Chapter 32: Insider

970 115 103
                                    

Ayern, update today para bukas na ulit ako babalik kay Clark. This chapter is dedicated to chambe2x na first comment last chapter.  Enjoy reading po!


♥♥♥




Malaking bagay para sa 'kin ang kaso ni Mommy Delly. Parang binago nito ang flow ng plano ko sa site. Ang bilis ma-track ng asawa niya! Ilang beses na rin kasing nag-book sa site.

Kaya ang ginawa ko, kinuntsaba ko si Joyanne (hindi niya tunay na pangalan). Sa kanya kasi nag-book ng one-night stand.

"Joy," tawag ko. "May asawa 'tong client mo. Tina-track 'to ng misis niya, baka matiyempuhan ka."

"Shet. Kilala mo 'to?" Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Joy dahil sa kuwento ko. "Seryoso ba?"

Mabilis akong tumango. "Kakausapin ko yung misis. Ipapaliwanag ko ang kaso mo. Hindi mo pa naman naging kliyente 'to dati, di ba?"

"Hindi pa."

"Better. Kakausap ko si Mrs. Feliciano, dadalhin ko siya sa meeting place n'yo."

"Huy, gago! Baka sugurin ako niyan!"

"Hindi ka susugurin niyan, ako bahala. Sasamahan kitang pumunta sa hotel. Backup ako sa lobby. Kapag may nangyaring hindi okay, kukunin agad kita. G ka ba?"

"Sure ka ba diyan?" nag-aalangang tanong niya. "Kapag ako sinabunutan niyan, ha."

"Kapag hindi ka sinabunutan, ako sasabunot sa 'yo."

Bigla siyang ngumiti nang malisyosa sa 'kin. "Bet ko kapag ikaw!"

"Hard pass. Mas maton ka pa sa 'kin. Malaki lang pectoral muscles mo kaya ka naka-bra."

"Grabe ka talaga!" At nahampas pa nga ako ng gagang 'to.

"Payag ka na, ha. Kapag hindi, bahala ka diyan. Kapag naabutan ka ng asawa nito, sampal talaga abutin mo."

Pumayag si Joyanne. Wala siyang choice. Kaya nga tinawagan ko agad si Mommy Delly.

"Hi, Mommy Delly! Si CJ po ito."

"O, CJ, napatawag ka?"

"Mommy, may chika ako for you. Pupunta raw asawa mo sa Vito Cruz mamaya. Kikitain niya yung isang kasama ko. Huwag mong sasabunutan 'to, mommy, first time niya lang makikita asawa mo, ha."

Hindi nakasagot si Mommy Delly pero rinig na rinig ko ang bigat ng paghinga niya. "Mommy, ang presyon, tumataas. Breathe in, breathe out ka muna, go."

"Sige, pupunta ako. Saan sa Vito Cruz?"

Sa isang hotel malapit sa Vito Cruz ang meeting place. Kasama ko si Joyanne na pumunta kasi doon din ang sinabi kong meeting place para naman sa ka-date ko na mangyayari sa susunod na dalawang oras.

Pareho kaming kinakabahan kasi nandoon na ang mister ni Mommy Delly. Hindi naman malaking tao, parang hanggang balikat ko lang yata. Panot saka ang baduy ng porma.

Baka naman malabo na ang mata ni Mommy Delly at talagang gusto pa niyang manumbalik ito sa buhay niya. Kung ako 'yon, iyo na sarili mo, p're. Salamat na lang sa lahat!

Nasa gitnang table 'yon, mga sampung mesa ang layo sa amin. Nakatago kami sa likod ng malaking pillar ng lobby.

Lumapit na rin si Joyanne doon sa asawa ni Mommy Delly. Maganda si Joyanne, pero hindi ko type. Malaki ang dibdib niya. Kaya nga madalas ma-book. May stress-reliever ang kliyente. Medyo may bilbil pero kaya pang daanin sa malalim na pag-inhale tapos walang pag-exhale na magaganap.

ABS Sides: Alabang Boys' AdventuresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon