Chapter 77: Surprise Date

1.1K 123 92
                                    

Balak ko dapat 'tong i-cut para deretso na kay Sab kasi filler naman, pero lagay ko na rin dito para hindi sayang hahaha

This chapter is dedicated to bellesizzle na first comment last chapter. Thank you po sa pag-iwan ng comment, enjoy reading!

♥♥♥

Pagbalik nina Leo at Kyline sa maikling bakasyon nila, halatang naging okay na rin kahit paano si Kyline. Nakakausap na rin siya ng psychiatrist at nabibigyan na siya ng tamang gamot.

Akala ko, okay na. Akala rin namin, okay na lahat. Yung klase ng okay na normal na kasi dahan-dahan naming inaalis kay Leo ang bigat na mag-isa niyang pinapasan.

Ayaw niyang nagpepresinta kami ng direktang tulong, kaya ang ginawang remedyo nina Mommy Hellen, parang hindi puwersahan ang tulong. Pati yung mga lolo at lola ni Eugene, inaako na rin ang pagbabantay sa baby kasi nakikita nila si Leo na pabigay na talaga.

"Kay Mommy Hellen daw si Eugene bukas," balita ko. Dumaan sina Sir Adrian sa bahay ng mga Brias, nagdala ng meryenda saka baby food.

Nasa nursery kami ni Leo, inaalagaan si Baby Eugene. Nakaupo siya sa playmat habang kandong ang baby habang ako ang nagsasalin ng pumped milk ni Ky sa feeding bottle.

Si Kyline, nasa kabilang kuwarto, natutulog naman.

"Dude," tawag ni Leo.

"O?"

"Nag-usap kami kahapon ni Ky."

"Ano sabi?"

"Gusto niyang bumalik ako sa school ngayong June."

Tinitigan ko naman siyang maigi, inaalam kung masama ba ang loob. Kaso parang araw-araw naman yatang masama ang loob niya, wala akong mabasang bago.

"Kaya mo ba?" tanong ko na lang.

Yumuko siya at tinitigan ang anak niyang tinitingala rin siya, parang naghihintay rin ng sagot sa daddy niya.

"Ayoko sana," sagot ni Leo.

"Kaso?" Paglapag ko sa play mat ng maliit na bote ni Baby Eugene, ako naman ang nahiga sa tabi nila.

"Gusto talaga ni Kyline umalis," malungkot na dagdag ni Leo, hindi na ako nagulat. Pangarap ni Ky mag-tour around the world, natural aalis talaga 'yon. "Alam mo naman, gusto talaga n'ong mag-flight attendant, di ba?"

"Oo nga."

"Ayoko sanang maging selfish, pero ayoko rin namang umalis siya."

'Tang ina naman nito ni Leo, puwede bang change topic?

Ayoko ng mga ganitong usapan, pota. Bumabalik na naman ang sama ng loob ko noon.

Napabuntonghininga na lang tuloy ako.

"Kung ikaw ako tapos aalis si Ky, papayag ka?"

"Hmm . . ." Nakatitig ako sa kulay kremang kisame habang iniisip ang tanong na 'yon. Ayoko ring maging selfish, siguro kasi galing na ako sa ganitong sitwasyon. "Papayag ako," sabi ko na lang.

"Kahit mahal mo?"

"Oo."

"Sinungaling."

'Tang inang 'to. Magtatanong tapos tatawagin akong sinungaling. Kung hindi lang nito kandong si Eugene, sinipa ko na 'to.

"Alam mo, Leo, mas okay na yung bigyan mo muna ng space si Ky," paliwanag ko pa. "Kung mahal ka niyan, babalik sa 'yo 'yan."

"Kung makapagsalita ka parang ganoon lang 'yon kadaling gawin. Ang tagal ko rin kayang inalagaan si Ky."

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon