Chapter 105: Death Threat

1K 118 53
                                    


Ayoko talaga ng mga surprise na hindi good news.

Alas-tres ng madaling-araw, tumawag si Leo. Akala ko, nantitrip lang, bababaan ko sana ng call.

"Si Belinda nga kasi, nasa ospital."

"Si Mommy Linds?" Napabangon ako nang wala sa oras kasi ang akala ko pa, si Mommy Linds ang pasyente. "Huy, gago, ano nangyari?"

Nagmamadali akong nagsuot ng hoodie at hindi na nagpalit ng jogging pants.

"Kinatok nga raw kasi ni Manang Chona kanina. Masakit nga raw ang tiyan."

"Sino ang masakit ang tiyan?"

"Si Manang nga."

"Dinala na sa ospital?"

"Humihingi na ng doktor si Manang, e di dinala na ni Belinda sa ospital. Papunta na 'ko ngayon."

Naririnig kong nanginginig ang boses ni Leo mula sa kabilang linya. Hindi ko tuloy mabiro kasi kahit ako, kinakabahan na rin.

Dinala raw sa private hospital sa Makati. Yung isang street lang halos ang layo paglabas ng subdivision.

Naabutan ko pa si Leo roon sa parking lot. Hindi ko na natawag kasi tumakbo na agad papasok ng entrance ng emergency room.

Yung inaantok ka pa, sabog ka pa sa nakaraang araw na stress, tapos ospital agad ang dadayuhin mo.

Wala halos pasyente, malamang kasi ginto ang bayad dito kapag magpapa-ward. Pero nasa second floor daw si Manang sabi ng nurse na nasalubong ko sa nurse's station.

Pagdating doon, nasa malayo pa lang, nakita ko nang umiiyak si Mommy Linds sa waiting area, hinahagod ang likod niya ni Gina na isa ring umiiyak. Si Leo, nakasilip doon sa glass window ng pintuan.

"'Tol," tawag ko sa dulo pa lang ng hallway.

Hindi ko maipinta ang mukha ni Leo nang lingunin ako. Pigil na pigil ang labi niyang manginig saka umiling.

Alas-tres ng madaling-araw, hindi ko agad na-digest lahat.


♥♥♥


Sa aming magbabarkada, kami ni Leo ang pinakamalapit kay Manang Chona. Halos tatlong taon, naging lola namin si Manang Chona sa bahay nina Mommy Linds.

Si Tito Addie ang nag-asikaso ng wake ni Manang Chona sa isang chapel malapit din sa ospital.

Iyak nang iyak si Kyline. Umaga, iiyak. Saglit na hihinto, pagsilip sa kabaong ni Manang, iiyak na naman sa tanghali.

Hindi namin mailapit si Eugene sa kanya kasi ang bilis mahawa ni Eugene kapag may umiiyak sa paligid. Kapag nasosobrahan siya sa iyak, nangungulay violet talaga siya.

Magandang kulay ang itim, pero ngayon ko hindi na-appreciate itong kulay.

"Ninong Clark, is Mimy gonna be all right?"

"She will be. Hindi pa nga lang ngayon. Pero soon."

Ako ang bantay ngayon ni Eugene. Grade 3 na siya, may isip na kung tutuusin. Kaya na nga nitong makipagsagutan kung gugustuhin nito, pero ito lang ang may ayaw kasi bad nga raw 'yon—sabi ko sa kanya noon.

Tambay tuloy kami ngayon sa kung saan-saan para lang maghintay ng go signal sa daddy niya na puwede na kaming bumalik. Kanina, nasa Megamall kami. E ang daming tao, naaaburido ako. Kaya lumipat kami sa may Ortigas papuntang Rockwell. Mas tahimik doon habang naglalakad kami.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon