Chapter 43: Trainee

1.1K 112 64
                                    

Masyado akong natuwa kaka-TikTok at Fruit Ninja hahaha sorry na, nagpapahupa lang ako ng stress. Eeeeniwey, this chapter is dedicated to MissAteng na ating first comment last chapter. Enjoy reading!

♥♥♥



Intern sa office ni Tessa Dardenne—at wala pang nag-attempt mag-intern sa kanya ever since maitayo ang company. Sinasabi ng iba na easy-easy lang daw kasi matagal na akong kilala ng mga Dardenne kaya bine-baby ako sa OJT.

How I wish.

Katatapos ko pa lang ng first week sa office niya sa mansiyon, balik field ulit ako. Pero kasama na si Tita. Kasama rin si Tito Ric na one week nag-file ng vacation leave kaya paniguradong lagi na siyang nakabuntot kay Tita Tess.

Nakamulatan ko sa parents ko na kapag may adventures sa bundok si Mami, madalas na sumasama si Dadi tapos naiiwan ako sa bahay. Sa akin, ayos lang na maiwan kasi ang dami ko rin namang bahay na inuuwian.

Sa kaso nina Tita Tess at Tito Ric, same lang sa parents ko na hindi natututukan araw-araw ang mga anak, kaya nga laking Inday Sita rin sina Rico at Sab. Pero meron at meron talagang buwan o linggo sa isang buong taon na nakalaan lang talaga para kina Rico. At dahil 21 na si Rico ngayon, may sarili na rin siyang ginagawa. Pero nasusunod pa rin ang reserved days nina Tito Ric at Tita Tess na magkasama minus ang mga anak nila.

Hindi ko tuloy alam kung matatawag bang bad news na parang naging substitute son ako. Magde-date lang sila, tangay-tangay pa ako. Malas.

"Tessa!" Napatitig ako sa malaking lalaki na nakasuot ng itim na T-shirt at cargo pants. Ang laki ng katawan niya, parang nananakal ng tanga.

"Hello, Jaguar."

Paglapit niya kay Tita Tess, nagmukhang elementary student si Tita na sumalubong sa tatay na nagsusundo—ganoon siya kalaki. Pero mas mababa naman talaga si Tita kahit itabi sa akin. Hanggang balikat ko nga lang, partidahan nang hindi ako six-footer.

Pumunta kami sa isang firing range sa Binangonan.

Hindi bago sa akin ang baril. Si Dadi, humahawak din ng baril, bumibili ng baril, dumadayo kami minsan sa gun shops, kilala ko ang tita ni Kyline.

Pero kasi, kami 'yon ni Dadi. Iba yung ang kasama ko, sina Tita Tess, at wala pa kami sa city. At saka bumibili lang ang daddy ko, hindi niya ako isinasama roon sa mismong range kasi nga, maingay.

Hindi closed area ang firing range, kaya talagang damuhan, puno, at bundok ang field—literal na field. Wala ring soundproof walls kaya nakaka-trigger ng trauma ang setup.

Sa labas ng firing range, mukha nga lang vulcanizing shop ang pinuntahan namin. Ang parking lot, hindi patag. Magraba lang kung saan iniwan ni Tito Ric ang sasakyan. Pero malalaman mo namang firing range doon kasi sa labas pa lang, parang may giyera na sa loob.

Ayokong magdrama kasama sina Tita Tess at Tito Ric kaya pumipikit na lang ako at nagpapatunog ng daliri kapag may naaalala na naman akong ayokong maalala.

Pagpasok namin sa mukhang vulcanizing shop na entrance, sa likod n'on, malalawak na firing range na at hile-hilera ang waiting shed sa isang gilid.

Sunod-sunod na naman ang putok ng baril, at halata sa mga taong narito na wala silang takot sa pinagmumulan ng mga ingay.

Ang aga namin, alas-nuwebe ng umaga. Ang peak daw nila ay alas-tres kadalasan, kaya rin hindi masyadong maraming tambay na nanonood.

May kinakausap sina Tita tapos ako naman, nakikiramdam lang. Nakikinig ako nang kaunti, ang kaso, napunta naman ang usapan nila kung kumusta na raw ang mga anak nina Tita, ano na ang ginagawa nina Rico, kumusta ang trabaho sa company nina Tito Ric—mga bagay-bagay na hindi ko alam kung dapat bang magkapake rin ako kahit pa hindi naman relevant sa dahilan ng OJT.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon