na ako kasi si Tita Tess na ang hahawak sa akin. Saka ko lang na-realize na sana bumalik na lang ako sa office sa Ortigas under kay Kuya Tony.

Malamang, mas mabait si Kuya Tony kaysa kay Tita Tess. Umagang-umaga, nag-service ako sa mansiyon. Sa isip-isip ko pa, "A! Sa mansiyon, shet, puwede akong mag-relax!"

'Tang inang relax 'yan.

Pinasuot ako ni Tita ng wrist and ankle weights (na hindi ko alam kung para saan). Sanay naman akong nagbubuhat kapag may gym session ang barkada. Pero hindi maghapon 'yon. Magkabilang wrist ko, may three-pounder weights. Ang masakit doon, hindi ako allowed magbaba ng braso kasi ang daming pinaaabot ni Tita. Kunin daw ang ganito, ayusin ang ganito, dalhin ang ganito sa kabilang kuwarto, i-compile ang mga ganito sa drawers ng file cabinet.

Alas-onse pa lang ng umaga, hindi ko na nararamdaman ang buong braso ko. Nagpapahinga ako sa sandaling break ko doon sa game show chair sa tapat ng office table.

"Tita, sakit ng braso ko, Tita . . ." reklamo ko.

"Parusa mo 'yan dahil sinagot-sagot mo si Geth."

"Pero, Tita! Binu-bully niya 'ko!"

"Then you should call your immediate supervisor to attend the situation."

"Lunch break? Grabe naman, Tita!" sagot ko, naiinis pa. "Saka tinawagan kita, di ba?"

"Ano'ng itinawag mo sa 'kin, aber?"

Nanlaki ang butas ng ilong ko sabay ismid. Dapat talaga, nagsumbong na lang ako.

"Hanggang kailan 'tong weights, Tita?"

"Hanggang kailan ko gusto."

Ang sama tuloy ng tingin ko kay Tita Tess. "Grabe ka naman, Tita. Mahal na mahal pa naman kita tapos parurusahan mo lang ako nang ganito. Ang sakit mo na sa puso, Tita."

"Tumahimik ka diyan."

Napakasungit talaga nito ni Tita Tess.

"Tita, puwede akong bumalik sa back office ng Afitek?"

"At ano'ng matututuhan mo d'on? Matulog maghapon?"

"Grabe ka naman, Tita, paano mo nalaman?"

Bigla akong binato ni Tita ng binilog na scratch paper na nailagan naman agad ng ulo ko.

"Hahaha! Si Tita, pikon," buyo ko. "Pero, seryoso, Tita. Puwede akong bumalik doon?"

"Hindi."

"Bakit? May binabasa pa 'ko d'on e. Hindi pa 'ko tapos."

"At ano'ng babasahin mo d'on? Mga scratch paper?"

Prenteng-prente ang pagkakasandal ko sa upuan habang nakapatong ang magkabila kong braso sa arm rest nang magtuloy-tuloy ako ng tanong kay Tita Tess.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon